~009~
NASA PATHWAY ako at naglalakad papasok sa school nang may umakbay sa akin mula sa likod. Nilingon ko ito at nakita si Sarah na nakangiti.
"May meeting mamaya bago mag-uwian. Kasama ka daw." yon lang ang sinabi nya.
"Bakit ako?" nagtataka kong tanong. Nagkibit-balikat sya.
"Don't know. Sumama ka nalang."
Tumango nalang ako at sabay na kaming. naglakad hanggang makapunta sa room. Pagpasok palang ay inutusan na agad kaming dalawa ni Sarah na pumunta sa library. Pinakuha kami ng ilang libro para gagamitin mamaya sa discussions.
Sa paglalakad nakasalubong namin si Charlen na mukhang inis na inis sa mundo dahil sa sobrang sama ng tingin sa kung ano man ang madaanan nya. Nagkatinginan kami ni Sarah at bahagyang natawa dahil sa itsura ni Charlen. Nakahalukipkip sya at nang makita kami ay mas lalong sumimangot.
"Anong itsura 'yan?" tanong ko at tinuro ang mukha nya.
"I'm starting to hate guys! What the fuck!!! Bwiset na lalaki yon! Remember the last time when I went to school late? That's because of Xander dahil sinabi nyang susunduin ako! Pinag-hintay nya ako ng mahigit isang oras! In the end, nagpahatid nalang ako sa driver ko!" sunod-sunod nyang sinabi. Namumula na sya sa sobrang galit.
"Xander Fordeza?" singit ni Sarah. Napatingin sa kanya si Charlen at kumunot ang noo.
"How did you know him?" maarteng tanong ni Charlen.
"Kilala sya sa dating school na pinapasukan ko. Likas na malandi at pinagsasabay ang dalawang babae. Pag nagsawa syang paglaruan, sabay nya ding ibe-break." nagkibit-balikat si Sarah. Ramdam ko na naman ang usok sa ilong ni Charlen dahil sa galit.
"Arghh! Akala mo naman napaka gwapo nya! Pakitang tao sya at akala mo mukhang santo kapag kaharap!" inis nyang sabi.
"Saan ka ba nag-aaral dati?" tanong ko kay Sarah.
"Duh? Edi doon sa school ni Xander." nilingon sya ni Charlen.
"Bakit mo alam? Siguro, you're one of his girls din, 'no?" suspetsa nya. Hinampas ko sya sa braso at sinamaan nya naman ako ng tingin.
"Nope. Never! Ofcourse, I'm not blind and I have ears. Sinabi ko naman na sikat iyang si Xander kaya mabilis kumalat ang balita." nagkibit-balikat si Sarah.
"If you want to get even with him, come with me."
Nangunot ang noo ko sa sinabi nya.
"How naman?" maarteng sabi ni Charlen at humalukipkip.
"Malalaman mo pag sumama ka."
"Hoy, ano yan?" nagbabanta kong sabi.
"Grabe maka-react. Parang ang sama ng utak nyo." tumawa si Sarah.
Tinitigan ko ang mukha nya, hinuhulaan kung anong nasa isip nya pero wala akong mahulaan. Umirap nalang ako sa hangin at nauna nang maglakad papuntang library. Tsk. Noon palang ay napaka-wirdo na ni Sarah para sa akin. Maganda nga sya at mukhang normal na tao naman pero kapag nakasalamuha at nakausap mo na, mapapa 'huh? ka nalang dahil talagang wirdo sya.
BINABASA MO ANG
Stand By Your Man [On-Going]
General Fiction"With all of these problems, suffering and pain. Would you always stand by me?"