Neighbors-
"How's the mansion, Ija?" tanong ni Lola ng sagutin ko ang tawag nya. We used video call, kanina pa ako nakauwi dito sa condo, nagbabad muna ako sa loob ng banyo hanggang hindi ko na namalayan ang oras.
"Nothings new, Mamay! It's still the same, walang nagbago." sagot ko habang umiinom ng kape. It's already 2 o'clock in the midnight. I also told to Allen that I was home, he replied quickly, he said okay.
What a good brother?
"How about your Brother? Is he a good husband to his wife?" sunod-sunod na tanong nya kaya napakamot ako sa ulo.
Kahit siguro ay maka-lola ako. Hindi ko gustong kausap ito via video dahil sobrang daldal nito at maraming tinatanong. Ibang-iba pag magkasama kami sa L.A.
"Mamay! Why don't you call Allen to ask him that. Seriously, Mamay?! this is just the first day they get married." Nakangusong sabi ko kaya natawa naman sya. Well, she was soft when it comes to me. Im her favorite apo since isang anak lang si Daddy ni Mamay.
"Okay, fine! Im gonna call your brother next day, because I might disturb what they are doing as a couple right now." I heard her chuckles kaya pati ako natawa.
"Mamay!" sita ko sa kanya pero nakangiti pa rin.
"Okay! Fine! Have a goodnight, Krystal." paalam nya. Tumango lang ako pagkatapos ay pinutol nya na ang tawag.
After matapos yung tawag ay inubos ko na ang kape na iniinom ko. Malamig na din naman kaya mabilis ko itong nalunok.
Pinatay ko na din yung laptop at pagkatapos ay humiga. 2:30 na ng madaling araw pero hindi pa ako makatulog, siguro dahil hindi ako makapaniwalang kinasal na si Allen.
I know my brother very well, hindi sya basta-basta magpapatali ng walang dahilan. And beside, Venice is not his type. Hindi ko rin nabalitaan na may relasyon pala sila kaya sino ang hindi magtataka kung bigla na lang silang ikasal.
8 years kong hindi nakasama si Allen dahil doon ko pinagpatuloy ang pag-aaral sa L.A since nandun naman si Daddy. As far as I know, bago ako umalis may kinahuhumalingan si Allen sa University na pinapasukan namin noon.
Hindi ko kilala kung sino yun pero alam kong gustong-gusto iyon ni Allen. I hope na makita ko man lang sya kahit hindi naging sila ni Allen.
Pinikit ko ang mga mata ko dahil nararamdaman ko na yung antok pero bigla rin akong napadilat ng biglang may kumalabog sa pinto ng condo ko.
Tumayo ako para sana tignan sa video camera kong sino yun. Kung si Allen ang nasa labas, how did he know gayong hindi ko naman namention sa kanya ang lugar na binilhan ko ng condo.
Patuloy pa rin ang pagkalabog sa pinto habang sinusubukan hulaan ng code ng condo. Seriously?!
Naiinis kong binuksan ang pinto dahilan para bumagsak sa akin ang isang lalaki. Nakasuot sya ng tuxedo, amoy ko rin yung alak sa bibig nya dahil nagsasalita siya ng hindi ko naiintindihan.
"You— ang sakit ng g-ginawa mo sa akin!" he said habang hinahampas ako sa braso. Mabuti magaan ang kamay nya kaya hindi masyadong masakit ang hampas.
"Stop it." sabi ko pero parang hindi nya ako narinig kaya hinawakan ko sya sa balikat.
"This is not your room, Liam. What are you doing here?" takang tanong ko, mukha namang nahimasmasan sya at nanliliit na matang tumingin sa akin.
"Sino ka?" takang tanong nya kaya napakamot ako sa ulo.
"Oh! I know you! Ikaw yung babaeng niyakap kanina ni Allen sa reception diba?" dagdag nya pa. Hindi ako umimik, nananatili lang akong nakatayo sa harap nya.
"Sino ka ba sa kanya? Are you one of his exes who wants to win him back?! Sorry but not sorry, Panget! You are not his type kaya tigil na sa pag-aassume!" pilit nya akong hinahampas sa braso habang ako nakatingin lang sa kanya ng diretsyo.
I saw the pain in his eyes. I don't know what to say since this is our first meeting.
Nagpatuloy lang sya sa kakasalita kaya iniwan ko sya sa pinto. Dumiretso ako sa kusina, it's already 3 am. Imbis na natutulog na ako ngayon may isang tao naman ang nambubulabog.
"Where do you live? Ihahatid kita." alok ko sa kanya pero sinamaan nya lang ako ng tingin at tinungo ang salas ng condo. He looks so tried dahil bigla na lang siya humiga sa sofa at pilit na tinatanggal ang butones ng tuxedo na suot nya.
Hindi naman siguro masama kung dito siya magpapalipas ng gabi dahil kaibigan naman siya ni Allen.
"Here." Sabay abot sa kanya ng gamot at tubig. Akala ko tatanggapin niya pero tinaasan nya lang ako ng kilay.
"Ano bang ginagawa mo dito sa condo ko? Where did you get my passcode?" tanong niya pa hanggang sa matangal na niya ng tuluyan ang suot na pang-itaas.
"Fuck this tuxedo!" mura niya sabay tapon nito sa kung saan parti ng condo ko.
"Im being nice here 'cause you are bestfriend of Allen. Kung hindi kita kilala hindi kita patutuluyun dito kaya kung ako sayo, drink these two medicine and I'll let you to sleep in my precious sofa." maatoridad kong utos. Akala ko hindi nya kukunin ang gamot tulad ng kanina pero mali ako dahil mabilis siyang bumangon at kinuha ang gamot sa kamay ko. Bago niya iyon inumin ay tinarayan niya muna ako.
"Ikaw na nakipasok sa condo ng iba, ikaw pa malakas mang-utos!" malditang puna nya kaya napangiti ako.
"Tell me, what is the number of your unit?" seryosong tanong ko. Ininom nya muna ang gamot bago sumagot.
"367." maikling sagot nya. Napangiti akong tumingin sa kanya.
"Mali ka nga ng kwartong napasukan dahil 366 ang nabili kong condo." nakangiting turan ko. Agad naman siyang napatayo at mabilis na nilibot ang tingin sa buong condo.
Napapadiyak siya ng paa at sinamaan ako ng tingin.
"I don't care! hindi ko na kayang maglakad dahil nahihilo na ko! Kung gusto mo ikaw na lang ang pumunta sa condo ko since parehas naman tayong mahilig sa kulay pink." bigla niyang sabi at mabilisang humiga pabalik sa sofa.
Akmang sasagot ulit ako nang narinig ko ang malakas niyang hilik.
Iba talaga ang nagagawa ng alak!
"So we're neighbors ha?" nakangiting tanong ko sa sarili.
YOU ARE READING
Love Me (On - going)
RandomHe wants to ruin their marriage while I'm trying to force him to love me.