Chapter 11

14 2 0
                                    

~011~

"Mama! Nandito na'ko!" sigaw ko mula sa pinto.

Nagulat ako nang makita si kuya Raymond! Nanlaki ang mata ko at basta na lang binaba ang gamit sa kung saan.

"Kuya!" agad kong tili at nagtungo sa kanya para sa mahigpit na yakap. Sobrang na-miss ko si kuya!

Tumawa sya at ginulo ang buhok ko. Agad akong napasimangot sa ginawa nya.

"Hmm, sobra ba akong na-miss ng bunso namin?" tumawa sya.

"Syempre naman kuya! Na-miss ko lalo yung mga pasobra mong pabaong pera sa akin!" humalakhak ako.

"Hindi ka padin nagbabago, ano? Napakapayat mo pa din? Kumakain ka pa ba?" hinawakan nya ang braso ko.

"Ikaw naman masama pa din ang ugali!"

"Tama na yan, pagpahingahin mo muna ang kuya Raymond mo. Mahaba ang biniyahe n'yan galing maynila." sabi ni mama.

"Si Raymart?" tanong ni kuya habang umuupo sa single sofa. Sakto namang pagkatanong iyon ni kuya ay pumasok si kuya Raymart mula sa pinto. Nagulat sya ng makita si kuya Raymond at napakamot sa ulo.

"Tsk tsk. Saan ka galing?" bungad agad ni kuya Raymond.

"May buhatan ng tela kila manong Lando. Rumaket lang saglit." sagot nito. Narinig ko ang buntong hininga ni kuya Raymond.

"Wag kang buma-barkada kahit kanino, Raymart. Alam mo ang takbo ng panahon ngayon, mahirap na..." pangaral ni kuya.

Saglit na nagtinginan ang dalawa at sa huli ay tumango si kuya Raymart. Ang gusto ko sa kuya Raymond ay kahit na busy sya sa college dahil last year na nya ito, hindi pa din sya nakakalimot na bumisita at mangamusta. Nag-aaral si kuya ng business at alam kong nahihirapan sya dahil pinagsasabay nya ang pag-aaral at pagta-trabaho. Iba-ibang sideline para kumita para may pambayad sa tuition fee. Ayaw din kasi ni kuya na umasa kila mama at papa dahil kaya naman daw nya.

As expected, pagkauwing pagkauwi ni papa ay nagulat din sya sa biglaang pagbisita ni kuya Raymond. Tuwang-tuwa ang tatay at namiss din si kuya. Sabi naman ni kuya ay bukas din ng madaling araw ay babalik syang maynila. Aniya'y wala ang huling subject nila ngayon at wala ding sideline kaya kinuha na ang oras para makapunta dito.

Masaya kaming kumain sa gabi na iyon. Noon lang kami ulit nagkasama-sama kumain sa hapag ng buo. Nandoon pa din ang pagbibiruan naming magkakapatid pati na din ang kulitan ni mama at papa. Nagkwento si kuya kung ano ang buhay sa maynila at hindi daw ito madali tulad ng inaasahan namin. Maraming nagkalat na masasamang loob at sarili mo nalang ang dapat mong asahan at wala ng iba.

Kaya naman sobrang bilib ako sa kuya Raymond dahil nakakaya nya iyon.

"Bakit hindi ka ulit bumalik sa eskuwela, Raymart?" tanong ni kuya Raymond. Natigilan si kuya Raymart at bumuntong hininga.

"Masasayang lang ang pera kung papasok ulit ako, kuya." dahilan nito.

"Sinayang mo lang ang taon. Kung nag-college ka edi sana kasunod mo na ako ngayon." natahimik kami. Kahit si kuya Raymart ay hindi nagsalita.

"Susubukan ko ulit mag-aral, kuya. Kapag nakatapos ka na." pabuntong hiningang sabi ni kuta Raymart.

"Si kuya nang bahala sa tuition kapag nakahanap ako ng magandang trabaho." ngumiti si kuya Raymond.

Ilang saglit lang ay naging magaan na ulit ang pag-uusap. Alas dies din ng gabi na iyon ay umuwi na si kuya Raymond pabalik ng maynila. Nagbilin sya na huwag masyadong magpasaway kila mama at papa at marami pang ibang pasabi.

Stand By Your Man [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon