"Ano Ito!!!"padabog na sigaw Ni Sheine pagkabukas na pagkabukas niya Ng pintuan Ng function room Kung saan halos lahat Ng investors ay nagsasama
Napahinto sa pagsasalita si Mr.Villafuerte Ng bungaran siya Ni Sheine Ng ganun
"Mag usap Tayo! magpaliwanag Kayo sa akin Kung ano Ito!"pandidiin niya sa papel na iyon
Laking gulat Ni Mr.Villafuerte Kung ano nga ba Ang nakasaad sa lumang dyaryo na iyon Kung saan nasa frontpage Ang pangalan na Marie Yuan at nakadikta din Doon Ang pangalan Ni Rovick Montenegro"Huminahon ka ...maraming makakakita sa atin Kung may kahihiyan ka pa huwag Kang magtaas Ng boses sa akin
Papaalisin ko muna sila ...saka ka magwala na para bang halimaw diyan"
Kitang Kita Ang galit sa mukha Ni Sheine habang pilit na pinipigilan Yun
Ngumiti si Mr.Villafuerte na para bang Walang nangyari
"Meeting adjourned siguro bukas na natin itutuloy Ito pwede na kayong lumabas"Saad niya
Sinunod Lang Ng mga investors Ang sinabing iyon Ni Mr.Villafuerte
Hindi na nila tinanong pa Kung anong nangyayari mas naging mahinahon sila
Pero Hindi nagdesisyon na lumabas Sina Ariston at Vanther na halos nagugulat at naguguluhan sa mga nangyayari
"Kuya Sheine ano bang problema mo?!bakit mo sinisigawan si Dad Ng ganyan!"sigaw ni Ariston
"Ariston manahimik ka hayaan mo na kami muna Ang mag usap Ng kapatid mo"pakiusap Ni Mr.Villafuerte
"Oo nga Kuya Aris hayaan mo na sila Malay mo may kaunting problema Lang"Saad Ni Vanther sa pinsan na akala mo ay audience nilang tatlo at prenteng Nakapatong Ang paa sa lamesa habang naninigarilyo
"HOY itigil mo nga iyan atsaka huwag Kang gatongero Kung inaakala mo na pwede Kang manigarilyo dito Dahil Wala na Yung iba pwes ikaw Ang umalis Hindi ako!!!"sigaw Ni Ariston sabay agaw Ng sigarilyo Kay Vanther at tinapakan iyon
"Tsk.Damot"
"Dad ano Ito!!!"ulit Ni Sheine"Sabihin mo bakit Hindi niyo man Lang sinabi sa akin Ang letseng balitang Ito!!!"itinapon iyon Ni Sheine sa harapan mismo Ni Mr.Villafuerte pilit niyang ipinagduduldulan Ang nakasaad sa dyaryong iyon
"Mahabang Kwento Sheine!!!at kahit ikwento ko pa lahat !Wala nang magbabago!!!tapos na!!!"sigaw Ni Mr.Villafuerte na halos galit na galit
"Ano bang nangyayari Kuya?Dad sabihin niyo nga para malinawan ako?kami dito ?apat Tayo dito pwede bang liwanagin niyo iyang
Pinagtatalunan Niyo"Ariston huwag ka na munang magtanong lumabas muna Kayo Ni Vanther"Saad Ni Mr.Villafuerte
Tumayo Naman si Vanther at lumapit sa pwestong iyon
"Ano ba Kasi iyan bakit ba Kasi pinagtatalunan Niyo patingin nga"kinuha niya Ang dyaryong iyon pero halos manlaki ang Mata niya sa nabasa niya Ang kaninang pilyong mga ngiti ay napalitan Ng gulat
Halos manginig Ang kamay niya habang hawak hawak iyon
"Ano ba iyan Vanther para Kang nakakita Ng multo?ano ba Kasi ?yan!?"saad Ni Ariston
"Wa-wala Lang Ito Kuya"sabay punit Ng papel na iyon "Charan Tingnan mo Wala na!!!"Saad niya
Minabuti niyang gawin Yun Alam niya Kasi na kapag nabasa Ni Ariston Ang nakasulat dun grabe baka maghalo Ang init at lamig o Kung ano mang pagka imortal Ni Ariston sa katawan
"Letse!!!ano ba kasing problema at nagkakaganyan Kayo!!!ikaw Vanther bakit mo pinunit Ito peste ka!!!"
Hindi man Lang makasagot si Vanther Ng mga oras na Yun pakiramdam niya sinasakal siya natatakot siya na malaman Ni Ariston Ang Kung ano mang nakalagay sa dyaryo
"Ariston lumabas ka na!!!"sigaw Ni Mr.Villafuerte
"Hindi ako lalabas Kung Hindi niyo linawin Ang nangyayari bakit ba Kasi Kayo nag aaway!!!"
"Wala Lang nga Kasi Yun Kuya!"
Sigaw Ni Vanther na pilit pinapalayas si Ariston~Ring ring~
Biglang tumunog Ang telepono Ni Ariston
"Hello Love bakit?"Saad nito
Lumabas Ito bigla sa opisina at iniwan sa loob sina Sheine at Mr.Villafuerte pati na Rin si Vanther na umaawat dun
"Sheine ...may dahilan Kung bakit Hindi ko sinabi sa iyo Ang katotohanan sa inyong lahat
Kilala mo si Monique ayaw niya na maalala pa Yun""Maalala?Kung ayaw niyo na maalala niya Yun bakit hinayaan niyo siyang pakasalan si Rovick!!!"
"Dahil -"
"May binabalak ba si Monique sa lahat Ng ito?"
"I'm sorry pero Yun Ang kagustuhan Ni Monique Kaya pakiusap huwag na huwag Kang nakikialam sa kanya sa kanilang dalawa at higit sa lahat huwag na huwag Kang nagsasabi Ng kahit na kaunting impormasyon Kay Ariston
Kahit kaunti Sheine pakiusap
Kilala mo Naman Ang ugali niya Hindi ba?
Matalino ka at naiintindihan mo Ang lahat Ng ito Kung nirerespeto mo Ang desisyon Ni Monique hahayaan mo Ang lahat Ng ito pakiusap Sheine...Pakiusap"
..........
Ariston POV
Hindi ko sila maintindihan bakit ba nagkakaganun si Sheine kanina at Isa pa Ang Vanther na Yun walang kahit anong sinasabi sa akin Ni Hindi ko na nga siya Macontact Kung Hindi Lang talaga tumawag si Avie kanina edi Sana nalaman ko na Yung pinag aawayan nila
"Love may problema ba?"naramdaman ko na hinawakan Ni Avie Ang kamay ko habang nakaabang ako sa may balcony Ng bahay namin
"Wala Naman okay Lang ako Love"
Biglang tumunog Ang phone ko at di ko na iyon Kay Kuya Sheine
"Hello"
Lasing Ang boses niya na para bang galit Ang tono kaya nagmamadali ako na pinuntahan siya dun
Ngayon ko Lang kasi siya narinig Ng ganun
....
"Sheine "
Saad ko nang maabutan ko siya na halos lango na sa alak habang nakangiti akong inaalok na uminom
"Uy.nandito ka pala Ariston"
"Ano bang problema mo?!bakit naglalasing ka dito?"
Itinuro niya Ang sarili niya
"Ako?Hindi pa Naman ako lasing"
"Umuwi ka na tatawagan ko si Verah baka nag aalala na siya sa iyo"
"No huwag mo munang tatawagan Ang Asawa ko ...mag inuman muna Tayo dito"
"Teka nga ano ba kasing problema bakit ba nagkakaganyan ka?"
"Problema?ako?Wala akong problema
Alam mo Kung Sino Ang may problema iyang si Dad Ang tagal niyang nilihim sa atin lahat sinungaling siya"
"Inilihim?anong ibig mong sabihin?"
Lumapit siya sa akin
"Inilihim niya lahat Ng nangyari Kay Monique noon"
"Linawin mo nga"
"Monique was raped ...nagdusa siya nang halos mahabang taon nang Hindi natin Alam
Na para bang Walang nangyari...at Alam Ni Dad Ang lahat hinayaan niya na maitago na Lang Yun Ng ganun
At Alam mo ba Kung Sino ...Kung Sino Ang hayop na Yun
Ang hayop na bumaboy sa kanya
Kilala mo siya... kilalang kilala mo siya ..."
"Si-sino sabihin mo "
"Si Rovick Samuelle Montenegro Yung bestfriend mo siya Ang gamago sa kapatid natin Ariston "
#IntoHerTrap
Plagiarism is a crime so don't try
BINABASA MO ANG
Into Her Trap(Wounded Series No 3)
RomanceMonique Scarleth Villafuerte a drop dead gorgeous supermodel She has it all fame,money and wealth halos lahat kinaiingitan siya she gets what she wants in just a snap of her finger pero di Ang taong gustong gusto niya The man who gets her one and o...