Chapter 12

256 9 1
                                    

Narrators pov

"Hmmm Ito pala Ang  unit niya"

Siguro Kung sa iba medyo nakakapagtaka Kung paano siya nakapasok na Lang Ng ganun sa loob Ng condo unit Ni Rovick pwes para sa kanya ay napakadali Lang nun
Walang imposible sa kanya Lalo na sa mga taong inuutusan niya para makuha  Lang Naman Ang passcode Ng unit ng Lalaking yun

"Tsk.walang kabuhay buhay "Saad niya Hindi Kasi niya nagustuhan Ang itsura at kulay Ng loob nun
Masyadong panlalaki Ang kulay nun para sa kanya

"Parehas talaga sila Ng taste Ng kapatid ko "

Nakangiti nitong nilapitan Ang sofa at isinandal Doon Ang likuran niya

Umupo Ito ng sandali at iginala gala Ang paningin  sa buong paligid nun

"Hmmm paano ko kaya maayos Ito?"Saad niya

Huminga Ito Ng malalim at napangisi sa naisip niya

"I have a great idea ...five o'clock pa Naman Ng Umaga tatawag ako ng housekeeping para maglinis dito...Hindi ko Naman kakayanin na linisin Ito mag isa"

Nag dial Ito sa telepono na nasa side table

"Hello ...Ito ba Ang housekeeping pwede ba na pumunta Kayo dito kailangan ko Lang Ng mga tagalinis dito masyado kasing madumi "

........

"Mam natapos na po gaya ng gusto niyo di namin ginalaw Yung kwarto"

"Okay,good sige pwede na kayong umalis"Saad niya sabay abot Ng pera  sa kanila

Pagkaalis na pagkaalis Ng mga taong inuutusan niya ay Nakangisi siyang tumungo sa kwarto Ni Rovick bukas Yun at Hindi nakalock kaya Malaya niyang pinasok iyon

Mula sa kinatatayuan niya ay naaaninag niya Ang mahimbing na si Rovick na natutulog at kitang Kita Ang malalim na pagtulog nito

Inihalukipkip niya Ang kanyang mga braso at nilapitan si Rovick umupo siya sa gilid Ng kama at tinitigan Ang imahe nito

"Mas gwapo ka pala kapag tulog...Sana Hindi ka na gumising" pabirong bulong nito

Kung noon Hindi niya masyadong mapagmasdan Ang mukha nito sa mahinahong paraan ngayon ay Malaya siya na titigan iyon Ng walang reklamo na galing mismo Kay Rovick

"Para Kang anghel Kung matulog Rovick...Sana Hindi ka na Lang magising habang buhay"inilapat niya Ang daliri niya sa malambot na pisngi nito hanggang sa makaabot iyon sa labi ni Rovick

"Ang lambot naman Ng labi mo... Ilan na ba Yung nahalikan mo?ako Lang ba?o may iba pa?"

Huminga siya Ng malalim at mas inilapit pa Ang mukha niya sa natutulog na si Rovick

Pero biglang nag iba Ang kaninang seryoso niyang mukha ay nahaluan ng malungkot  na imahe

"Mabuti ka pa nakakatulog Ng maayos...ng mahimbing...kasi Alam mo ako halos mamatay ako kapag ipipikit ko Ang mga mata ko ...halos isumpa ko Ang sarili ko... hanggang ngayon pa Rin ba Hindi mo talaga ako kilala?Ni Hindi mo ba ako naalala? "bulong niya nang di niya namamalayan na tumutulo na Ang luha niya

Dali Dali niyang Pinunasan  iyon
"Pinagsisihan mo man Lang ba lahat Ng ginawa mo Rovick?"mahinang Sabi niya Hindi niya hinahayaan na mag ingay o marinig Ni Rovick na magiging dahilan Ng pagkagising nito

Habang nakatitig siya ay mas nadadagdagan Ang galit niya

At may biglang pumasok sa isip niya Ng mga oras na

"Papatayin Kita... papatayin Kita"bigkas Ng bibig niya

Unti unti niyang iniangat Ang dalawang kamay niya at inihawak iyon sa leeg Ni Rovick

Into Her Trap(Wounded Series No 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon