~005~
BEING A STUDENT is not really hard. Sabagay, minsan ang mga subject at lesson ang nagpapahirap para sa isang estudyante. Hindi maiiwasan ang mahirapan at malito dahil parte yan ng pagiging estudyante. Pero kung willing kang mag-aral at matuto, walang mahirap para sa'yo If you'll just enjoy and have fun of being a teenager and a highschool student, everything is fun! At isa pa sa mga nagpapasaya bilang isang estudyante? Yon ay ang mga kaibigan. Aminin man natin o hindi, kaibigan ang unang hanap-hanap naten pagdating sa school. Pangalawa nalang ang hindi mo nagawang assignment.
"Hoy, sure na bukas? Enoman na!" excited na sabi ni Charlen.
It's friday today and we're here at the canteen and having a breaktime nang nag-announce ang school principal mula sa speaker na nasa gilid sa itaas ng canteen. Sinabi nito na walang susunod na subject dahil may meeting ulit ang mga teachers for the upcoming activities na gagawin para sa school. Naisip ko na masyado pang maaga para sa mga ganyan pero sabi ng principal na para din mas ganahan ang mga estudyante na pumasok at mag-aral. Well, that made sense.
Here in our school, kailangan ay active ka lagi. You have to learn to make friends kaya baka sa magiging activities na gagawin ng school, mas lalong magkakilanlan ang bawat estudyante lalo na't isa ang school namin sa may madaming bagong transferees.
"Mga anong oras bukas? At kaninong place?" tanong ko habang naglalaro sa celphone.
"Mga 4 ng hapon? Basta hanggang 7 lang ako, papagalitan ako ni mama." sabi naman ni Marianne kaya bahagya akong natawa.
"Eto talaga! Bunsooo! Nako, papagalitan ng mommy bibigurl."
"Gago, tumahimik ka dyan. Wala ka ngang ambag bukas." inis na sabi nito saken. Pikon! Paano ay sya ang lagi ang hindi pinapayagan pagdating sa mga gala. She always said that her parents will get mad as well as kuya Marky, her twin. Her parents also didn't know that their daughter is already tasted liquors. Kaya takot din si Marianne, baka malaman ng mga ito.
"Ako na bahala sa kwentuhan! Kila Gab ba ulit tayo?" tanong ko at nilingon ang nakasimangot na si Gabriella at nakatingin na sa akin.
"Kayo bahala." she lazily said and rolled her eyes. Napansin kong kanina pa sya nakasimangot at hindi makausap ng maayos pero hindi ko nalang pinansin dahil baka ako ang pagbuntungan nito at magalit pa sa akin.
"Babalik pa ba kayo sa mga room nyo?" tanong ni Eshien at tumingin sakin.
"Wag na! Kapag natapos nalang ang meeting ng mga teachers." sabi ko. Dahil thirty minutes ang breaktime at wala ang susunod na subject, mahaba pa ang oras namin para mag ikot-ikot sa buong school. Bago kami umalis ay bumili muna ako ng mango shake at binitbit iyon habang naglalakad.
Naglibot lang kami sa bawat building ng school. Wala pa namang kalahating oras at nasabing aabutin daw ng one hour ang meeting. Sa bawat room na madaanan namin ay kanya-kanya ding sipol ng mga lalaki at alam kong si Charlen at Gabriella ang puntirya ng mga ito. These dudes can really attract boys without effort. I just shrugged at the group of boys that staring at Gabriella's butt. Well, her best asset is her butt so, yeah. Sanaol mapwet.
Nang mapagod kami ay dumiretso kami sa isang bench malapit sa flagpole, may silong doon at malapit sa inuupuan namin ay mga nakapalibot na paso na may halaman at bulaklak. Sobrang hangin ng paligid kaya tinali ko muna yung buhok ko. Iilan lang ang mga estudyante na nagdadaanan. Marahil ay nasa classroom na yung iba at kaming mga galang estudyante lang ang nasa labas.
"Pre, peram nga ng pulbos," kulbit ko kay Charlen. Sya ang laging may bitbit na kung ano-ano tulad ng liptint, lash curler, pulbos, suklay at iba pang mga gamit na kailangan nya para mapanatiling fresh ang mukha. Binigay nya naman agad kaya nagsalin ako sa palad ko. Kinuha ko muna ang celphone ko mula sa bulsa at iyon ang ginawang salamin sa mukha.
BINABASA MO ANG
Stand By Your Man [On-Going]
General Fiction"With all of these problems, suffering and pain. Would you always stand by me?"