Natapos ang tatlong araw nila Amanda sa resort kasama ang kaniyang boss na gwapong-gwapo sa sarili.
Hindi niya maintindihan kung bakit kada may pagkakataong dalawa lang sila ng kapatid nitong si Jin ay bigla-bigla na lang nag iiba ang awra nito.
Ending, umuwing tahimik ang sasakyan sila Amanda.
Payapang nakahiga si Amanda sa kama ng maalalang kinabukasan nga pala ang party ng boyfriend ni Leni at ilang araw din sila magtatagal doon.
Agad na binuksan ni Amanda ang group chat nila nagbabakasakaling may mga detalye ng itinext ang kaibigan.
Group Chat ng mga Bakla
Baklita Friend :
Ola!
Mga kapatid!
Nagbabalik mula sa banga!
Amanda Catalin!
Krung krung na Friend:
Hahahahahahahhahahaa
Pafame na Jubis:
Grabe talaga kayo kay Amanda!
Pasmado ka talaga Baks!
Trying Hard na Koreana:
Yan!
Ganyan na talaga yan si Baks!
Masyadong mahadera!
Baklita Friend:
Aminin! Matagal kang nawala!
Sang langit ba kayo
nakarating ni Papi Park?
Mukang wala kang balak umuwi ah?
Chusera to!
Krung krung Friend:
Oops!
Save the chika for tomorrow!
Here are the details
of my boyfie's party.
What: Birthday Party of the British Boyfie
When: August 13, 2016
Where: Villa Austria Resort
Theme: Hawaiian Party
Baklita Friend:
Ay huwaaw!
Lakas maka bongga ng paparty!
May theme pang nalalaman!
Krung krung friend:
Syempre!
Andon mga alta, sis!
BINABASA MO ANG
I Found My Oppa! ✔
HumorTropang Bakla Series (T-BAKS)#1 Isang late bloomer na naaddict sa Kdrama ang nainlove sa hindi nya inaasahang pagkakataon. May mga bagay siyang matutuklasan kasabay ng pag-usbong ng mga pag-aalinlangan nya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Makakay...
