Chapter 12

9 2 0
                                    

~012~

"Bye Norch! Wag mong kalimutang pumasok ng maaga ulit bukas!" paalam ng kaibigan kong si Charlen.

Tumango nalang ako at tumalikod pero palihim akong sinilip ulit sya nang masigurong nakasakay na sya sa sundo nya. Nang nasigurado ay agad akong pumwesto sa gilid ng gate tabi ng poste para intayin si Conred.

Luminga-linga ako sa paligid at tinignan ang celphone kung anong oras na. 6:03 palang kaya mag-iintay muna ako dito.

Hindi ko kase alam kung anong nangyari sa kanya kanina at ganoon nalang ang naging pakikitungo nya sa akin. Kanina ay dumaan ako sa room nya kasama si Sarah at nakita ko syang nakaupo doon. Nang nakita nya ako ay kumaway ako at sasabihin sanang sabay kami umuwi pero hindi nya ako pinansin at nag-iwas lang ng tingin.

Tatlumpung minuto na ang nakakalipas pero wala padin Conred na dumadating. Usually kase ay sya ang nauunang mag-antay sa akin dito pero ngayon ako naman ang mag-iintay. Alam kong madalas ay mas mahaba pa ang oras ng pag-iintay nya sa akin dahil ako lagi ang pinapa-iwan ni Ms. Gina para mag-lock ng classroom. Iniintay ko pa ang mga kaklase kong cleaners na laging natakas lalo na mga boys. Peste.

Sinilip ko ulit ang celphone ko at 7:20 na ng gabi. Siguradong inaantay na ako ni mama doon at papaulanan na naman ako ng sermon dahil ginabi ako.

Nasakit na ang tyan ko at mukhang natatae na dahil sa inip. Nilibot ko ang tingin ko at mukhang ako nalang ang estudyante dito. Pero merong paisa-isang naglalakad na iba at mukhang mga nakipag-date sa jowa nila.

Napalingon ako sa gate nang may lumabas na mga babaeng estudyante na tingin ko ay grade 12. Nagtatawanan sila at doon ay namataan ko si Johanna kasama ng mga iyon. Ayaw ko sanang lapitan pero no choice ako at gusto kong malaman kung nasaan si Conred. Madalas silang magkasama kaya inisip ko na baka alam nya kung nasaan ang kumag.

Pumunta ako sa harapan ni Johanna kaya nahinto sya sa paglalakad. Tumaas ang dalawang kilay nya at tinignan ang mga kasama nya.

"Ah, si Conred? Kasama mo?" tanong ko.

"Oh? Kanina pa sya umuwi. Hindi mo nakita?" sagot nya.

Matangkad si Johanna. Maganda ang kutis, mas maputi ng bahagya sa akin at hanggang dibdib ang buhok at may bangs. Mahinhin sya at pino ang galaw, hindi gaya ko na magaslaw at maingay.

"Pagkatapos nga na sabihan sya ng adviser namin dahil muntik na daw syang mapaaway kanina, umalis na agad sya." sabi ni Johanna.

"H-ha? Bakit daw napaaway?" tanong ko.

"Mainit daw ang ulo. Stress na sya sa school dahil sa kanya lahat inaatas ang mga gawain." paliwanag nya.

"Ganon ba. Sige sala--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nakita kong matigilan sya at parang kabadong tumingin sa likod ko.

Hindi na sya nagpaalam at nagmamadaling umalis. Napaawang nalang ang labi ko sa ginawa nya. Problema non?

Nilingon ko ang likod ko. Isang batalyong mga barkadahan ng kababaihan lang naman iyon. Kasama na don iyong babae ni Lenard na kalampungan nya sa school noong pinuntahan namin sya ni Dhale.

Nagkibit-balikat nalang ako at dumiretso na ng uwi.

Pagkadating sa bahay ay madali na akong nagbihis at kumain ng kaunti. Nang makita si mama ay nagpaalam ako dito na pupunta lang kila Conred para gawin iyong compilation files na naka-assign sakin.

Umalis na ako at dumiretso sa bahay nila Conred. Nasa tapat na ako ng pinto nila. Huminga muna ako ng malalim atsaka kumatok ng tatlong beses.

Bumungad sa akin si tito Sotto at nang makita ako'y malaki agad ang ngiti.

Stand By Your Man [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon