Fast forward to the time when Amanda's Oppa resumes his courting scheme.. 😉
"Obba!" Chloe hissed over the phone as soon as she and Amanda were in their respective rooms.
"Yes, cuz?" Park, Chloe's older cousin (by 2 years) asked lazily over the phone.
"Where the hell are you? I think Amanda's stalker literally followed us here in the resort! Wala ka bang plano na tapusin na yung taong yun? Aba'y tama na pagiging torpe mo!" Chloe snapped in irritation as she laid down on her bed.
She and Amanda just finished their dinner and she was beat because of their island hopping in the afternoon. It was her who suggested that water activity to divert her friend's attention from her killer stalker.
"Fuck! Where were Ivo and Trevor? I told them to watch over the two of you while I am away!" Mr. Park exclaimed and Chloe had to pull her phone away from her ears or her eardrums may break.
"Kung nagpapakalalake ka kaya at hindi inaasa sa iba ang dapat na ginagawa mo sa kaibigan ko?" Chloe retorted. "It's been more than a decade yet hindi ka pa din nagpapakilala sa kanya! Ano na balak mo?"
"I'll reveal myself to her. It's been a long time anyway. I'm no longer contented just seeing her from afar." Park sighed and Chloe could feel her cousin's agony.
"Wag na kasi torpe, ha?" Chloe said and sat on the bed. "Ok. Gotta go na. I'm starving. Give my regards to tita and tito. Love you cuz."
--
On their fourth day at the resort, Chloe and Amanda availed of the countryside tour and was greeted by their tour guide, Mang Emilio.
"Magandang umaga po, mga Ma'am." Ngiting bati ni Mang Emilio at sila ay sumakay sa owner type jeep nito.
"Pasensya na po at ito ang sasakyan lang ang meron kame. Hindi pa ho sapat ang ipon ko para makabili ng bago."
Napangiti naman si Amanda sa matanda at sabay sabing,
"Ayos lang ho, Manong. Mabuti na din po ito para mas makita namen ang magagandang tanawin dito."
"Para makalanghap na din ng sariwang hangin." Dagdag pa ni Chloe.
Magkatabi silang magkaibigan sa likod at kasalukuyang binabaybay papuntang Magellan's cross.
"Nakakatuwa naman ho at napili nyong magbakasyon dito sa amin sa Cebu. Karamihan kasi ay mas pipiliing sa ibang bansa mamalagi." pagsasaad ni Mang Emilio at iniliko ang sasakyan upang maghanap ng mapaparkingan.
"Wala din ho kaming sapat na pera para mangibang bansa." Natatawang sagot ni Chloe at pati si Amanda ay natawa na din.
"Andito na tayo sa Magellan's Cross. Ang Basilica Minore del Sto. Nino naman ang nasa tabi nito. Sapat na ba ang apatnapung limang minuto para sa inyo? Para mapuntahan pa natin ang ibang magagandang lugar." Tinuro ni Mang Emilio ang isang maliit na dome na katapat lamang ng simbahan.
" Dito lang ako nakapark. Kunin nyo na din ang numero ko para madali nyo akong mahanap."
Mabilis na nagpalitan ng numero ang tatlo at iniwan na nila ang mabait na tour guide nila.
Suot ang makulay na maxi print skirt at puting blusa, ramdam na ramdam ni Amanda ang summer at hinayaan ang sariling hangaan ang loob ng Magellan's Cross.
Ayon sa palatandaan na nakapaskil sa paanan ng krus, ang krus na kasalukuyang nakatanghal sa publiko at gawa sa kahoy ng tindalo ay naglalaman ng mga labí ng oriahinal na krus na itinirik nina Magellan noong 1521 bilang paggunita sa pagbinyag sa Katolisismo kina Raha Humabon ng Cebu, kaniyang asawa, mga anak, at marami sa kanilang mga alagad.
Makikita sa kisame ng gusali ang isang miyural na naglalarawan sa unang Misa na ginanap sa bansa at ang pagbibinyag ng mga unang Kristiyanong Filipino.
Matapos hangaan ang historical na lugar na iyon ay nagkuhaan ng solong larawan ang magkaibigan at siyempre hindi nila kinalimutang magpicture ng magkasama. Aniya ni Chloe, "bestfriend goals" nga daw sila.
Agad na dumiretso sila sa Basilica at huminto ng sampu hanggang labinlimang minuto upang magdasal at magpasalamat na nakapagtapos sila sa kolehiyo.
Nagpicture ule sila sa labas ng Basilica at nasa trenta minutos lang ay nasa sasakyan na sila ni Mang Emilio at tinatahak ang daan papuntang Cebu Heritage Monument at ang Yap-Sandiego Ancestral Museum.
Hindi nawala sa bawat lugar na puntahan nila ang magkuhanan ng litrato bilang alaala ng kanilang adventures na magkaibigan.
Wala pang isang oras sila namalagi doon at sunod naman nilang pinuntahan ang Lapu-Lapu Shrine. Sumaglit lamang sila doon at nakahanap ng ilang mga souvenir shops para sa mga magulang nila at iba pang mga kaibigan.
Sabay-sabay din silang nananghalian sa Larsian at talagang nagustuhan nilang dalawa ang mga inihaw na nakahain doon.
Kulang kulang nasa tig-limang barbecue ang dalawa at pati si Mang Emilio ay natuwa sa pakikipagkwentuhan ng dalawa sa kanya.
Mag-aala una na ng matapos silang kumain at naglakad-lakad muna sila bago nagpasyang sumakay uli pabalik ng resort.
"Manong, gaano po ba kalayo ang SM Seaside mula sa resort?" tanong ni Chloe habang chinecheck ang cellphone nya kung may mga messages ba syang natanggap.
Sa may Cebu White Sands Resort and Spa sila nakacheck-in at kahit si Amanda ang tanungin, nais din niyang enjoyin ang dagat at pool habang naroroon sila. Bagamat may mga kailangan din silang bilhin sa dalawang linggo nilang paglalagi doon, dapat malaman din nila pano makarating sa ilang mga mall na malapit doon.
Habang sinasabi ni Mang Emilio ang mga dapat sakyan papunta at pauwi nila, abala si Amanda sa pagmamasid sa mga dinadaanan nila.
Pagdating ng alas dos y media ay nakarating na sila ule sa resort at nagbigay ng paunang bayad sila Chloe kay Mang Emilio at bukas na ule sila babalikan nito para sa part 2 ng kanilang tour.
Sabik na nagpunta ng kwarto ang magkaibigan at dumiretso sa sofa ng kwarto nila upang magpahinga bago magshower.
"Grabe beesssh! Ang gaganda ng shots naten dito!" Natutuwang sambit ni Chloe at pinalitan ang profile picture niya sa Facebook.
Napahikab si Amanda dala ng pagod sa paglilibot.
"Ang kj mo naman! Antok ka na agad?", tanong ni Chloe.
"Sorry naman! Nabusog ako sa kinain naten tapos ang sarap ng aircon pa. Nakakaantok kaya!" Amanda laughed at kinusot ang mata. "Magchacharge lang ako ng phone at digicam." Pagkasabi nya nito ay agad syang tumayo at pumasok sa kwarto niya para gawin ang mga ito.
Gusto nya mang samahan ang kaibigan sa sofa nila, tila ba inaaya sya ng kama na mahiga.
With one last groan, Amanda peeped to check her friend. She giggled ng nakita ang kaibigang tulog na tulog sa sofa at nakanganga pa. Mabilis na kinuha nya ang phone nya at saglit na kinuhanan ito. Zinoom pa nga nya ang camera sa mukha ng kaibigan at pinicturan ng isa pang beses.
Pinost nya sa instagram at nilagyan ng caption:
Thank you beshie for always being there for me. 😘 Love you lots!
Binalik na ni Amanda ang phone sa pagkakacharge at nagpalit ng komportableng suot bago matulog sa kama.
BINABASA MO ANG
I Found My Oppa! ✔
HumorTropang Bakla Series (T-BAKS)#1 Isang late bloomer na naaddict sa Kdrama ang nainlove sa hindi nya inaasahang pagkakataon. May mga bagay siyang matutuklasan kasabay ng pag-usbong ng mga pag-aalinlangan nya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Makakay...
