CHAPTER 11

1.6K 15 2
                                    


ENJOY READING!❤️

*****

NAKANGITING naglalakad si Heiro at Leiah palapit sa isang restaurant. Naroon sila sa mall kung saan sila pumunta ni Heilie. Masaya siyang nalaman niya na hindi na pala talaga si Leiah ang gusto niya. Na sa mga nagdaang araw ay hindi na pala talaga ito ang laman ng puso niya. Napatunayan niya iyon kanina ng magusap sila. Sinubukan niyang ayusin ang kung anong mayroon sa pagitan nilang dalawa pero si Leiah na ang nagpaliwanag sa kanya at doon din niya nalaman ang tunay na nararamdaman.

"I am really sorry Heiro for cheating on you. Hindi ko naman talaga sinadya na mahulog sa kanya habang
tayo pa. Nangyari na lang bigla." Sabi ng dalaga sa kanya.

"I'm sorry too Leiah, sorry kung hindi sapat ang oras na meron ako para sayo." Sagot naman niya habang pumapasok sila sa restaurant.

" Mabuti na lang at nagusap tayo. Ayoko kasing magkasakitan tayo." Sabi nito sa kanya.

"Mabuti nga. Sorry talaga Leiah." Sabi nito.

"Naku wala na yon. Oh ay paano? Nasabi mo na ba sa kanya na gusto mo siya? Sino nga ulit iyon? H-Heidie?" Tanong nito.

Natatawa niya itong sinagot habang palapit na sa loob ng restaurant.

"Heilie, Leiah hindi Heidie." Pagtatama niya.

"A-ah iyon yung kasama mo nuong nakaraan hindi ba?" tanong nito.

"Yeah." Natatawang sabi niya.

Pagdating nila sa mismong pinto ng restaurant ay nawala ang ngiti niya ng mapagsino ang nakita. Si Heilie at may kausap itong lalaki habang kumakain. Napatigil siya sa paglalakad kaya ganoon din ang kanyang kasama at kaparehong tumingin sa direksyon na tinitingnan niya.

"Oh uh! Mukhang naunahan ka na?" Biro ng dalaga. Nakaramdam siya ng inis at galit.

"Bullshit." Bulong niya.

" Why not approach her? Let's go." Sabi ng dalagang katabi.  "Ang by the way! Naalala ko na pinaringgang niya ako sa restaurant kahapon, what a bitch." Dagdag pa nito.

"She's not a bitch! Dont call her like that!" Madiing sabi niya.

"Woah! Heiro easy! Geez! You really got it bad! Bakit hindi ka nagkaganyan sakin dati?" Pangaasar pa nito.

Hindi niya pinansin ang sinabi nito at nagpatuloy sa paglalakad palapit sa lugar kung nasaan si Heilie. Nang makalapit siya ay nakita niyang natigilan ang dalawa sa paguusap.

"You feel better now?" Walang pasabing tanong niya.

"H-Heiro!? What are you doing here? By the way Y-yeah! I feel okay now!" Nauutal na sagot nito.

"Good to hear that but did I told you to stay at home? Didn't I?" Tanong ulit niya hindi pinuputol ang pagtitig dito. Wala siyang pakialam sa ibang taong kasama nila. Naiinis siya dahil may kasama itong iba.

"A-ah...." hindi na nito natapos ang sasabihin ng magsalita ang lalaking kaharap nito.

" I think I should go now? Heilie? Ahm see you next time?" Paalam nito at tumayo.

His Desire | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon