~002~
NAGLALAKAD ako sa hallway ng school namin ngayon habang nilalagay ang tumbler sa loob ng backpack ko. Required na magdala ng sari-sariling tumbler sa room namin para hindi daw maghiraman ang estudyante. Nabanggit iyon sa orientation na in-attend-an ni mama. Mabuti din yon at ayoko din na may nanghihiram ng tumbler sa akin.
Grade 10 student na ako ngayon and I'm very excited na maging senior. Lagi kong hinihiling na sana ay mapabilis ang pag laki ko. I always imagining myself getting a nice job, traveling abroad, and do whatever I want. Gusto ko ng makapag ipon ng pera at makapag patayo ng sariling bahay. Although may lupa na kame dito sa Cavite, pero hindi pa maayos ang bahay namin. Hindi pa kaya ni papa na pagsabayin ang pagpapagawa ng bahay at pag paaralin kaming apat na magkakapatid. I am the youngest. Two brothers and one older sister. Si papa ay isang veterinarian at si mama ay isang housewife. Minsan naman ay nagawa sya ng kakanin para may pagkakitaan din.
Panghapon ang klase namin. Mamayang twelve o' clock pa ang start at pumasok talaga ako ng one hour before ng class para i-meet ang mga kaibigan ko. Hindi kami masyadong nag me-meet noong bakasyon dahil nadin umaalis sila ng ibang lugar upang mag bakasyon.
I just stayed in the house and spend my vacation doing house chores and reading novels. Romance story talaga ang pinaka favorite ko bukod sa nakakakilig ay madami ding lessons ang matutunan. Dahilan na din ng pagbabasa kaya marami akong alam tungkol sa love. Kahit pa wala naman akong lovelife. Feeling may jowa lang, ganon.
Ginagamit ko din ang kaalaman para mag advice sa mga kaibigan ko kung meron mang broken. Ako talaga ang takbuhan ng mga broken na tao. Sabi pa nga nila, kung maka- advice daw ako ay parang may jowa ako. Sabi ko naman may jowa talaga ako. At iyon ay mga fictional characters! Mahal ko ang mga bumibidang lalaki sa mga librong nababasa ko.
Hindi dahil gwapo sila base sa description, but because of their personality and unconditional love they lend on their partner. Nakaka inlab lang. Hinihiling ko na sana ay totoong tao nalang sila.
Malayo pa lang ay tanaw ko na ang mga kaibigan ko. They are all wearing their new bags and shoes. Well mayayaman din ang mga ito. Bumili naman din ako ng bagong bag ang shoes pero hindi tulad ng sa kanila na branded. Kumaway ako at malapad na ngumiti sa kanila hanggang sa makalapit.
"Hi ghooorls!" sigaw ko at agad naman silang napatakip ng tenga. Hindi mapag kakaila na ako ang pinaka maingay sa amin. Tumawa nalang ako sa reaksyon nila.
"Tangina, first day of class na! Kinakabahan ako." sabi ni Eshien habang tinitignan ang kaniyang sarili sa celphone na ginawa nyang salamin, inaayos ang kanyang buhok.
"Sana may mag transfer na papi! Oh my gosh." kinikilig na ani naman ni Gab. Kumunot ang noo ko at tinusok ang tagiliran nya.
"Malandi ka! Wag mong hilingin at baka hindi matupad!" Inirapan nya ako. Binelatan ko naman sya at inasar.
"Si Marianne at Charlen? Wala pa?" tanong ko habang lumilinga sa paligid.
"Duh? Isn't it obvious?" sagot naman ni Gab. Kaunti nalang ay masasakal ko na sa kaartehan.
"Ohh. Ayan na pala eh." Sabi ni Eshien at tinuro ang likod namin. Sabay na naglalakad ang dalawa papunta samin.
Nag apiran naman kami at nagkamustahan tungkol sa vacation na ginawa ng bawat isa.
BINABASA MO ANG
Stand By Your Man [On-Going]
General Fiction"With all of these problems, suffering and pain. Would you always stand by me?"