Chapter 16

221 8 0
                                    


"Umayos ka Hubby huwag na huwag Kang kikilos na Hindi ko magugustuhan "pabulong na Sabi Ni Monique Kay Rovick pagkalabas na pagkalabas nila mismo Ng kotse
Hinawakan niya Ang braso nito habang papasok Ng mansion

Hindi man niya gusto Ang ginagawa ay pinipilit Ni Rovick na maging mahinahon at huwag nang makipagtalo pa Kay Monique Dahil Wala Rin Naman pupuntahan Ang pag aaway na Yun

"Sabihin mo sa akin Kung kinakabahan ka"tanong nito

"Hindi at bakit naman ako kakabahan nakaharap ko na nun si Mr.Villafuerte at Hindi naman siya nakakatakot atsaka kilala ko na Rin Yung mga kapatid mo Lalo na si Ariston kaya Hindi ako kinakabahan Monique"

"Sure ka diyan?baka manginig ka mamaya dun?"

"Tigilan mo nga ako atsaka gusto mo ba talaga akong ipakilala sa kanya o huwag na Lang pwede pa akong mag back out "

"Oh huminahon ka high blood ka kaagad diyan ,okay let's go"

.......

"Daddy I'm sorry na late kami Ng Asawa ko"

Nakangiti si Monique na kinausap Ang Daddy niya na mukhang Hindi masaya sa nakikita niya ngayon

"Good evening Mr.Villafuerte"magalang na bungad Ni Rovick sa matanda pero iba Ang aura nito para kasing may kakaiba para kasing kinikilatis siya nito

"Umupo na Kayo Lalo ka na Rovick  "Saad nito

Halos kaharap Ni Rovick si Mr.Villafuerte at nasa tapat Naman niya si Ariston na Todo Ang pigil Ng tawa habang nakatingin sa kanya

Iniikot ikot pa nga nito Ang baso habang tinititigan silang dalawa Ni Monique

"Brother in law nice to meet you here Hindi ko aakalain na magkakasabay Tayo Ng ganito "pang aasar pa nito sa kanya

Tiningnan niya Ito Ng masama na para bang binabalaan si Ariston sa pang aasar sa kanya gusto niyang maging presentable ngayon Lalo na at Parang may kakaiba sa matandang Villafuerte

"Di ko aakalain na si Rovick pala Ang magiging Asawa mo Monique"Saad Naman Ni Avie habang sinusubuan si Chance sa tabi niya

"Mr.Montenegro ikaw kamusta Naman Kayo Ni Monique nitong mga nakaraan?Maayos ba Ang pagsasama niyo?"biglang nagsalita si Sheine Ng mga oras na Yun na para bang Hindi siya kumbinsido sa nangyaring kasal sa pagitan Nina Monique at Rovick

"Kuya Sheine lagi kaming maayos Ng Asawa ko ...Kaya Hindi mo na dapat pa tinatanong Ang tungkol dun masaya kaming dalawa sa buhay namin "Saad ni Monique na Nakangisi pa Kay Rovick"Right hubby?"sabay siko dito

"Ah yes Po o-okay naman Po ako"Saad Ni Rovick na para bang nauutal sa pagsasalita mahahalata sa kanya Ang pamumutla

"Sinasabi ko na nga ba kinakabahan ka"bulong Ni Monique dito

"Feel at home Rovick hindi mo kailangan na ma pressure pamilya mo na kami ngayon"Saad Ni Ariston sa kaibigan nakikita niya Kasi na mukhang kinakabahan Ito sa nangyayari

"O-okay salamat"pinagpatuloy lang Ni Rovick Ang pagkain kahit Hindi siya gaanong makatingin sa bawat Tao na nasa hapag kainan


"Hubby huwag Kang kabahan huwag mo silang intindihin "pabulong na paalala Ni Monique dito

"So paano ka nagpropose Kay Monique?"Isa Naman tanong Ang binitawan Ni Sheine

"Pro-propose?"halos malunok yata niya Ang lahat Ng juice sa baso Dahil sa gulat

Huminto sa pagkain si Monique at tumingin sa direksyon Ni Sheine

"Bakit ba tinatanong mo siya Ng ganyan,Kuya?ano bang gusto mong palabasin sa mga sinasabi mo?na Hindi talaga totoo Ang kasal nila?"sabat Ni Ariston

Into Her Trap(Wounded Series No 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon