Chapter 17

200 8 0
                                    

"Ano bang sinasabi mo Rovick?"

Mas hinigpitan pa nito Ang paghawak sa kamay Ni Monique

"May isang salita ka ba Hijo?"Saad Ni Mr.Villafuerte na para bang naninigurado pa

"Hindi siya sigurado dun Daddy huwag niyo nga siyang pilitin Rovick ano ba?"

Mas iniangat pa nito Ang mukha niya"Opo sigurado Po ako Mr.Villafuerte Hindi ko PO Kayo bibiguin Kung iyon Lang Po Ang mas nakikita niyo na makakabuti Kay Monique sige po isasama ko na siya pauwi"Saad nito

"Sige...Kung gusto niyo matulog muna Kayo sa nag iisang bakanteng guestroom sa taas tutal magsasama na Kayo Hindi Naman siguro Mali na magsama Kayo sa iisang kwarto atsaka malakas nag ulan sa labas delikado Ang magmaneho sa ganitong oras"

"What!!!?"sigaw Ni Monique

Hinigit Ni Rovick Ang beywang nito at bumulong "Pumayag ka na para Wala nang gulo"

"No!marami pa naman na kwarto dito?!atsaka bakit ayaw niyong ipagamit sa akin Yun!"

"Monique naokupa na nina Sheine at Ariston Ang Iba pang kwarto kasama pa Ng mga pamangkin mo at si Vanther na kakarating rating Lang"

"Pero ayoko!!!"

"Monique ano pa Ang silbi na Asawa mo siya Kung ayaw mo siyang makasama sige na!ipinalinis ko na dun dumiretso na Kayo"

"Sige po"nakangiting Saad Ni Rovick sa Daddy Ni Monique tumalikod ito at umakyat na para magpahinga habang silang dalawa ay naiwan dun

Makikita Kay Monique Ang pagkainis sa mga sinabi Ni Rovick

"Rovick nang aasar ka ba?akala ko ba ayaw na ayaw mo sa akin tapos ngayon umo-o ka Lang Kay Daddy ano bang problema mo sumasabay ka sa init Ng ulo ko!!!"

"Halika na huwag ka nang magreklamo minsan Lang ako magkaganito akala ko ba gustong gusto mo ako tapos ngayon ayaw mong makasama ako...libreng libre ako ngayon Monique Kaya dapat magpasalamat ka"

Inaya nito si Monique paakyat Ng kwarto Kung saan sila matutulog na mag asawa at si Monique sumama na Lang siya at umayon tutal Wala na Rin naman siyang pagpipilian pa Dahil nakakatakot din na umuwi mag Isa Ng ganun kalakas Ang ulan

"Sino Ang unang mag sho-shower ako o ikaw muna?"tanong Ni Rovick

"Gusto mo sumabay ka sa akin Hubby "

"Haaaish gusto mo ba sige sasamahan Kita sa loob para Naman mas masaya?"

"Huwag Kang pang asar !!!"

Padabog na kinuha Ni Monique Ang bathrobe at towel na iniabot Ni Rovick sa kanya

Nakangisi Lang Ito habang nakikipagtitigan pa sa kanya

Sobrang Wala siya sa mood para patulan pa Ang pang aasar nito Dahil matatalo Lang siya sa ganun

................................................................

"Oh anong ginagawa mo diyan?bakit didiretso ka sa sofa,hubby?"tanong Ni  Monique habang nakasandal sa headboard Ng Kama at nagbabasa Ng libro

Kakatapos tapos Lang Kasi Ni Rovick sa pagshoshower

Ilang oras din Kasi Ito naghintay kanina Kay Monique Kaya ngayon Lang Ito nagkaroon Ng pagkakataon

"Ayoko na gambalain ka at tumabi sa iyo maingay akong matulog Monique"

"Wala akong pakialam tumabi ka dito sa akin"Nakangisi niyang Saad 

"Ano ba?gumaganti ka ba sa akin Dahil sa pumayag na ako kanina na magsama Tayo "

Into Her Trap(Wounded Series No 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon