~001~
Nagising ako dahil sa init ng araw na tumama sa aking mukha. Humikab ako at ilan beses natigilan, saka palamang rumehistro sa akin ang nangyare kagabi. Napaahon ako mula sa pagkakahiga at inilibot ang mata sa kwarto.
"Ang saket ng ulo kooo!" hinagod ko ang buhok ko. Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto. Si Sarah ang pumasok atsaka nakapamaywang na tinignan ako.
"Sleeping beauty ka ghorl? Alas dose na ng tanghali!" napapikit ako sa sigaw nito. Talagang kelangan sumigaw eh.
"Ayaaaan, inom pa!" inirapan ko nalang atsaka deretsong pumasok sa cr. Pagkatapos mag mumog at maghilamos, dumiretso na ako sa kusina. Nandoon ang dalawa at nakain ng breakfast.
"I passed out." sapo ko ang ulo habang kumukuha ng malamig na tubig.
"Umagang-umaga, tubig ang hawak mo. Mag kape ka nang mahimasmasan ka." umiling ako. "Mas gusto ko ang tubig." nagkibit-balikat lamang si Charlen.
Tinignan ko ang mga nakahain. Fried egg, bacon and garlic rice. Kumunot ang noo ko at napanguso.
"Wala ba'ng sunny-side up?" nakasimangot kong tanong. Paborito ko kase iyon lalo na yung medyo hindi luto yung yolk, medyo malabsak.
"Magluto ka. Meron pang itlog sa ref, kumuha ka na lang." hindi na'ko sumagot at nagluto nalang. Noon pa man ay hindi ko ma-perfect ang pagluluto ng sunny-side up. Minsan tsumatsamba, pero madalas talaga nasisira yung yolk. Ngayon, mukhang naka tsamba ako. Hindi naman ganoon ka-perfect pero ayos na. Gumawa din ako ng sawsawan. Kumuha ako ng toyo, kalamansi atsaka naghiwa ng sili at pinaghalo iyon. Nang natapos ay bumalik na ako sa upuan at nagsimulang kumain.
"Ilang oras pa, bago ka makakain Norch. Andami mong ginagawang ritwal pati sa breakfast!" kumento ni Sarah. Nakabihis na sya at mukhang may pupuntahan. Si Charlen ay nakain lang den at umiinom ng kape. Kinibit balikat ko nalang ang sinabi nya at nagpatuloy sa pagkain.
"Nga pala. Norch, sumama ka saken. Kitain naten fiancè ko, nasa malapit na restaurant sya." napalingon ako kay Sarah. "Umuwi ba sya dito kagabi?" tanong ko.
"Nope. Tinawag ko na sa kanya kagabi palang na dito kayo sa condo matutulog and pumayag naman sya." nagkibit balikat lang ako atsaka uminom ng tubig.
"Wala ka namang gagawin diba?" umiling ako sa tanong nya.
"Wala pa si tito Erick na syang magiging guide ko para sa gagawin kong restaurant. You know, it's my first time and He's a professional businessman and he volunteer himself for my project." paliwanag ko. Si tito Erick ang tumulong sa akin noong nagsisimula pa lamang ako sa lahat. Noong hindi na makayanan ni mama na pag aralin ako ay sya ang tumulong sa akin para bayaran ang ilang expences noong ako'y nag-college. He also encourage me to do photography. Noon ay hilig ko na talaga ang kumuha ng litrato and do editings ofcourse, pero wala pa akong lakas ng loob noon. Dahil na din sa hirap ng buhay kaya hindi ko pi-nursue ang pag pho-photo journalist but, Tito Erick helped me.
"Ohh, he's still on LA?" singit ni Charlen.
"Probably, with Gabriella." kibit-balikat kong sagot.
"Ohh, I miss that bitch!" ngumisi ako kay Charlen. Gabriella is also one of my bestfriend. She is tito Erick's daughter. Or should i say, adopted daughter. Isa din sa mga tumulong sa akin. Kahit pa may pagka maldita iyon at medyo spoiled, tito Erick still love her. Nag-iisang anak din kase.
"Bilisan mo Norchella! Nag iintay yung boyfriend ko oh!" iritadong sigaw ni Sarah.
"Wait, anong susuotin ko?! Babalik muna'kong condo!"
BINABASA MO ANG
Stand By Your Man [On-Going]
General Fiction"With all of these problems, suffering and pain. Would you always stand by me?"