8th

309 16 2
                                    


Away ulit.

-

Tala's Point of view.

Kinaumagahan ay naabutan ko si Liam na nagluluto sa kusina. Hindi niya siguro ako napansin dahil ptuloy lang siya sa pagsasayaw habang nag hahalukay sa niluluto niya.

Tahimik na umupo ako sa sofa at kinuha ang fist aid kit sa ilalim ng glass table, gusto kong linisan ang kamay ko dahil pakiramdam ko ay namamaga ito dahil hindi ko nilagyan ng antibiotic.

Tahimik kong tinanggal ang benda sa kamay ko at dahan-dahan na nililinisan. Kinuha ko ang binili kong antibiotic, at inilagay sa sugat. Easy lang naman sa akin ang sakit pero parang lalagnatin ako dahil hindi talaga mahinto sa pag kirot.

"Good morning." agad akong huminto sa paglilinis at mabilis na hinarap si Liam.

"Good morning too." balik ko sa kanya. Ngumiti lang siya at nilapag ang mga niluto niya.

Tinapos ko muna ang paglilinis ng kamay at pagkuwan ay nilagyan ko ng benda.

"Hindi pa pala magaling yan?" Anang tanong niya.

"Mukhang magaling na dahil binalot ko ulit ng benta." I chuckles.

"Kumain ka na nga lang bruha ka!" galit na sermon niya at akmang lalagyan ako ng pagkain sa plato kaya mabilis kong hinarang ang kamay ko.

"Kaya ko." maikling sagot ko.

Tinitigan ko lang siya habang kumakain. Hindi ko maiwasan isipin kung anong meron sa taong ito..

Mukhang wala siyang problema sa buhay bukod sa pagmamahal na meron siya sa kapatid ko.

"Can I ask you something?" hindi ko mapigilang tanong.

"Natry mo na bang mag-move-on?" dagdag ko pa kaya natigilan siya at tumingin sa akin.

"Pag ginawa ko ba yun magiging okay ako?" seryosong tanong niya. Nilapag ko ang kutsara na gamit ko at pinakatitigan siya.

"Why don't you try ng ikaw mismo makaalam?"

"I already did. Believe me, sinubukan ko na lahat para makalimutan kuya mo pero hindi talaga." sagot niya pagkatapos ay tinuloy ng kumain.

Napabugtong-hininga na lang ako pagkuwan ay tumayo at inalagay sa sink yung ginamit kong plato.

"Anyways, why are you still here? Sobrang tamad na ba ng paa mo at hindi mo gumawang humakbang papunta sa condo unit mo?" pagkuwa'y tanong ko sa kanya ng isunod niya ang platong gamit niya.

"I want to stay here. Gusto ko amoy ng condo mo!" he said kaya napairap na lang ako at bumalik sa pagkakaupo sa sofa.

"Ang attitude mong babae ka!" sigaw niya ng makalapit sa akin.

"Wala ako sa mood." anang sabi ko pagkatapos ay binuksan ang tv.

Saktong pagbukas ko ay bedscene ng twilight kaya akmang ililipat ko pero naagaw na ni Liam yung hawak kong remote.

"Don't. Let's watch it together!" he giggles pagkuwan ay mabilis siyang umupo sa tabi ko.

Maya-maya pa ay pinaghahampas niya ako ng unan at puro tili niya ang naririnig ko.

Love Me (On - going)Where stories live. Discover now