~004~
KINABUKASAN ay maaga nga akong pumasok. Wala pa ang mga kaklase ko at naabutan ko lang si Miss Gina doon na nagtitipa sa kanyang laptop. Nag good afternoon ako atsaka binaba ang bag sa silya. Kinuha ko ang class schedule at dumiretso na sa board para magsulat. Chalk ang gamit ko kaya nakakainis.
Pagkatapos isulat lahat ay dumiretso ako sa cr para hugasan ang kamay. Nag hugas din ako ng mukha dahil sa kakatingala ko sa board kanina, ramdam ko ang pagbagsak ng powder ng chalk sa aking mukha. Baka pasukan pa ang mata ko. Pagbalik ko ay isa isa naman ang datingan ng mga kaklase ko. Lumapit ako kay Miss atsaka inabot ang papel.
"Ahh by the way, Norchella." paalis na sana ako ng tawagin ulit ako nito.
"Yes, miss?" ngiti ko. Pilit pa nga. Baka may iutos na naman ito ah. Napapagod na ko. Ngumisi sya sakin at yumuko. May kinuha sa ilalim ng kanyang upuan. Nang umangat naman ay ibinagsak nya doon ang walong libro. Napaubo pa ako dahil sa alikabok noon na matagal na atang hindi nalilinis. Tumawa si miss.
"Akala mo ah. Ayan ang libro mo buong quarter! Sampu nga dapat dahil sampu naman ang subject." napanganga ako sa sinabi nito.
"Ma'am? Akin lahat ito?" hindi makapaniwalang sabi ko. Tumango naman sya. "Pero, andami naman po? Bigay nyo nalang po kay Charlen yung iba please." ngumiti pa ako.
"Akala mo ba hindi ko kayo nakita? Noong inutusan kita, nakita ko kayong dalawa ni Charlenda sa canteen. Oras pa ng klase iyon ah. Dahil dyan, ayan ang parusa mo." Nginitian nya pa ako. Ngumuso pa ako at nag paawa. Close naman kami kaya baka maawa pa.
Nilakihan nya ako ng mata. "Isusumbong kita sa nanay mo, sige."
Wala na akong nagawa. Kinuha ko nalang ang libro at umarte pang nabibigatan sa mga ito. Sinadya kong ipakita iyon kay Miss Gina pero ngitian nya lang ako. Ngumiti din ako. Pag nag utos ka ulit sakin, nako hindi nako susunod balaka.
<><><><><><><><><><>
"Na-miss ko ng tumagay mga prends." sabi ni Eshien habang umiinom ng softdrinks. Sa tabi nito ay ang kanyang boyfriend na si Jay-em. Nang marinig ang sinabi ni Eshien ay kinutusan ito.
"Aray ano ba?" ngumuso si Eshien. Nagpapa-cute eh mukha namang baboy. Mataba ang pisngi nito pero hindi naman mataba ang katawan. Baboy lang ang tawag ko kase trip ko lang.
"Anong tagay-tagay? Bawal!" pinitik ni jay-em ang noo nito. Nasa canteen kami ngayon at sinusulit ang maikling oras ng break sa kwentuhan.
"Hoy, dapat i-control na naten walwalan naten mga poks. Alam nyo na. Nag aaral din tayo hoy!" Sabi ni Marianne. Kahit nasa fourth year palang kami, hindi maiiwasan iyon. Hindi naman kami iyong mga estudyante na sobrang bait at aral-bahay lang ang gawain. Hindi ho kami mga anghel.
Hindi ko malilimutan ang unang tikim ko sa alak. Noong third year palang kami noon. Na-tripan lang namin at dahil na din sa kyuryosidad. Lambanog pa yon ah! Yung kulay asul at bubble gum ang lasa. Hinahalo pa namin sa juice para mabawasan ang pait. Para kaming mga tanga!
"Ano? Wala bang mag se-set ng date dyan?" sabi naman ni Gabrielle.
"Ano ba yan ghorls. Sa susunod nalang. Kapag wala masyadong gagawin sa school." suhestyon naman ni Marianne.
BINABASA MO ANG
Stand By Your Man [On-Going]
Ficción General"With all of these problems, suffering and pain. Would you always stand by me?"