He's crazy-
Pasado alas singko na kami nakarating sa mall. Mabuti ay hindi masyadong traffic dahil tiyak na aabutan kami ng sarado. Medyo umaambon din kaya napagpasyahan namin agad na pumasok sa mall, sana hindi lumakas para hindi ako mabasa. Nakabackless pa naman ako.
"What kind of gifts ba ang gusto ni Allen?" tanong ko sa kanya. Napansin ko kaseng tahimik siya sa biyahe kanina at mukhang wala pa rin balak mag-salita kaya ako na ang mauuna.
"He likes spongebob bedsheet." sagot naman niya. Kumunot ang noo ko. Kailan pa nahilig si Allen sa Spongebob?
"Are you serious?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Never kong nakita si Allen na nanood ng spongebob and last time I check, binigay nya sa homeless kids ang mga niregalo sa kanya ni Lolo na spongebob so why the hell he likes spongebob bedsheet?!
"Of course! He likes spongebob, ayan din regalo ko sa kanya." nakangiting sabi nya.
"Naregaluhan mo na pala, bakit ayan pa papabili mo?" mataray na sabi ko sabay ayos ng shoulder back ko.
"I mean spongebob din ang binigay ko sa kanya pero sapatos naman yun kaya I want you to buy those spongebob bedsheet. He really likes it!" He giggles. Okay?
Should I buy those bedsheet?
Baka masayang lang yun dahil mukhang mahal ang bedsheet na tinutukoy ni Liam.
"Hindi ka ba talaga naniniwala?! Okay fine! Pabango na lang!" inis na sabi nya at akmang aalis kaya mabilis ko siyang hinatak.
He hates perfume!
"Okay fine!" I give up. Kinuha ko ang credit card na nasa wallet ko at inabot sa kanya.
"Anong gagawin ko dyan?" mataray na tanong nya.
"Kung gusto mong kainin, kainin mo." pilosopong sagot ko dahilan para mabatukan niya ako.
Kanina pa 'tong baklang 'to!
Feeling close?!
"Boba! I mean ano yan?"
"Credit card."
"Alam ko kung ano yan—"
"Bakit ka nagtatanong alam mo naman pala."
I chuckles when I saw him na pinadyak ang paa. Mukhang naiinis na siya sa akin kaya kinuha ko ang kamay niya at nilapag dun ang credit card.
"Ikaw na bahalang bumili ng ireregalo kay Allen, may bibilhin pa ako. Just stay here after mong mabayaran, hindi naman ako magtatagal." nakangiting paalam ko at ngumiti.
Pupunta ako sa pharmacy dahil kulang ako sa first aid kid. Madaming kulang dahil ang nadala ko lang ay Bandages at Cotton.
I need to buy Pain killer and sleeping pills. Bumabalik na naman kase ako sa hindi makatulog kaya kailangan ko talaga bumali non.
Nang makita ko ang pharmacy ay agad akong pumasok. Binili ko ng mga dapat bilhin, hindi pa sana ako bibigyan ng pain killer at sleeping pills dahil hindi daw pwede pag walang reseta. Do I need that gayong doctor naman ako?
YOU ARE READING
Love Me (On - going)
CasualeHe wants to ruin their marriage while I'm trying to force him to love me.