"Amaaayyy!" Sigaw ni Aling Delia sa anak na si Amanda pagsapit ng Linggo.
Sinet nila ang araw na iyon para maggeneral cleaning sila. Tatatlo lamang sila at walang ibang gagawa nun kundi sila lamang.
Kahit noon pa, hindi na sila naghanap ng kasambahay dahil dagdag lamang iyon sa mga bayarin kada buwan.
Ang kanyang ama naman ay abala sa paglilinis ng kotse at si Amanda ay nagpupunas ng mga gamit sa sala.
Ang agenda nila sa araw na yon sa kanilang "General Cleaning Series" ay pag-aayos ng mga damit sa aparador nila.
Nakapagwalis na ang kanyang ina kahapon kasabay ang pagmamop ng sahig.
"Bakit, 'ma?" sigaw ni Amanda mula sa sala.
"Bilisan mo ng tapusin magpunas dyan! Aayusin pa natin 'tong magulong aparador mo?" Sigaw uli ng ina mula sa kanyang kwarto.
"Andyan naaa!" sagot ni Amanda habang mabilis na pinunasan ang mga pigurin na nasa istante sa tabi ng tv rack nila.
Lumabas si Amanda upang tingnan ang kanyang ama sa garahe.
"Pa, akyat lang kame ni mama sa kwarto ko. Mag-aayos lang kame ng mga damit." paalam ni Amanda sa Ama na tinanguan nito habang sumasayaw sayaw sabay sa Uptown Funk na pinapatugtog nila sa radyo.
Mabilis na tumakbo si Amanda paakyat sa kwarto nya.
Naabutan nya ang ina na isa-isang nilalabas lahat ng kanyang damit na pambahay.
"Wow, dami ko palang pantulog?" natatawang sambit ni Amanda at nag-Indian Seat sa lapag.
"Ewan ko ba sayo, 'nak. May makita ka lang na maganda kahit hindi mo kailangan, bibili ka pa din." sagot ng ina habang inaayos ang pagkakatupi ng mga pang-itaas.
Tumawa lamang si Amanda habang pinupulot isa isa ang mga damit. Ngingiti-ngiting binuklat nya ang Pooh na pajama terno at naaalala na ginamit nya iyon sa pajama party ng kaibigang si Olivia noong huling kaarawan nito.
"Magtupi ka, hindi magpacute. 'Tong batang to!" Usal ng ina at hinila ang hawak nitong terno.
"Nagrereminisce lang, 'ma! Grabe ka talaga sa'kin!" Amanda laughed at her mom's antics.
Sinimulan na ni Amanda na magtupi ng mga pantulog niya. Ang ina naman ay binalik ang mga natapos ng tupiing mga damit sa lagayan nito.
"Maganda na pagkakatupi niyang mga yan ha. Aangatin pag yung ilalim na damit ang kukunin. Hindi yung hatak ng hatak. Kaya nagugulo ang ayos e." sermon ng ina at inilabas naman ang mga long-sleeve ni Amanda na nakasalansan sa itaas ng mga pambahay.
"Opooo." Amanda answered and returned the other half of her indoor clothes.
"Kasya pa ba sa'yo tong blouse na to?" Tanong ng ina ng binato sa kanya ang maroon na long-sleeve.
Sinukat naman iyon agad ni Amanda at inayos sa harapan ng ina.
"Ay, masikip na, 'ma." Ungot nito sabay hubad ng damit.
"Ilusyonada! Wala ka namang dibdib! Luwag-luwag pa sayo oh!" natatawang sagot ni Aling Delia at kinuha ang damit para tupiin.
"Ay grabe sya oh!" Sabay akap ni Amanda sa kanyang sarili. "Hindi ako flat!"
Natawa na lamang ang kanyang ina at tinuloy ang pagtutupi.
"Maiba tayo anak. Kayo na ba ni Mr. Park?" tanong ng ina ng ibalik ang mga long sleeves sa aparador.
Napabuntong-hininga na lang si Amanda at umiling. Maya-maya ito ay napangiti ng maaalala nung bigla sya nitong halikan aa pisngi noong naghapunan ito sa kanila.
"Ano yang ngiting yan? Wag mong sabihing sinuko mo na agad ang bataan mo?" Sigaw ng ina sabay hampas sa kanya ng damit nya.
"Aray naman, 'ma!" Sigaw ni Amanda ng maramdaman ang hapdi ng braso na tinamaan ng damit. "Kalma! Hindi pa nga ako hinahalikan ng tao eh."
"Aba-aba! Malantong kang bata ka!" hampas ulit ng ina sa kabilang braso.
Natawa nalang si Amanda sa akto ng ina habang sinasangga sa mukha ang mga hampas ng ina.
"Hindi pa kami!" sagot ni Amanda. "Hindi ko nga alam kung nanliligaw yon. Palaging wala sa opisina. Mixed signals ang natatanggap ko sa kanya. Hindi din ata kami bagay dahil wala pa akong nakikilala kahit isa sa mga magulang nya. Di ba pag seryoso sayo, dadalin ka sa mga magulang para ipakilala? " inosenteng tanong ni Amanda habang nagtutupi ng mga corporate dress nya.
Amanda heard her mother sigh.
"Dalaga na nga ang anak ko. Hindi naman kailangang magmadali anak. Kung talagang gusto ka nya, hintayin mo syang gumawa ng hakbang para mapalapit sayo. Hindi naman ako salungat sa kultura nila bilang mga banyaga pero bigyan mo lang ng oras baka naman sadyang may mga bagay na inaasikaso lang sya ngayon. "
Amanda remained quiet while arranging her dresses.
"Wag kang mag-alala. Hindi kami kontra sa magiging kasintahan mo. Huwag lang kayong magmadali. I-enjoy nyo na muna kung ano ang meron kayo bago kayo sumuong sa relasyon." Aling Delia smiled at her daughter and pulled out Amanda's jeans on the left side of the cabinet.
"Opo, 'ma. Aalalahanin ko po lahat yan." Amanda smiled back and stood up.
Amanda noticed her messy side table and dresser. She almost forgot to clean the drawer under the table.
She found a wooden box and opened it gently. She was surprised at what she saw.
She picked up a couple of pictures and asked her mother.
"Ma, naaalala mo pa ba yung mga naging kaibigan ko sa Orphanage noon?" she asked still looking at each of the pictures.
"Sila Toniboy, Ivy at Ayah?" Her mother asked looking up at her from the floor. "Oo kaya! Anong akala mo sakin, senior na?"
Amanda frowned and placed the pictures inside the box again after removing some trash inside the drawer.
"Seryoso na kasi, 'ma. Naaalala mo pa ba sila? May nabalitaan ka po ba kung nasaan na sila nakatira?" Amanda asked again and sat on her bed.
"Hmm. Ang pagkakaalala ko, may kumupkop na mag-asawang doktor kay Ivy halos sabay sa paglipat natin dito. Si Ayah naman ay kinupkop ng tiyahin niya pero wala akong balita kay Toniboy. Bakit mo nga ba naitanong, anak?" Aling Delia asked in curiosity and returned the neatly folded jeans and closed the cabinet..
"Na-miss ko lang po sila bigla nung nakita ko po mga picture namen noon." Amanda said in all honesty as she stretched her arms. She lied on her bed.
"Wag ka na muna matulog dyan at magtanghalian muna tayo at nagugutom na ako. Bumaba ka na ha." Aling Delia said and went downstairs to their kitchen.
BINABASA MO ANG
I Found My Oppa! ✔
HumorTropang Bakla Series (T-BAKS)#1 Isang late bloomer na naaddict sa Kdrama ang nainlove sa hindi nya inaasahang pagkakataon. May mga bagay siyang matutuklasan kasabay ng pag-usbong ng mga pag-aalinlangan nya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Makakay...
