"Hubby!!!"sigaw Ni Monique Mula sa loob Ng kwarto nila Ni Rovick na akala mo ay nag aalburoto na sa galit
Hawak hawak niya Ang breast pump na Hindi man Lang nangalahati Ang laman
"Anong problema?"tanong niya sa Asawa
Halos paiyak na siya at nakahikbi habang pinapakita iyon sa Asawa
"Bakit Wala akong makuha?nauubos na ba Yung gatas ko?"
Medyo natawa si Rovick sa reaksyon Ni Monique
"Ano ka ba Naman Monique huwag ka ngang Ganyan huwag Kang mag over react ikaw Kasi Ang Sabi ko kasi sa iyo gumamit ka Ng formula para sa baby natin para Hindi nauubos iyan pwede naman kasing salitan pwedeng ngayon formula milk tapos kapag nakapag produce ka na ulit pwedeng breast milk mo"
"Ayoko !"
"Edi bahala ka Hindi talaga mapupuno iyang bote Kung kada Oras eh pipigain mo iyan "sabay turo sa dibdib Ni Monique
Binatukan niya si Rovick kitang Kita Ang pag iyak niya sa harapan nito
"Aray!!"
"Ikaw Ang may kasalanan nito bakit Kasi tatlo sila?!"sigaw Ni Monique
Kahit na medyo nasaktan si Rovick sa ginawang iyon Ng Asawa ay di siya nag aatubiling aluin ito Kita Kasi Ang stress nito ngayon Lalo na at medyo Desperado siya na painumin Ng breastmilk niya Ang tatlong baby na iyon
"Tahan na "pang aalo niya"sorry di ko Naman akalain na magiging tatlo baby natin eh"
"It's your fault"
"Oo na sige na ako na Ang may kasalanan o ano na magtitimpla na ba ako Ng gatas?"
"Ayoko"
"Bilis na para matulog na sila"
Kahit pilit na tumanggi si Monique ay Wala siyang choice kaya sa huli ay pumayag na din siya
Halos hatinggabi na nang matapos Ang pagpapainom nila Ng gatas sa tatlong maliliit na baby na Yun kaya halos napagod sila Ni Rovick
"Hubby Hindi ako Matulog tumabi ka dito sa akin please"Saad niya
Nilingon siya Ni Rovick Kung saan nagbabasa pa Ito Ng libro sa lapag na nalalatagan Ng carpet
"Mauna ka na tatapusin ko Lang itong basahin Monique pagod ka na kaya palakasin mo Yung katawan mo para bukas "
Bumangon si Monique at tumabi sa asawa Kung saan ginawa niyang unan Ang mga braso nito habang nakayakap dito
"I told you to sleep"
"Please"
Isang ngiti at sinunod niya Rin Ang Asawa sa gusto nito Wala siyang magagawa Ito Ang Reyna pagdating sa loob Ng bahay nila
Ibinaba niya Ang libro at hinaplos Ang mukha Ni Monique nakapikit na Ito Ng mga oras na iyon
"Monique ... naalala mo ba Yung una nating pagkikita?"
"I don't want to remember that Rovick I told you na masamang panaginip Ang unang pagkikita natin di ba?"
"No ...Hindi Yung pagkikitang Yun Ang Ibig kong sabihin"Saad niya
"Bakit?Yun Lang Naman Ang una nating pagkikita di ba?"
"Hindi Yun may mas nauna pa dun"
"What?"takang tanong Ni Monique na nagpamulat Ng mata niya
BINABASA MO ANG
Into Her Trap(Wounded Series No 3)
RomanceMonique Scarleth Villafuerte a drop dead gorgeous supermodel She has it all fame,money and wealth halos lahat kinaiingitan siya she gets what she wants in just a snap of her finger pero di Ang taong gustong gusto niya The man who gets her one and o...