Chapter 06

16 2 0
                                    

~006~

Sa mga dumating na araw ay naging busy na ang lahat ng estudyante. Nagsimula nang magturo ang mga teachers at pinag-uusapan na din ang mga paparating na activities para sa school. Nasabi na magkakaroon daw next month ng Intramurals. Gusto ko sanang sumali ng sports kaso naisip ko na unahin ko muna acads ko dahil alam kong hindi ako marunong mag time-manage at baka mahati ang atensyon ko sa pag-aaral.

Ayun siguro talaga ang kulang sa akin, napansin ko. Time management. Minsan nalilito ako kung alin ang uunahin sa mga gawain. Sabi nila madali lang naman mag time-manage pero ewan ko ba sa'kin, natatanga ako o minsan natutulala dahil hindi ko na alam kung anong next na gagawin ko.

Nasa room ako ngayon at may ipinapagawa ang teacher na timeline at napansin kong hindi ko pala nadala yung bond paper ko. Lumapit ako kay Ms. para magpaalam na pupunta sa canteen. Gusto ko pa sanang isama si Charlen kaso baka mauwi na naman kami sa pagcu-cutting sa canteen at di na makapasok. Pero isang beses lang yun, 'no!

Nang nakabili na ay bumalik na ako sa room pero syempre binagalan ko at lumibot pa sa ibang room. Dumaan din ako sa covered court at nakita ko doon si Dhale na mukhang may practice ng basketball. Umupo ako sa may bench sa pangatlong palapag. Pumanga-lumbaba ako. Hayss. Kelan kaya ako mapapansin ng crush ko? Tingnan mo oh, kagwapo tapos magaling magbasket ball tapos mabango, tapos cute, tapos may girlfriend. Tss.

Ayos na siguro hanggang crush nalang. I don't expect that much. Really, I don't see Dhale as my boyfriend. Parang he's too good to be true. Masaya nalang ako na masaya sya sa girlfriend nya ngayon. Inaasar lang ako ng mga friends ko dahil kung move on na daw ako, ba't hanggang ngayon crush ko pa din yung tao? Siguro nga crush, but not romantically. Hinahangaan, ganon.

"Crush mo, ano?" dinig ko na may nagsalita sa tabi ko. I almost jumped on my sit! Napahawak ako sa dibdib ko at sinamaan ng tingin si Conred.

"Ikaw kuya, pwede bang layu-layuan mo'ko dahil hindi na ako natutuwa." inis kong sabi dito pero tumawa lang sya.

"Ikaw bata, sasawayin lang naman kita dahil mukhang nagcu-cutting class ka na naman." pinitik nya ang noo ko. Halos ngumiwi ako sa sakit!

"Ano ba! Close ba tayo?!" I glared at him but he just smirked.

"Close naman ang parents natin." he said.

"So? As if we needed to be close too!" his eyes lazily met mine habang bumubunganga ako. Humikab pa sya na parang inaantok! "And, don't call me bata! How many times do I have to tell you na hindi na ako bata! Ikaw, matanda ka nga pero you're acting like a kid!"

"Tss. So what are you doing here? Nasimoy ka lang sa crush mo." tamad nyang sabi.

"Napaka-pakialamero! Bumili lang naman ako bond paper..." i murmured the last sentence.

"Balik ka na sa room mo, tsk. Sarap mo paluin." he said that made my blood rise! Tangina neto ah.

"Bwiset! Paluin mo sarili mo!" padabog akong umalis mula sa pagkakaupo. Nadinig ko pa yung pagtawa nya ng malakas. Tsk! Kasabay ng pagiging busy ko sa school ay lagi ko naman nakakasalubong yung lalaking yon! Kada magkakasalubong kami, lagi syang nakangisi na kinaiinis ko! Minsan pa nanggugulat at bubulong sakin mula sa likuran at sasabihing dalhan ko daw sya ng ulam sa kanila! Nakakainis!

Hindi naman sya ganoon nung una kaming nagkita. Ang pagkakakilala ko nga sa kanya ay isa syang tahimik pero mayabang na lalaki! Pero simula ata nung nalaman nyang close ang parents namin, naging feeling close na din sya sa'kin!

Stand By Your Man [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon