"Hey, want some coffee?" alok ng kaibigan kong si Charlen at inaabot na saken ang tinake-out nya daw na kape kanina sa coffee shop.
I look up at her and smile before taking the coffee. Ibinaba ko muna ang notes na kanina pa binabasa at hinilot ang noo.
"Thanks. Saan ka galing? Kanina napadaan si Christian at tinatanong ka. Nakasalubong mo ba?" sabi ko habang hinihipan ang coffee dahil kitang kita pa ang usok patunay na mainit pa ito. I close my eyes when i felt the hot chocolate coffee dripping in my throat.
She rolles her eyes hearing Christan's name. She slightly crouch and whisper on my ear. "I went on a date." she said and giggled, ignoring my questions. Napatingin ako sa kanya at bahagyang natawa dahil sa masyadong girly nyang boses.
"Napapadalas ang date mo ah, malandi ka di mo manlang ipakilala saken!" I pouted.
"Madalas naman ako makipag date! At bakit ko ipapakilala sayo? Seryosohan lang?" she said sarcastically at tuluyan nang naupo sa tabi ko. Wearing a maong skirt and white racer back, covering with denim jacket, she flips her hair and smirk. Maganda talaga si Charlenda kung titignan at dagsa din ang manliligaw. Lahat daw ng ito ay dine-date nya at pagkatapos ay ididispatsa na! What a playgirl!
Aminado naman ako na kapag kasama ko sya ay madalas sa kanya napapalingon ang lahat. Masyadong malakas ang dating nya kahit na hindi gaanong katangkaran. Mas matangkad pa ako ng bahagya sa kanya at mas simple. Madalas maiikling skirt ang suot nya at crop tops while jeans and black plain t-shirt at pares ng white converse shoes ang suot ko. Hindi tulad sa kanya na mahilig mag sandals at stilettos.
"Haynako, tigilan mo na yan at mag seryoso ka naman Len! Nung isang araw lang ay may pumunta na naman sa condo at hinahanap ka!" asik ko sa kaibigan at bahagya syang binatukan.
"Yung buhok ko! Ano ba Norchella?!" natawa ako sa reaksyon nya tsaka inirapan ako ng maldita.
"Pabayaan mo sila! Ang sabi ko ka- fling lang ang hanap ko at hindi boyfriend! Masyado silang nag e-expect na jojowain ko sila ehh alam mo namang hanap ko ay isang engineer!" tumawa sya ng napakalakas at halos mag tinginan lahat ng napadaang tao sa harapan namin dito sa park.
Muntik ko na syang maitulak dahil sobra talaga ang lakas ng tawa nya, at animoy kinikilig pa habang iniimagine ang pangarap nyang isang engineer. Napairap nalang ako sa itsura ng pokpok na ito.
"Si Christian ay hinahanap ka. Tinatanong ko kung nagkasalubong ba kayo? Stop ignoring my question!" kunot-noo ko syang pinagmasdan, hinihintay ang sagot.
"Bakit ba? Pabayaan mo ang lalaking yon, Norch. Oo, nakasalubong ko sya pero hindi ko kinausap dahil hindi din ako kinausap! Nagtinginan lang kame, and that's it!"
"Ba't hindi mo kausapin? Mahilig ka naman mag first move at malandi ka kaya hindi mahirap sayong kausapin sya." kinurot nya ako sa tagiliran at halos sampigahin ko sya sa ginawa!
"At bakit ako?! Sino ba ang nagloko diba? Mahilig ngako mag first move pero hinding-hindi ko gagawin yon sa kanya!" kinuha nya ang hawak kong notes at binasa ang nakasulat doon. Tinignan nya ako at mabilis na sinarado ang notebook at pinukpok pa sa ulo ko. Sinamaan ko sya ng tingin.
"Alam mo naman ang dahilan diba? Nagkamali kalang ng akala sa tao!"
"Eh bakit ikaw? Ayaw mong kausapin yung sa'yo at akin ang pinoproblema mo!" Napawi ang ngiti ko at iniwas ang tingin. Slowly, the memories flashed again in my mind. Bahagya kong pinilig ang ulo para mawala sa isip at nag peke ng tawa sa kanya.
"Matagal na'yon, Charlen. Hindi ko na din nakikita." bahagya ko syang sinilip at nakatingin na sya sa mga puno na nasa harapan lang namin. "Bakit ka nga pala nandito? Bihis na bihis ka ah, san lakad?" pag-iiba ko ng usapan.
BINABASA MO ANG
Stand By Your Man [On-Going]
Narrativa generale"With all of these problems, suffering and pain. Would you always stand by me?"