Thirty Eight

39 11 0
                                        

Masayang nagkukwentuhan sila Olivia and Leni tungkol sa mga latest ganap sa buhay nila ng biglang dumating ang mga magulang ni Amanda.

"Hi po, Tita!" Leni greeted Amanda's parents cheerfully when they sat down and placed their things on top of the table.

"Kayo bang dalawa ay kumain na?" Tanong ni Tito Enrico, ang tatay ni Amanda, habang inaayos ang hospital gown ng anak.

"Papunta po kami sa fastfood sa tapat nitong hospital. Kayo po kumain na?" Olivia asked and threw their empty snack wrappers into the trash bin.

"Oo. Teka, may dala akong muffins dito. Kumuha na din kayo para may dessert kayo mamaya." Aling Delia said while she took out the muffins from a store nearby.

"Ang sarap nyan, Tita!" Leni exclaimed while she delightfully divulge herself into the muffin.

"Bakla ka! Dessert nga 'di ba!" Olivia laughed and did the same. "Geez. This is heaven!" She said closing her eyes to savor the food.

The girls heard Amanda's parents laughed while watching them.

Hindi nila namalayan ang paggalaw ng kanang hintuturo ni Amanda at bahagyang pagdilat ng mga mata nito.

"Nagugutom na ako lalo tuloy! Tita, tito, kain po muna kami. Bukas na lang po kami ule bibisita." Olivia smiled, her hand on her bag strap. "Dadalin ko na din po ang kambal ko para magising na si Amanda."

"Ay, sige. Mag-iingat kayo pauwi ha." Sambit ni Tito Enrico at binigyan sila ng ngiti.

Kasabay ng pag-alis ng dalawa ay mahinang nag-usap ang mag-asawa sa couch sa tabi ng kama ni Amanda.

"Kamusta na ang pakiramdam mo, 'pa? May masakit pa din ba sayo?" nag-aalalang tinig ni Aling Delia sa asawa.

"Medyo naninikip ang dibdib ko pero kaya pa naman." ani ng ama.

Lingid sa kaalaman ng mag-asawa, naririnig ni Amanda ang kanilang pinag-uusapan at naaaninag nito ang kanilang mga itsura. Hindi man makagalaw sa kanyang kama, hindi napigilan nitong maluha sa sinasapit ng mga magulang na naghihirap sa kalagayan niya ngayon.

Hirap man pero nagawa ni Amandang umusal ng salita kahit may oxygen na nakalagay sa bibig nito. Tanging ungol ang nasambit nito at ipinagpapasalamat nya na narinig ito ng kanyang ina.

"Anak!" masayang sigaw ni Aling Delia habang papalapit sa kanya. Agad na hinawakan nito ang kamay habang ang ama ay tumawag ng doktor at nurse upang asikasuhin ang anak na nakaratay sa kama.

Maluha-luhang pinagmasdan ng mag-asawa ang doktor at mga nurse na tumutugon sa kasalukuyang kalagayan ng anak.

Agad na ininspeksyon ng doktor si Amanda gamit ang stethoscope at kinuha naman ng mga nurse ang vitals nito.

Matapos ang ilan pang saglit ay kinausap na sila ng doktor.

"Maayos na po si Amanda matapos ang mahigit dalawang buwan. Kailangan nya lang po bumawi ng lakas at pahinga kaya payo ko po ay manatili muna siya dito sa ospital ng isang linggo pa para makarecover. Aside sa injury nya sa tagiliran sanhi ng pagkabangga sa sasakyan, imomonitor din natin ang kanyang ulo at neurocognitive processes dahil posible po itong nabagok nung mabangga sya. " mahabang saad ng doktor. " Other than that, your daughter's fine. "

"Naiintindihan po namin, Doc. Salamat po." Aling Delia gratefully said and smiled tearfully at the professional in front of her.

"Maraming salamat po, Doc." Ulit ng Tatay Enrico ni Amanda at hinatid ito sa pintuan ng kwarto ni Amanda.

Agad na nilapitan ng mag-asawa si Amanda at pinunasan ang kanilang mga luha.

"Anak, kamusta na pakiramdam mo? May masakit sa 'yo?" Nag-aalalang tanong ni Aling Delia habang hawak ang braso ng anak.

Tinanggal na ang mga nakakabit na tubo ni Amanda ng masuri ng doctor na kaya na itong huminga ng maayos ng walang oxygen mask. Bagamat may benda pa din sa ulo, kaya ni Amanda na iikot ang ulo pag may gustong tingnan o obserbahan sa paligid.

"Mama." mahinang usal ni Amanda "Tubig."

Mabilis na tumalima ang tatay nito at kumuha ng baso ng tubig at pinainom saglit ang anak.

"Miss na miss ka na namin, anak." Mangiyak ngiyak na sambit ng ama at binigyan ng halik sa pisngi ang anak.

Nanghihinang ngiti ang tugon ng anak na hindi na din naiwasang maluha.

Pinunasan ito ng ina at sinimulang magkwento sa anak ng mga kaganapan sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan. Iniwasan ng ina na banggitin ang kahit anong may kinalaman kay Jessica o Toniboy na maaaring makaapekto sa kondisyon ng anak.

Ayaw nyang malaman ng anak ang walang pusong ginawa nitong paglilihim ng mga bagay-bagay ukol sa pagkatao nito mula sa kanya.

Lumipas ang isang linggo at naging maayos ng tuluyan ang recovery ni Amanda.

Pinayuhan siya ng doktor na kung sakaling may maramdaman o mapansing kakaiba o masakit si Amanda ay butihing isangguni agad sa kanila upang matingnan at matugunan ng karampatang  atensyong medikal.

Masayang bumalik sila Amanda sa kanilang bahay kahit na iika-ika ito at may benda pa sa ulo.

Pagkababa nila ng taxi ay malayang iginala ni Amanda ang kabuuan ng kanilang bahay.

Hindi nya pa magawang itanong sa ina kung ano ang naging dahilan ng kanyang aksidente. Pagmulat ng mga mata nya sa ospital, napansin nyang wala syang maaalala sa mga naganap. kamakailan lamang sa kanya.

Ang tanging naaalala nya ay yung mga panahong nasa isang resort sila kasama ang ilang mga kaibigan na hindi nya mamukhaan.

Malabo ang lahat sa kanyang alaala. Ang alam nya lang ay nasa tatlo o apat silang magkakaibigan at mayroon siyang manliligaw na hindi nya matandaan.

I Found My Oppa! ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon