Chapter 19

216 11 2
                                    

Rovick's pov

"...Kasi ngayon gusto na kita "natigilan si Monique Ng sabihin ko yun sa kanya

"Hindi ka ba masaya ?bakit ganyan Ang reaksyon mo?" para kasing kakaiba siya Ang buong akala ko Naman magiging masaya siya kapag sinabi ko Yun pero Parang bakit iba Ang reaksyon niya

"O-oo Naman?atsaka Ang saya saya ko kaya ano bang sinasabi mo diyan?baliw ka Hubby Ang saya saya ko!!!"bigla niya akong niyakap

Napansin ko na para bang nababasa Ang mga Mata niya

"Teka naiiyak ka ba?"

"Hi-hindi no anong sinasabi mo?"

"Sobra ka bang nagulat?"

"Hi-hindi talagang minsan matubig Lang Ang mata ko"

Pinunasan niya Yung mata niya nakikita ko at halatang halata na Parang luha iyon

"Tito baka sobrang saya Lang talaga Ni Tita"

"Ako Lang Ito Monique huwag Kang umiyak Diyan"pinahiran ko Ang mga mata niya

"Teka huwag"hinawakan niya Ang kamay ko at pinigilan ito

"Bakit?"

"Wala Lang sige punta muna ako sa banyo Hubby sayo din excuse muna ha little princess kumain Lang Kayo diyan "Saad niya sa Amin ni Kelly at dumiretso sa banyo nakakapagtaka Kasi Ang mga ikinikilos niya Parang kakaiba

May masama ba sa sinabi ko?may topak talaga Ang Monique na Yun ngayon na sinabi ko na gusto ko siya parang ayaw Naman niya

"Tito si Tita Monique Ang sarap niya sigurong maging Mommy ...Hindi pa Kasi ako nagkakaroon Ng Mommy Tito  "

Iyan na Naman si Kelly nagdadrama na naman Ang batang ito

"Huwag ka Naman malungkot Kelly pinapaalala mo na Naman Ang Mommy mo sa akin namimiss ko Rin tuloy ngayon si Ate "

"Tito si Tita Monique dito na talaga siya forever"

Sana Hindi niya maisipan na umalis...gagawin ko lahat para Hindi niya kami iwan dito ayaw ko Kasi na dumating ang araw na baka umalis siya at di na magpakita pa

Ayaw ko nang maiwan pa ulit...

Pero sigurado Naman ako na magugustuhan niya dito kaya dapat Wala na akong ikabahala pa

"Oo...Kelly"

Malapad ang ngiti Ni Kelly sa akin Ng mga oras na Yun

"Yehey  dito na Lang siya"

"Hindi siya aalis..."nilingon ko siya Mula sa malayo habang papalapit sa amin"Sigurado ako dun"

........................

Masyadong naging masaya Ang buong araw na magkakasama kaming tatlo Nina Monique at Ni Kelly

Nagtulungan kami na ayusin Ang kwarto ko at ni Kelly mas pinaganda pa Yun Lalo Ni Monique na mas ikinatuwa Ng pamangkin ko

Nag order din siya Ng mga magagandang gamit na pambabae para Kay Kelly na di ko magawa gawa Dahil Hindi ko Rin Naman Alam Ang ibibigay ko sa pamangkin ko

Halos magtatalon sa tuwa si Kelly Dahil halos lahat Ng hinihiling niya noon ay natutupad na at Dahil iyon Kay Monique sa asawa ko

"Tulog na siya?"tanong ko Kay Monique pagkapasok na pagkapasok niya sa kwarto namin sinamahan at kinuwentuhan pa Kasi niya si Kelly para makatulog ito

"Oo tulog na siya Ang saya nga niya eh di ko akalain na magugustuhan niya lahat Ng binili ko sa kanya"

Humiga na siya sa tabi ko at humarap sa akin

Into Her Trap(Wounded Series No 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon