Chapter 60

342 8 0
                                    

Rovick's pov

"Monique Ito na Yung mga baby natin"

Dala dala ko Yung dalawang lalaking sanggol  sa magkabilang braso ko

Kitang Kita Kay  Monique Ang saya habang inaabot ko iyon sa kanya

Mabuti na Lang at di ako nagkamali sa lahat Ng ginawa ko kanina para mailabas niya Ang mga baby namin at higit sa lahat pagkatapos niyang maipanganak Ang mga sa ggol ay  dumiretso at bumilis Ang pagdala Ng taxi driver sa Amin sa hospital kaya naiayos na si Monique at nakapagpahinga na Rin pagdating na pagdating dito

"Rovick bakit kamukha mo silang dalawa?"

Tumingin Ng masama sa akin si Monique na para bang di kumbinsido sa nakikita niya

Teka? kasalanan ko ba na kamukha ko Yung anak namin bakit pakiramdam ko may atraso ako sa babaeng Ito?

"E-ewan ko?Teka Di ko kasalanan Yun Monique at Isa pa anak ko Naman sila Kay's ganun sa akin sila nagmana"

"Talaga?bakit parang  pakiramdam ko kasalanan mo Yun Rovick"

Hindi pa Rin siya kuntento sa nakikita niya at tinititigan niya Yung dalawang baby namin atsaka nililihis Ang Mata niya sa akin ano ba kasing problema niya?

"Kamukha mo talaga sila Rovick...grabe bakit Parang anak mo Lang sila?"

"Monique ano ka ba?pagtatalunan pa ba natin ito?"

"Hindi Naman...naiinis Lang ako Kasi kamukha mo itong dalawang Ito"

ano ba kasing problema dun?

"Ayaw mo pa nun ?gwapo Naman ako bakit Parang ayaw mo na ako Yung kamukha nila?at Isa pa ikaw na Ang nagsabi sa akin noon na gwapo ako Kay's mo nga ako nagustuhan di ba?"

"Sabagay may point ka naman gwapo nga Yung anak mo ...pero Hindi pa Rin ako nakukuntento Rovick"

Halos mapakamot ako Ng ulo nang Sabihin niya Yun Ang babaeng Ito bakit siya ganyan umasta

"Hello mga baby boy ko ...Kita niyo ba si Mommy niyo ?Ang ganda ko di ba?Ang kaso nga Lang Hindi man Lang Kayo nagmana sa akin nagmana Kayo sa Daddy niyo"sabay irap niya sa akin

Lumabas ako para tawagin si Tamara pero bumungad na Lang siya sa harapan ko na hawak hawak Yung Isa pa naming baby Ni Monique

Babae Ang pangatlong anak namin na di ko inaasahan Ng mga oras na triplet Ang ipapanganak Ni Monique Ang buong akala ko Kasi ay kambal na lalaki Lang iyon pero nagkamali pala ako sa pag ultrasound sa kanya

"Ito na po siya Doc Ang ganda niya kamukhang kamukha Ni Mam Monique"

Binuhat ko Ang magandang sanggol na Yun Tama nga si Tamara kamukha nga Ni Monique Ang batang ito isusurprise ko siya sigurado ako na matutuwa na siya sa pagkakataon na Ito

"Rovick!!!"narinig ko Mula sa loob Ng kwarto na tinatawag na niya ako

Dali Dali akong pumasok kasama si Tamara nakita ko na para bang nagtataka si Monique habang bitbit ko Yung anak namin

"Oh? kaninong baby iyan?"

"Sa atin pangatlong baby natin "

"Teka?paanong nangyari Yun?"

"Sorry ngayon ko Lang nasabi sa iyo nagkamali Kasi ako atsaka di ko akalain na triplets pala at Hindi twins Yun"

"Ano!?"

Lumapit ako sa kanya at ipinakita Yun sa kanya

"Babae?"

"Oo...at gaya Ng gusto mo kamukha mo siya"

Into Her Trap(Wounded Series No 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon