"Monique bakit ikaw Ang pumunta dito ?di ba Ang Sabi ko sa iyo susunduin Kita?dun"Nakita Ni Monique na gulat na gulat si Rovick Ng madatnan siya nito sa opisina niya mismo
"Ayaw mo ba?pinacancel ko Yung practice ko para puntahan Kita dito at makasama ka... pakiramdam ko ayaw mo akong Makita"
Niyakap niya ito bigla Ng sinabi iyon Ni Monique bakas Kasi sa Mukha nito Ang pagkadismaya sa reaksyon Ni Rovick sa pagdating niya
"Okay sorry Hindi ko sinasadya galit ka ba sa akin?"
Sumimangot Ito at tinalikuran siya"Sige na aalis na Lang ako Kasi Kita ko na busy ka dito kanina pa Rin naghihintay itong pasyente mo dito "itinuro niya Ang buntis na babaeng pasyente Ni Rovick na si Mrs.Gomez
"I'm sorry po nakakagulo Po ba ako sa inyong dalawa?"
Nginitian niya Ang babaeng iyon habang nakatingin sa tiyan nito"Hindi ...atsaka aalis na Rin Naman ako sige na Rovick "
Biglang pinigilan ni Rovick Ang kamay ni Monique at ipinaupo ito sa katapat na upuan
"Dito ka Lang samahan mo ako atsaka magpapa ultrasound si Mrs.Gomez sa akin at gusto ko na Makita mo Rin Yung baby niya sa loob Ng tiyan niya"
Hinawakan Ni Rovick Ng mahigpit Ang kamay Ni Monique gusto niya Kasi na ipakita Kay Monique iyon
"pero?baka makagulo Lang ako sa trabaho mo?"
"Hindi at bakit ka nakakagulo sasamahan mo Lang ako dun "
"Oo nga Po pwede kayong sumama promise masaya na Makita Yung baby ...kaya sumama ka na Rin Mam " Saad Ni Mrs.Gomez Kay Monique
Hindi na siya nakatanggi pa dito at sinunod na lang si Rovick tutal gusto niya Rin itong makasama Lalo na ngayon na walang kasiguraduhan na makakasama pa niya Ito Ng matagal
........
Bumungad sa harapan Ng Monitor Ang Baby na nasa sinapupunan ni Mrs.Gomez kitang Kita Ang ngiti at pagkamangha sa mukha Ni Monique Ng mga oras na Yun para kasi sa kanya kakaiba iyon
nakatitig Naman si Rovick sa kanya Alam niya na kahit papaano ay natutuwa Ito sa nakikita niya
"Ang galing Naman...tingnan mo Rovick Parang kakaiba sa paningin atsaka nakakatuwa titigan ...atsaka Parang Ang likot likot niya oh"
"Ganun ba?hayaan mo kapag Tayo Ang nagkababy ako Ang titingin at mag aalaga sa iyo"
Biglang napahinto sa pagngiti si Monique at napalitan Ang kaninang masayang mukha niya Ng kalungkutan napansin Ni Rovick na para bang Mali Ang sinabi niya Lalo na Alam na Alam niya sa sarili niya na ayaw Ni Monique na magkaanak sila Ang gusto Lang Kasi na Mangyari Ni Rovick ay maengganyo Ito at nararamdamanan din Kasi niya na gusto iyon Ni Monique pero pilit lang nitong pinipigilan Ang sarili
"Bakit ?may problema ba?"
pilit itong ngumiti"Wala Naman Hubby ano ka ba sige Lang ituloy mo Lang Yung pag uultrasound "
Mabilis na natapos iyon Kaya mas minabuti Ni Rovick na ayain na Lang Si Monique na lumabas tutal huling pasyente na niya Ng araw na iyon si Mrs.Gomez
Dinala niya si Monique sa restaurant para kumain pero Parang Hindi pa Rin nagbago Ang mood nito hanggang sa matapos silang kumain kaya bago umuwi ay inaya niya Ito na kumain Ng Ice cream at tumambay sa may parke
"Heto ube ice cream para sa iyo iyan Monique"ngumiti Lang Ito at kinuha Ang isang apa Ng ice cream
Nakaupo si Monique sa swing Kung saan pinapanood nito Ang mga batang naglalaro sa paligid
BINABASA MO ANG
Into Her Trap(Wounded Series No 3)
RomansaMonique Scarleth Villafuerte a drop dead gorgeous supermodel She has it all fame,money and wealth halos lahat kinaiingitan siya she gets what she wants in just a snap of her finger pero di Ang taong gustong gusto niya The man who gets her one and o...