Chapter 59

261 7 1
                                    

Rovick's POV

"Hinay hinay Lang sa paggalaw Monique ayaw ko na baka sa Kung saan ka na Lang manganak Lalo na at Wala ako sa tabi mo

Kung sakali na ayain ka Ni Stefhanie sa Kung saan huwag Kang sasama tandaan mo kabuwanan mo na"paalala ko Kay Monique hanggang ngayon Kasi ay matigas pa Rin Ang ulo niya balak niya yatang libutin Ang buong Manila pinipilit niya na gusto niyang pumunta sa Kung saan saang lugar na kala mo ay atat na atat Yung paa niya sa paglalakad

Pero para yatang Wala akong kinakausap Dahil halos tawa siya Ng tawa sa pinapanood niya sa t.v na Hindi ko maintindihan Kung saang parte Ang nakakatawa

"Ano Rovick?may sinasabi ka ba?"

Kinuha ko Ang remote at pinatay Yung T.V atsaka humarap sa kanya

"Ang Sabi ko Huwag Kang lalabas Ng bahay"

"Teka!bakit Naman ako di lalabas Ng bahay eh nakakainip dito sa loob at Isa pa di ko kayang magkulong dito Ng mag Isa"

"Edi magpasama ka muna Kay Stefhanie dito Basta huwag na huwag Kayong aalis dito naiintindihan mo?"

"Ayaw ko gusto Kong umalis"

Ibinaba ko Ang bag ko at dumiretso sa kwarto kinuha ko Yung pambahay na damit ko isinuot iyon atsaka lumabas Doon at tumabi sa kanya

"Oh anong ginagawa mo?bakit di ka pa umalis?"

"Hindi na Lang ako papasok masama talaga Ang kutob ko sa iyo Alam ko na balak mo na Naman na lumabas at mamasyal sa Kung saan"

Tinulak tulak niya ako

"Umalis ka na! kailangan ka dun kaya ko na dito"

"Ayaw ko dito na Lang ako sasamahan Kita"
Saad ko

Tumayo siya sa kinauupuan niya at iniwan ako nagalit yata siya Dahil Hindi niya magagawa Ang gusto niya ngayon Lalo na at nalaman ko kagabi Lang na may balak silang umalis Ni Stefhanie

"Balak niyo bang pumunta Ng Mall Ng pinsan mo?"

Hindi siya sumagot Mula sa kusina Alam na Alam ko na nagagalit siya sa akin pero Hindi ko siya pwedeng iwanan ngayon Lalo na at baka mapahamak siya kapag umalis pa siya dito sa bahay

"Monique"

Lumabas siya na may dala dalang pagkain at inilapag iyon sa lamesa sinipa pa nga niya ako palayo para Hindi ako makalapit sa kanya grabe Ang babaeng Ito simula nang magbuntis nagiging sadista na

"Aray!!!Ang sakit kaya nun bakit ka ba Ganyan sa akin"
Inirapan niya ako

"Naiinis Kasi ako sa pagmumukha mo Rovick kaya please Lang huwag Kang makulit Kung pumapasok ka na kaya nang Hindi ka masaktan pa dito"

"No way Monique di ako aalis ...kilala Kita once na umalis ako dito papapuntahin mo pinsan mo at aalis na Naman Kayo katulad kahapon ikaw iisahan mo pa ako"

"Bwisit"sambit niya grabe napakasama talaga Ng bibig niya

"Monique Iwas iwasan mo nga iyang masasamang salita Hindi mo ba Alam na maririnig ka Ng baby natin sa loob Ng tiyan mo?paano Kung matuto silang magsalita Ng ganyan Dahil sa ginagawa mo?"

"Edi okay atleast sa akin sila nagmana di ba?Hindi sa Iyo"

"Grabe Monique ikaw talaga Ang laki Ng pinagbago mo bakit mo ba ako ginaganito?"

"Rovick ikaw Ang may kasalanan Kung bakit ako nagkakaganito Kaya huwag reklamador Ang hirap kayang magbuntis"

Nanahimik na Lang ako Ng sinabi niya yun at kinuha na Lang Ang phone ko para  I contact si Tamara na Hindi ako makakapasok ngayon para si Dr.Lea na Lang Ang umasikaso sa iba ko pang pasyente grabe Kasi si Monique Hindi siya pwedeng mawala sa paningin ko

Into Her Trap(Wounded Series No 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon