Lumipas ang ilang araw at na discharge na si Amanda sa ospital. Napatawad na din ni Aling Delia si Toniboy sa "pag-aagrabyado" nya sa anak niya.
Malinaw na din kay Amanda na si Jessica at Toniboy na matagal na nyang kakilala ay iisa.
Nadiskubre din nila na kaya pala ganoon na lang ang panggigil ni Mr. Alfred Young-Rivas na makuha ang lote ng ampunan ay dahil sa isang bahagi nito ay nakatago ang listahan ng mga kilalang tao na nagkatransaksyon sa orihinal na nagmamay-ari ng lupa. Ang lolo ni Amanda.
Kinwento na din nila Aling Delia kung paano pinamana ng kanyang ama ang lote hanggang sa maging ampunan ito na siyang sinimulan ng kanyang ina. Kasosyo nito ang mga magulang ni Mr. Park na sila Emilia at Park So Min.
Dumating ang kaarawan ni Amanda at nagdaos ng konting salo-salo sa kanilang bahay. Imbitado ang kanyang mga kaibigang sila Olivia at Leni.
Nakilala na rin ni Amanda ang mga magulang ni Mr. Park bago pa ang kanyang kaarawan at naimbitahan nya na din ito.
Nilabas ni Kuya Jun, ang anak ng Mayor Doma nila Mr. Park, na ngayon ay hinire ng lalaki para sa nobya bilang driver nila, ang sasakyan. Inayos nila iyon upang doon gawin ang salo-salo. Nagrent sila ng mga lamesa at upuan para sa mga bisita.
Samantalang nagluto naman ng mga ulam at meryenda sila Tita Emilia at ang Aling Delia para pagsaluhan ng lahat.
Tumulong sila Romeo at Toniboy sa pag-aayos ng mga upuan habang sila Olivia at Leni ay naglalagay ng mga dekorasyon.
Kasalukuyang walang ideya si Amanda sa nangyayari sa bahay niya dahil sinama sya ni Mr. Flynn sa isang meeting nito sa labas ng kompanya. Sabado ngayon at dapat nasa bahay sya ay nagpapahinga kaso ay simula pa kahapon ay nasa byahe na sila.
Nag-overnight sila sa Pampanga at doon nila mineet ang kliyente.
Lingid sa kaalaman ni Amanda, pinlano na ito nila Mr. Park at mga kasamahan ni Amanda sa departamento. Ang ilang malalapit kay Amanda na sila Tristan at Kristina ay inimbitahan din ng binata.
Ngayon ay pabalik na sila sa opisina. Tanging si Amanda lang at Mr. Flynn ang pumasok gawa ng meeting nila kahapon.
Tumanggi si Amanda na magpahatid pauwi sa kanilang bahay dahil gusto nyang iwanan ang ilang gamit sa opisina.
Nangako sya sa sarili na hindi magpastress sa trabaho upang hindi sya nagkakasakit.
Kamakailan nya lang nalaman sa psychiatrist nya na kasalukuyan syang may post-traumatic stress disorder ng dahil sa Sunod-sunod na aksidenteng naranasan nya.
Kahit na kaya nyang bumiyahe mag-isa, naaaligaga pa din sya pag nakikita nya ang bus at itim na mga sasakyan.
Isa ito sa dahilan kung bakit sinundo sya ni Mr. Park sa opisina at pinalitan nya ang itim na kotse nya ng Aegean Blue Volvo Metallic Civic Sedan.
Tila damit lang kung palitan ng binata ang sasakyan.
"Hello, Love." Mr. Park said with wide smile and gave her a kiss on the cheek.
Amanda smiled as well. How she missed this man!
"Tara na, uwi na tayo. Namimiss ko na ang kama ko!" Amanda exclaimed as she sat on the passenger seat. "Grabe, love, yayamanin ka talaga!"
Realizing what she said, her eyes widened and Mr. Park who was about to turn the car's engine on halted.
Amanda blushed and saw the corners of Mr. Park's mouth curved into a grin. His ears also started to turn pink.
"Ano ulet yun? " Mr. Park teased, and looked into her eyes.
"Ah, sabi ko, umuwi na tayo." Amanda said and heaved a breath.
BINABASA MO ANG
I Found My Oppa! ✔
HumorTropang Bakla Series (T-BAKS)#1 Isang late bloomer na naaddict sa Kdrama ang nainlove sa hindi nya inaasahang pagkakataon. May mga bagay siyang matutuklasan kasabay ng pag-usbong ng mga pag-aalinlangan nya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Makakay...
