Friends?-
Gusto ko nang takpan ang tenga ko dahil mukhang walang balak tumigil si Liam kakasalita. Nakarating na lang kami ng condo pero siya.. heto! dito daw siya matutulog dahil gusto niya daw ang amoy ng Condo ko.
"Hindi talaga ako makapaniwala na kapatid ka ni Allen!" ulit pa niya. Paulit-ulit ko na iyan narinig mula kanina sa kotse hanggang ngayon.
"Ilang beses mo pa ba gustong ulitin yan?" naiinis na tanong ko. Halos mabibingi na kase ako dahil walang humpay na tinatanong at sinasabi yan.
"Taray mo naman akala mo maganda ka." mataray niyang sabi. Napairap na lang ako at dumiretso sa kwarto ko. Doon ako maliligo dahil gagamitin ni Liam ang banyo sa salas dahil dito daw talaga siya mag oovernight.
Hinubad ko ang suot ko ng tuluyan akong makapasok sa banyo. Binuksan ko din ang tubig para mapuno ang bathtub. Nilagyan ko din ng liquid soap at bulaklak ito para mawala yung lagkit ng katawan ko. Tinanggal ko ang benda sa kamay ko at nilinis.
Balak ko kaseng ibabad ang kamay ko dahil isang araw ko itong hindi nalinisan ng sabon.
Pagkatapos ko sa paglinis ng kamay ay pumasok ako sa bathtub at doon nagpahinga. Binuksan ko din ang kandila sa gilid at pinikit ang mga mata.
Ang dami naming pinagusapan ni Allen kanina. I decided to open up the story about my mother, I don't want to cry that time dahil alam kong hindi magiging masaya si Mommy pag nakita niya akong umiiyak.
Kahit si Allen, alam kong hindi niya matanggap ang nangyari sa pagkawala ni Mommy but we have no choice but to accept it.
Naabutan naming walang buhay si Mommy sa kwarto niya. Wala kaming nakitang sugat sa katawan niya para maging sanhi kung bakit siya nawala. Nalaman na lang namin na si Mommy ay may isang pasyente na namatay, marahil hindi daw matanggap ni Mommy na nawala ang pasyente niya dahil nangako daw siyang gagamutin ito, she will do her best para mabuhay yun.
For me, being a doctor is not easy. A lot of people saying that we are useless and nothing but they didn't know how much we tried to do our best just to save them but in the end kasalanan namin.
We are just a Doctor, we don't have a powers to heal them for their pain. We only have a medicine and utensils. No powers.
Doctor lang kami. Marahil hawak namin ang buhay nila kapag nasa hospital sila pero kung hanggang doon na lang ang kaya ng katawan nila at oras na nila. Wala na kaming magagawa.
Nabalik ako sa realidad ng marinig kong may kumatok sa banyo. Mabuti at nalock ko ang pinto kaya hindi siya basta-basta makakapasok.
Dahan-dahan akong tumayo at nagsuot ng bathrobe. Tinali ko ang basa kong buhok at syaka napagpasyahan na buksan ang pinto.
Bumungad sa akin si Liam habang suot ang pajama niyang barbie at partner nitong mukha din ng barbie. May suot pa siyang hairband habang naglalagay ng lipbalm.
"What?" bungad na tanong ko. Umiling lang siya at lumabas ng kwarto.
Napailing na lang ako at bumalik sa banyo. Nag shower ako dahil madulas ang katawan ko dahil sa sabon.
YOU ARE READING
Love Me (On - going)
RandomHe wants to ruin their marriage while I'm trying to force him to love me.