✅ Clashing the irascible

66 1 0
                                    

Author: jujurex

Book cover:

I love your book cover! Very simple yet it catches my attention. The font matches the background picture you used. Pero parang masyadong maliit 'yung font size na ginamit mo.

Title:

Aside from the book cover, another one that catches my attention is the title. I wonder how things are going to be kapag nagsama or nagkita silang dalawa. Magkakasundo ba or hindi. For sure curious din ang ibang nagbabasa ng story mo.

Synopsis:

You gave little information about the protagonist and that's what I'm looking for. 'yung iba kasi, ang nilalagay sa synopsis is 'yung pinaka important part sa story nila.

Writing style:

Your writing style is good. Except sa texting part. I mean, we all know na 'yung iba, pinapahaba talaga 'yung words (e.g. "helloooo). But since story 'yung ginagawa mo, hindi bagay 'yung mga ganiyan. pinapahabang words, abbreviations, etc.

Tyaka use punctuation marks kahit sa texting part. Napansin ko kasi na hindi na maayos 'yung writing style nung sa texting part na.

Pero all in all, goods naman.

Narration:

Your narration's excellent. Lalo na kapag sa English. Pero minsan namamali sa grammar, baka siguro nagmamadali ka or hindi mo lang na-check. Edit is the key. Ang problema lang ay 'yung tagalog mo.

Know when to use "nang" at "ng". "rin" "din" "raw" "daw". That's the most common mistake of every Filo writers, e. Kaya onting research na lang siguro about diyan.

And another thing, sinabi ko rin ito sa iba. Kung hahabaan mo kada chapter, lagyan mo ng pasabog, or something na hindi makakapagpa-bored sa readers mo. Hindi lang dapat nasa dulo 'yung kilig or thrill, dapat feel nila 'yon sa buong chapter. Ang kalaban mo kasi is 'yung oras ng readers mo. Kung ma-bored 'yan sa pagbabasa ng story mo, titigil 'yan. Kaya 'wag mo masyadong habaan each chapter, and again, if gusto mo nga habaan, mag lagay ka ng something that will catch their attention.

Characterization:

Your characters seemed so real. I saw their not-so-toxic side and their flaws. And it's not a bad thing, really.

Katulad ni Laniela, introvert siya pero kapag kausap niya ang kuya niya, si best friend, si Chris, nag iiba 'yung ugali niya.

Si Chris na ang moody, daig pa ang babae.

Ang best friend niyang madaling mag tiwala at marupok kay t-rex.

Ang kuya niya na sweet pero siraulo rin minsan at napaka protective.

Ikaw na ang bahala kung pa'no mag de-develop 'yung mga character mo.

Overall comment:

Maganda, nakakatawa, interesting ang takbo ng storya. Baka tapusin ko ang story mo dahil nagustuhan ko talaga siya. Hindi boring, hindi rin jejemon. Kapag kasi jejemon ang way ng pag type ng isang author, nakakainis at mawawalan ka ng gana basahin. I'll forward sa mangyayari kay Chris na moody at Laniela na maigsi ang pasensya.

Rating:

9/10

Suggestion:

Research more sa Filo words.

Kahit pa sa texting part, lagyan ng punctuation marks.

'Wag pahabain ang words, hindi maganda tignan.

Lastly, stick to your plot and plans. Take down notes about everything. Para hindi magulo 'yung storya.

Let me know if I helped you. Please leave a vote. Thank you and stay safe! Good luck, luv. Keep writing.

scarlet's critique shopWhere stories live. Discover now