Chapter 2

412 12 4
                                    


Rovick's POV

"Doc salamat Po Kaya pinagkakatiwalaan namin Kayo pagdating sa mga ganitong sitwasyon ...maraming salamat Po talaga ngayon naiintindihan ko na nang husto"

Nakangiti si Mrs.De Silva sa akin habang patuloy na nagbibigay Ng pasasalamat

Pumunta Kasi siya sa akin Dahil sa nagdadalawang isip siya Kung itutuloy niya ba Ang pagggamit Ng pills o ititigil na niya iyon para makabuo na sila Ng Asawa niya Ng anak

Three years na Rin Kasi silang kasal at ngayon napagdesisyunan na nila na bumuo Ng pamilya

"Okay Lang po Yun atsaka family doctor ako Ng Asawa niyo Kaya responsibilidad ko Ang bigyan Kayo Ng payo"Saad ko sa kanya

Bigla Naman pumasok Ang assistant nurse ko  at iniabot sa akin Ang phone

"Dr.Montenegro may tawag po Mula sa kabilang linya"

Tumayo ako sa kinauupuan ko at nagpaalam sandali Kay Mrs.De Silva

"Hello?"

"Rovick !Kamusta na!?"

"Oh Ariston anong problema?magpapaprivate check up ba Ang asawa mo?buntis na naman ba siya?Teka last year Lang siya nanganak ha?nakabuo na Naman ba Kayo?"

"Puta ka!anong tingin mo sa asawa ko factory Ng baby?!"

"Hindi naman sa ganun eh Kasi tumatawag ka lang namang Tao ka dito kapag may kailangan Ang asawa mo!"

"Tsk.Rovick Hindi Yun Ang kailangan ko sa iyo mamaya  pumunta ka sa bahay may pag uusapan Tayo"

"Para saan na Naman ba iyan?Sino pa ba Ang kaibigan Ng Asawa mo Ang kailangan Ng obgyn ha?at Parang lahat sila eh tingnan ko na Ang dami ko kasing pending schedule Ng pasyente?"

"Hibang!pumunta ka dito Dahil heto na hawak ko na Ang kontrata na hinihingi mo para sa pagpapalawak Ng hospital na ipipapatayo mo "

Biglang nagliwanag Ang paligid ko nang marinig ko Ang tungkol sa kontrata na yun nung nakaraang taon ko pa hinihintay sa kumag na Ito

Peste Naman Kasi kailangan pagtrabahuan ko pa Ang bayad niyang iyon para sa akin

"Ano call?"

"Oo sige mamaya atsaka kamusta na Yung inaanak ko?"

"Iyon cute pa Rin Ang aking little princess napakaganda Ng inaanak mo kamukhang kamukha Ng Mommy niya"

"Talaga sa akin ata nagmana Yun"

"Gago Hindi mo anak Yun!anong pinagsasasabi mo oh sige na!may meeting pa ako na pupuntahan kailangan agahan mo Ang pagpunta Dahil mag bobonding pa kami Ng pamilya ko"

"Bonding ba talaga iyan oh-"

"Kung ano pa iyang kabastusan na Iniisip mong Gago ka tumigil ka na Kung gusto mo pang Ibigay ko sa iyo iyang kontrata!"

Naririnig ko Ang pagkapikon Ng hinayupak na Ariston na Yun sa kabilang linya

Kaibigan ko nga talaga siya simula elementary days eh pikon talaga Ang gagong Yun

Ibinaba ko Ang phone ko at ipinasok sa coat ko

Binalikan. Ko si Mrs.De Silva at binigyan siya Ng mga reseta na kakailanganin niya

"Thank you talaga doc sige po babalitaan ko na Lang po Kayo"

Pagkaalis na pagkaalis Ni Mrs.De Silva ay nagpahinga muna ako tutal naubos ko Naman na Ang mga naka schedule na pasyente ko

Medyo niluwagan ko Ang tie  na suot ko at huminga Ng malalim

"Aiiish Ang sakit Ng ulo ko !!!"sigaw ko sa loob Ng opisina ko habang iniinat Ang mga braso at likod ko

Into Her Trap(Wounded Series No 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon