~014~
TAMA NGA AKO. Simula nang pumasok, hanggang sa makapunta sa room ay kaliwa't kanan ang naririnig kong banggit sa pangalan ko. Meron pang isang harap-harapan akong nilapitan at sinabihan ng malandi at mang-aagaw. Ni wala akong ginagawang masama, kingina lang.
"You're just assuming, you slapsoil."
Tangina neto.
"Stop pretending to be mami Kwinny, you ugly bitch."
Sabi ng avid fan ni Kwinny. Umay na umay na'ko. Ang iba ay tinakbuhan ko nalang pero maririnig pa din ang malalakas na tawa nila.
Kabado ako hanggang sa makarating sa room, panay ang lingon sa paligid dahil pakiramdam ko ay may susugod na naman sa akin.
"Bakit hindi mo sinabi saken?"
Bumuntong hinga ako at nilapag ang bag sa arm chair atsaka naupo.
"Wala ka namang kinalaman doon, problema ko yon."
Umirap si Charlen at iritado akong tinignan,"Pwede bang wag kang mag-feeling strong? Sabihin mo sa'ken, anong ginawa sa'yo ni Kwinny? Bakit laman ka ng chismis ngayon?"
Sasagot na sana ako nang dumating ang subject teacher namin. Tinikom ko ang bibig ko at hindi na nagsalita kaya iritadong umupo si Charlen sa upuan nya.
Kada tatalikod ang teacher namin, lilingunin ako ni Charlen at sasamaan ng tingin. Ganun sya the whole class. Kaya naman nang natapos na ay hindi nya na napigilan na hilahin ako palabas ng room.
"Ano?!" iritado kong sabi.
"Anong, ano? Hindi ka magsasalita? Bakit involve ang pangalan mo kina Dhale at Kwinny?"
Bumuntong hinga ako at tumungo, "Si Kwinny, sinugod ako...kahapon."
"Whaaat?!" walang kasing lakas na sigaw ni Charlen.
"Shh! Ang ingay mo!"
"Eh, bakit ka naman sinugod? Wag mong sabihing dahil kay Dhale?"
Tumango ako.
"Dahil kay Dhaaale?!"
"Punyeta naman, isigaw mo pa."
Iritado akong umalis sa harapan nya at naglakad patungo sa kung saan. Ayokong pumunta sa canteen dahil paniguradong naroon sila Kwinny."Pwedeng ikaw na muna ang bumili ng pagkain ko? Ayokong pumuntang canteen, baka nandon sila Kwinny."
Bumuntong-hininga si Charlen at tumango,"Bakit ka ba kase sinugod? Noon palang ay hindi ko na talaga gusto iyang Kwinny na yan, eh."
"Mamaya ko na ikukwento, bumili ka na. Sa Science Garden ako mag-iintay."
BINABASA MO ANG
Stand By Your Man [On-Going]
General Fiction"With all of these problems, suffering and pain. Would you always stand by me?"