~003~
SA SUMUNOD na araw, nagbigay ang mga teachers ng libro. Public school ang pinapasukan ko kaya walang bayad ang mga libro. Walang masyadong ginagawa dahil ikalawang araw pa lang naman. Ang ibang teachers ay hindi pa din napasok. Mabuti na din yon at wala pa ako sa mood para mag-aral. Kailangan munang mag unwind ang aking minds para may pumasok na lessons naman kapag nagsimula na ang discussions.
Sobrang init sa loob ng classroom ngayon. Dahil na din sa panghapon kami at madami din kami sa loob ng room. Mabuti nalang at matalino ako at advance mag isip. Nag dala ako ng mini-fan. Yung dipindot na kulay blue. Hindi na kailangan ng kuryente.
Tinatawag isa isa ang mga kaklase ko para mabigyan ng libro. Nasa bandang gitnang row ako sa gilid kaya matagal pa bago mabigyan ang row namin. Nakapangalumbaba ako at bored na nakatingin sa mga kaklase ng biglang tinawag ako ng aming prof. Lumapit agad ako dito.
Kilala ako ni Ms. Gina dahil kapit bahay lang namin ito at close ni mader. Lagi along inuutusan palibhasa wala pang anak na mauutusan. Ayaw pa mag jowa.
Inutusan ako nito na ipaalam sa lahat ng teachers na magkakaroon sila ng meeting mamaya. Ayoko man sumunod dahil mapapagod lang ako pero baka magalit ito. Mahirap na. Kakaunti lang naman ang room na pupuntahan ko. Buong section lang naman ng grade 7, 10 at 12!
"Miss, papasama po ako kay Charlen, hehe." napatingin sa akin si mam ngunit umiling agad.
"Wag na at baka mag tagal lang kayo." palihim akong umirap at ngumuso. Papasama lang eh, damot!
Tumingin ako sa kinauupuan ni Len at nakitang nakatingin sa akin. Gusto din sumama. Sinenyasan ko na sumunod sya at kinindatan. Tumango naman si tanga at palihim na nag thumbs up.
"Sige po miss. Eto na po lahat?" tinignan ko ang list ng mga section na pupuntahan. Tumango naman si miss at sinenyasan akong lumakad na.
Pagkalabas sa ay agad akong nagtago sa likod ng pinto. Iniintay na makalabas si Charlen. Sumilip silip pa ako at nakitang nakatayo na ang tanga at magpapaalam na kay Miss Gina. Palihim akong natawa nang umarte itong naiihi at kelangan mag cr. Dahil may ginagawa si miss, wala na itong nagawa kundi payagan. Agad na lumabas si Charlen at nang sinalubong ako ay nag apir kame at nagtawanan.
"Ayos! Tara maglilibot pa tayo sa buong section. Madami dami din ito." Aya ko.
Nagkamot sya ng noo at parang natatae ang mukha na tumingin saken. "Paano pag nagtaka si miss? Matagal daw ako umihi?"
"Luh? Takot na takot. Edi sabihin mo napatae ka na! Hahaha!" hinampas nya ang braso ko.
"Aray! Tanginang to ako na bahala! Wala yon!"
Nagsimula na kaming maglibot. Naghati kami sa pupuntahang section. Labing lima lahat. Ako na sa sampu at lima lang kay Charlen dahil maarte sya ayaw nya daw mapapagod. Hinayaan ko nalang dahil ako lang naman talaga ang inutusan at sinama lang sya.
Bawat room ay nag excuse lang ako at nagsabi sa bawat teacher kung anong meron. Ganoon lang naman. Mag e-excuse at sasabihin na may meeting lahat ng teachers. Huli kong pinuntahan ang building ng mga Grade 12. Malayo layo din kase ang building. Sandali akong nagpahinga sa ilalim ng puno, pagtapos ay naglakad na.
Nang makapunta ako sa unang section ay sumilip muna ako kung merong teacher. Nasa baba ang room na ito. Kakatok na sana ako ng mapagtantong walang teacher. Bahagya ko pang sinilip ang loob pero wala talaga ang kanilang adviser. Ang mga nasa loob ay medyo maingay at ang iba ay nagseselpon lang at walang ginagawa. Naisipan kong magtanong sa babaeng nasa loob tapat lang ng pintuan.
BINABASA MO ANG
Stand By Your Man [On-Going]
Fiction générale"With all of these problems, suffering and pain. Would you always stand by me?"