ENJOY READING!❤️******
HINDI namalayan ni Heiro na nakatulog na pala siya sa pagiisip. Nagising lamang siya ng marinig niyang umuungol nanaman si Heilie. Nagkusot siya ng mata at sumulyap muna sa bintana para malaman kung umuulan pa. Nang makitang malakas pa din ang ulan ay lumapit na siya sa dalagang natutulog. Nang makalapit naman siya dito ay agad niyang kinapa ang noon nito kung mainit pa. Mataas pa din ang lagnat nito. Inayos niya ang kumot nito at narinig niya muli itong nagsalita.
"Heiro....." bulong na tawag ng dalaga sa kanya.
"Hey? Why? You need anything?" Banayad na tanong niya habang nakadungaw sa dalaga mula sa tabi ng kama.
"Anlamig..... turn off the Aircon
p-please." mahinang pakiusap nito.Napangiti siya dahil sa dalaga. Para talaga itong musmos na mayroong sakit. Napailing siya ng maalala ang sinabi nito , na kaya niya ang sarili pero heto naman at siya ang pinagtatawag.
"Alright. Go back to sleep I'll turn it off." Sagot naman niya bago kinuha nag remote ng aircon at pinatay ito.
Akamang babalik siya sa pagkakaupo sa upuan ay muli siya nitong tinawag.
"Hmmm?" Himig na tanong niya.
"It's s-still c-cold." Nanginginig ang boses nito. Umupo siya sa tabi ng kama at itinaas pa niya ang kumot nito para lalong matakluban ang katawan nito ng makapal na comforter.
"Okay na ba iyan?" Tanong niya matapos ayusin ang kumot.
"Hmm" sagot nito at bahagyang tumango.
"Okay Sleep now." Sagot niya. Nang tumayo siya ay muli lamang siyang napabalik sa pagkakaupo ng hilahin siya nito pabalik. "You need anything else?" Tanong niya.
"S-stay." pakiusap nito. "Tabi ka dito." Dagdag nito. Napabuntong hininga siya at saka umayos ng upo sa kama.
"Okay. Dito lang ako. Matulog ka na." Sabi niya at saka hinagod ang buhok nito.
Nagbalik na sa pagtulog si Heilie pero patuloy pa din siya sa paghaplos sa buhok nito. Habang hinahaplos niya ang buhok ng dalaga ay bumalik sa isip niya ang sinabi nito. I like you. Hindi niya alam ang mararamdaman. Alam niya sa sarili niya na mahal pa niya si Leiah pero hindi maitatago ang tuwang nararamdaman ng kabilang panig ng puso niya.
Ipinilig niya ang ulo niya para mawala ang iniisip pero pag baling niya ng tingin sa dalagang payapang natutulog ay bumilis naman ang tibok ng puso niya. Kabadingan man pakinggan pero parang lalabas sa kanyang dibdib ang puso niya dahil sa lakas ng kalabog nito. Naihawak niya ang kabilang kamay sa dibdib niya para pakalmahin iyon.
"Tsk! What are you doing to me?!" Mahinang bulong niya habang nakatitig sa dalaga.
Napatigil siya ng maramdaman niyang hinawakan ng dalaga ang kamay niyang humahaplos sa buhok nito. Mahigpit iyong nakakapit sa kamay niya.
" Fuck?!" Mahinang mura niya ng hilahin siya nito pahiga sa tabi niya kaya napasubsob siyasa itaas ng mukha nito. Maiigi na lamang ang naituon niya ang isang kamay kaya hindi naglapat ang mukha nila.