"Anong oras na?"halos masilaw si Monique sa pagtama Ng araw sa parte Ng Kama Kung saan siya nakahiga
Napahaba siya Ng pagtulog na ngayon Lang niya ulit naranasan sa mahabang panahon
Hinawakan niya Ang balikat niya hanggang ngayon nararamdaman pa Rin niya Ang pagyakap sa kanya Ni Rovick nung nagdaang Gabi
Hanggang ngayon naamoy pa Rin niya Ang pabango nito na naiwan sa Kama
Bumalik siya sa pagkakahiga at dinama Ang malambot na Kama Kung saan nagtabi silang dalawa Ni Rovick
"Tsk .Ang Sabi niya Hindi siya aalis sa tabi ko bakit gumising ako Ng Wala siya?may saltik yata Ang taong Yun "
Tumayo siya at naligo at pagkatapos ay nag ayos na Rin para makaalis na sa mansion sigurado Kasi siya na Wala nang katao Tao dun
At Plano niya Rin ngayon na kulitin si Rovick sa hospital
"Manang aalis na -"
Napahinto siya nang madatnan niya si Rovick na kakagaling Lang sa kusina na may suot suot na apron
"Good morning gising ka na pala Monique"
Halos magulat siya nang sabihin iyon Ni Rovick Hindi Kasi siya makapaniwala na lalabas mismo sa bibig Ni Rovick Ang mga salitang Yun
Napangisi siya "Good Morning Hubby akala ko nakaalis ka na?"bigla niya itong niyakap Mula sa likuran na para bang Bata kaya halos napahinto sila sa may pinakagitna
"Akala ko umalis ka na?"ipinatong niya Ang mukha niya sa may balikat nito
"hindi ako aalis ngayon nag leave muna ako Ng isang araw para matulungan kitang maglipat sa bahay ko "
"Teka nga seryoso ka talaga diyan?"
"Saan?"
"Sa gagawin mo?!"
"Oo seryoso ako dun huwag ka nang makulit"
"Hmm so may gusto ka Rin sa akin ganun?si Rovick Montenegro may gusto na sa akin!"
"Ewan ko sa iyo Bitaw na masusunog na Yung pinirito ko dun"
"Ayaw !sagutin mo muna Yung tanong ko sa iyo"mas hinigpitan pa Lalo Ni Monique Ang pagkakayakap Kay Rovick
"Monique ano ba?! umuusok na Yung kalan sa loob Ng kusina!"
"Hayaan mo na Yun Wala akong pakialam pwede Naman ipaayos Ni Daddy Yun Kung sakaling masira Ang kusina Rovick sabihin mo muna na gusto mo ako!"
Huminga siya Ng malalim heto na naman Ang babaeng iyon kinukulit siya Ng Todo
"Monique "
"Sabihin mo na Kasi Hubby "
Hinawakan niya Ito at pinilit na inalis Ang mga braso nito na nakahawak sa kanya Mula sa likuran
At iniharap sa kanya si Monique
Pumikit si Monique at hinihintay na halikan niya
"Asa"bulong niya at iniwan sa kinatatayuan nito si Monique
"Hubby!!!"inis na sigaw nito
Nakangiti Lang si Rovick na hinango Ang lahat Ng pinirito niyang Karne sa kawali
"Umupo ka na diyan huwag mo akong kulitin Monique"
"Ayaw mo pa kasing aminin na may gusto ka na Rin sa akin"nakahalukipkip Ang dalawang braso nito at nakasimangot habang si Rovick ay inaabutan siya Ng pagkain
"Subuan mo ako please Dali na hubby"
Napahinto si Rovick sa pagkain Ng marinig niya Yun
"Tumigil ka matanda ka na para subuan ko pa .kumain ka mag Isa."
BINABASA MO ANG
Into Her Trap(Wounded Series No 3)
RomanceMonique Scarleth Villafuerte a drop dead gorgeous supermodel She has it all fame,money and wealth halos lahat kinaiingitan siya she gets what she wants in just a snap of her finger pero di Ang taong gustong gusto niya The man who gets her one and o...