Good Evening!
ENJOY READING!❤️
*****
HAPON na ng magising si Heilie. Tumatama ang Orange na sinag ng araw sa kanyang mukha na nagmumula sa bintana. Pagmulat ng mata niya ay bumungad sa kanya ang isang hindi pamilyar na kwarto. Hindi roon ang kwartong tinutuluyan niya sa mansyon ng mga Troamth.
Dahan dahan siyang bumangon mula sa pakakahiga at nalaman niyang wala siyang kahit ni- isang damit.
Agad na nanumbalik sa isip niya ang nangyari sa kanila ng binata sa loob ng library. Namula siya dahil sa naisip. Kung ganoon ay binuhat siya nito papunta dito sa kwartong ito. Pero bakit dito? Kanino ito? Tanong niya sa sarili. Nang igala niya ang paningin at wala siyang ibang makita kung hindi ang mga mamahaling mga gamit mula sa kama hanggang sa iba pa nitong furnitures. Hindi talaga niya alam kung kanino ito. Tumayo siya sa kabila ng kahubadan at pumunta sa bathroom. Pagpasok niya ay bumungad sa kanya ang mga panlalaking gamit doon. Mula sa shampoo, after shave at body wash ay pulos mga panlalaki. Binuksan niya ang aftershave at inamoy doon niya nakumpirma na nasa loob siya ng kwarto ni Heiro. Tanda ng tanda niya ang amoy noon.
Agad na bumilis ang tibok ng puso niya. Dahil sa nalaman ay dali dali siyang lumabas ng bathroom at kinuha ang kumot para itakip sa sarili niya. Bago siya lumabas ng pinto ng kwarto at tumingin muna siya ng kaliwa at kanan para masiguro na walang tao. Nang makitang wala naman na kahit sino ay agad siyang lumabas at lakad takbo siyang pumanhik sa kanyang silid.
Nang makapasok at agad siyang dumiretso sa bathroom. Hunarap siya sa salamain at doon nakita niya at maliliit na pulang makra sa buong katawan niya.
Pinaglandas niya ang mga kamay doon. Buong katawan niya mula leeg hanggang hita ay mayroon noon. Muli siyang pinamulahan ng pisngi ng manumbalik ang pinagssaluhan nila ng binata kanina na lamang.
Nang magsawa sa pagtingin sa sarili ay agad niyang binuhay ang shower at tumapat doon.
"FUCK!" Sigaw niya ng sobrang lamig ng tubig. Tiniis niya iyon para maginhawahan ang pakiramdam niya. Habang sinasabon niya at katawan at humaplos ang kanyang mga kamay sa kanyang dibdib ay naalala niya ang mga kamay ng binata doon. Nag-init ang pakiramdam niya dahil doon. Iniling niya ang ulo at saka nagpatuloy sa pagligo.
Habang nagbibihis siya ay naalala naman niya ang sinabi sa kanya ni Heiro. I like you. Sambit niya sa sarili. May kung ano sa loob niya ang natuwa dahil doon pero mayroon din hindi.
Hindi siya pwedeng magpabaya. Maaring infatuated lamang ito. Tama maaring ganoon nga, sabi niya sa sarili.
Pinagpasyahan niyang huwag maniwala dahil doon. Hindi naman kumo nagtalik sila ay totoo na iyon. Malay ba niya kung baka sadyang nakakaramdam lang si Heiro ng tawag ng laman.
Pagkabihis niya ay bumaba agad siya sa ikaunang palapag ng bahay, mansyon.
Unang nahagip ng mata niya ang Mama niyang nakaupo sa sala habang may kausap na isang lalaking hindi niya kilala. Nagpasya siyang lumapit."Ahm.. excuse me...Mama." Tawag pansin niya sa kanyang ina.
Napatingin naman ito sa kanya at ang kausap nitong lalaki na siguro at kaedad lang ng kanynag Ina.
"Yes Hija? You need anything?" Masuyong tanong nito sa kanya.
"Where's Tita Annia.... and..H-Heiro?" Tanong niya. Labis na inis ang naramdaman niya ng mautal siya ng banggitin niya ang pangalan ng binata.