Chapter 08

30 2 0
                                    

~008~

INAYOS KO ang buhok ko at itinali sa ponytail. Naglagay ako ng kaunting pulbos at liptint. Inihanda ko ang bag at inayos ang kwelyo ng uniform bago ako lumabas ng kuwarto. Kakain nalang ako pagkatapos ay papasok na. Naabutan ko si mama na naghahain ng tanghalian. Ngumiti ako at hinalikan sya sa pisnge bago ako maupo at nagsimulang kumain.

"Nak, anong masarap na lutuin mamayang hapunan?" tanong ni mama. Nagpunas sya ng kamay at sinaluhan ako sa hapag.

Kaming dalawa lang ni mama kapag sumasapit ang tanghali. Si ate ay whole day at hanggang sabado din ang pasok. Si kuya Raymart naman ay hindi ko alam kung saan nagpupunta. Laging paalam nya kay mama ay may raket sya para magkapera. Hindi naman sinasabi kung anong raket iyon pero pinapabayaan nalang ni mama kaysa naman na wala syang gawin dito sa bahay. Ang tanda-tanda na wala pa din maayos na trabaho. Kung sana ay nagtapos sya ng pag-aaral at hindi nagbulakbol, sana ay hindi lang sya paraket-raket sa kung saan.

"Kahit ano po. Masarap naman lahat ng luto ninyo." ngumiti ako ng malapad.

"Ay true ka dyan. Lagi ngang nagpapaturo sa akin si Nancy ng iba't ibang putahe. Talagang magaling daw akong magluto!" tuwang-tuwa, sabi ni mama.

"Opo! At napaka-sexy pa!"

"Tama ka dyan!" sang-ayon nya.

"Pinakamagandang mother sa buong universe!"

"Tama!"

"Walang makakapantay sa kanyang mga luto!" sigaw ko at kinuyom ang palad na para bang determinado sa mga sinasabi.

"Tama ka na naman--"

"At dahil d'yan, pahinging baon! Yeheeey!" tumayo ako mula sa pagkakaupo at itinuon ang kanang palad sa lamesa, ang kaliwa naman ay inilahad ko kay mama. Agad na nalukot ang mukha ni mama at binatukan ako!

"Anong baon-baon?" binatukan nya ulit ako at agad napangiwi. "At bakit ka naka-uniform, eh sabado ngayon?! Wala kayong pasok!" hinampas nya ng paulit-ulit ang balikat ko. Tumawa ako ng malakas at umilag sa mga hampas ni mader.

"Sayang. Akala ko pa naman makaka-kupit ako."

"Abnormal ka, manang-mana ka sa pinagmanahan mo!" inis na sabi ni mama.

Tumawa ako. "Sayang effort ko, ma! May pa-uniform pa'ko! Akala ko di ninyo napansin." sumimangot ako.

"Tigilan mo akong bata ka. Samahan mo nalang ako sa palengke. Mamimili ako ng ulam para mamaya." iniligpit ni mama. ang hapag-kainan.

"Penge muna ng bente..." inilahad ko ang kamay at nagpacute.

"Aanhin mo naman ang bente pesos?! Samahan mo muna ako, saka kita bibigyan." tinampal ni mama ang kamay ko kaya agad akong napasimangot. Hindi ako gumalaw sa upuan at hunalukipkip. Ibinalik ni mama ang tingin sa akin.

"Magbihis ka na nga do'n! Lokong bata 'to..."

Tsh. Tumayo ako sa upuan at bumalik sa kwarto para mag bihis! Bibili kase ako ng napkin at ayokong kumuha sa alkansya ko kaya humingi na muna ako kay mama. Ewan ko ba kung anong naisipan kong kalokohan at nag-uniform pa at nagkunwaring may pasok para bigyan ng pera. Bente lang ang hihingin ko dapat, kaso nga dahil naka-uniform ako at kung hindi napansin ni mama, may kupit sana ako. Sayang.

Nang matapos magbihis ay kinuha na ni mama yung lagi nyang dalang bayong. Nauna akong lumabas at inintay sya sa labas ng gate. Medyo mainit ngayon kaya nagdala ako ng payong. Nilingon ko ang bahay at nakitang nagpa-padlock si mama ng pintuan. Bubuksan ko na ang payong nang marinig ang paglangitngit ng gate sa kapit-bahay. Nilingon ko iyon at nakita si Tita Nancy na may dala ding bayong at kasama ang anak na si China. Mukhang papunta din silang palengke.

Stand By Your Man [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon