Chapter 13

12 2 0
                                    

~013~


"HOY, hoy! Yung sapatos mo, isuot mo na!" aligaga kong sabi kay Charlenda dahil sya na ang susunod na lalakad sa stage.

Nandito kami sa backstage at inaayos ang mga candidates. Ayaw ko sana, pero dahil kandidata ang dalawa kong kaibigan, kailangan nandito ako para sa support.

Nakasuot ako ng simple white off-shoulder at jeans. Naglagay ako ng konting powder at lip gloss at nakasabog ang buhok.

"Si Gab? Naku, wag ng mag-ayos iyon dahil surewin na sya dito! Napakaganda at napakatalino! Paniguradong taob lahat ng kalaban!"

Napatango-tango ako dahil sa sinabi ng isang teacher na nasa gilid ko. Totoo naman kasi. Sa mga ganitong event ay laging si Gabriella ang panalo. She has the looks, brain, perfect body and perfect features. Kaso nga lang ay nung umulan ng kamalditahan ay nandon sya at lumalangoy.

"Norchella!"

Napatalon ako sa gulat nang may humawak sa akin sa balikat. It's Dhale, smiling on me. May dala syang bag na nakasukbit sa balikat nya.

"Nood ka ng game mamaya?" tanong nya.

Medyo na a-awkwardan ako sa kanya dahil nung mga nakaraang araw ay palagi syang sumasabay sa akin sa break time. Hindi ko din alam kung seryoso sya doon sa sinabi nyang liligawan nya ako. I mean, why so sudden? At na-confirm ko nga kay Marianne na hiwalay na sila ni Kwinny pero ayaw naman talaga ni Kwinny na makipag-break. Hindi ko alam kung anong magiging pakiramdam ko sa ginagawa ni Dhale sa akin. Naiilang kasi ako.

"Uhm, sure." simpleng sagot ko at nginitian sya. Pagkatapos din pala nitong event ay simula na ng laro ng iba't ibang sports. Ang basket ball ang mauuna dahil iyon daw ang pinaka-aabangan ng lahat.

"Nag-lunch ka na?" tanong nya.

Pasimple kong hinawakan ang tyan ko. Simula 7:30 ng umaga nandito na ako sa school at hanggang ngayon ay hindi pa ako nakain. It's already 1pm and I want to watch first the video that i've submitted. After nitong opening ng mga candidates ay may kaunting pagpapakilala para sa mga officials ng school at speech pagkatapos ay ipe-play na yung video ko.

"Uhm, hindi pa naman ako gutom, hehe." napakamot ako sa ulo. Totoo yon, dahil na din siguro sa sobrang busy ay nawala ang gutom ko.

Nahihiya ako sa kanya pero pasimple talaga akong tumatanggi sa mga pag-aaya nya. Hindi naman sa ayaw ko syang kasama pero talagang naiilang lang talaga ako. Hindi ko alam kung bakit at hindi naman ako ganito noon kapag nandyan sya. Siguro naninibago pa din ako sa paraan ng pakikitungo nya sa akin dahil noon ay halos lagpasan nya ako na parang hangin at talagang focus na focus lang sya kay Kwinny na para bang sobrang inlove ito.

Nakita kong napasulyap sya sa likod ko pero agad bumalik sa akin ang mata.

Ngumiti sya at nagulat ako nang hawakan nya ang bewang ko at mas pinalapit sa kanya. Napatingin ako sa paligid at agad na nahiya dahil ang daming nakatingin sa amin! Kahit teachers ay nakasulyap din pero parang wala naman pakealam.

"U-uhh..."

Potangena, ang daming nakatingin at yung iba ay nagbubulungan pa! Hindi agad ako nakakakilos at nanlalaki pa din ang matang nakatingin sa kanya. Ano bang ginagawa nya? Naiinis na'ko ah.

"So, totoo nga na isang ordinary girl at walang ka-talent talent na babae ang pinalit ni Dhale..." bulong ng isang babae.

Hoy! Punyeta ah, may talent ako kahit papaano!

Bahagya kong naitulak si Dhale papalayo sa akin. Inayos ko ang sarili ko.

Nagawa kami ng scene dito! Andami pang audience punyeta kasama na yung anak ni aling Sonya na mana sa pagiging chismosa! Paniguradong walang habas na pang-iinsulto na naman ang gagawin no'n sa akin.

Stand By Your Man [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon