Story to ng anak ni Pipay at Dark na si Piday no need to read PPNBK.
You may encounter typo graphic error and wrong grammar so please bare with me since I'm still learning how to write.
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Piday POV
"Piday pwedeng tumahimik kana? Alam mo naririndi na ako sa kakasabi mo ng pangalan na Fynn na yan ah." reklamo ng kaibigan ko na si Giliane Mae Andino.
"Alam mo napakareklamador mo talaga, supportahan mo na lang ako tutal kaibigan mo naman ako." inirapan naman niya ako kaya nakatikim siya sa akin ng batok.
"Supportado naman kita Piday pero sana naman limitahan mo yanh pagkakasabi mo ng Fynn na yan huhu mamamatay na ata ako dahil paulit-ulit mo siyang binabanggit."
"Sabi sayong wag mo akong iirapan dahil tutusukin ko yang mga mata mo!" itinuro ko pa ang dalawang daliri ko sa mga mata niya. Napangiwi naman siya sa sinabi ko at talagang inilayo pa niya ang mukha nito sa kamay ko.
"Paano nga ba ulit kita naging kaibigan?" naiinis na ani ni Giliane sa akin.
Maarte akong tumingin sa kanya. "Well dahil maganda ako simula ng mga bata tayo at nakita mo akong bumagsak dahil nawalan ako ng malay doon mo ako naging kaibigan. Hindi mo pa ako kilala nun pero mahal na mahal mo na ako." mas lalong umasim ang mukha niya ng sabihin ko iyon.
Isa siya sa mga nagligtas sa akin ng bata pa ako dahil nahimatay ako ng kumirot ang dibdib ko ng mga oras na yun. Kung hindi agad siya nakatawag ng tulong malamang ay wala na ako dito ngayon.
"What's upp!" sigaw ni Chance Adala na umakbay pa sa akin. "Anong pinag-uusapan niyo?" tanong ni Chance sa amin at ang loko kumuha pa talaga ng fries na nasa lamesa.
"Ayang si Piday nagkwekwento na naman kung papaano niya nakilala ang Fynn ng buhay niya." natawa naman si Chance sa sinabi ni Giliane.
Ginulo ni Chance ang buhok ko na ikina-inis ko. "Paulit-ulit mo na lang siyang inikwento sa amin ahh. Wala ka talagang kasawaan sa pinakamamahal mo." inalis ko naman ang pagkakaakbay niya sa akin dahil sa inis ko.
Nasa cafetria kami ngayon dahil two hours ang vacant class namin. Hindi ko din kaklase ang dalawa ko pang kakambal and yes triplets kami at masaya kami dahil tatlo kaming ipinanganak sa mundong ito. Dahil hindi lang kami nagdadamayan kundi nagmamahalan pa kami pero mas malala ang lokohan namin lahat.
Aba sharp shooter ata ang daddy ko dahil nakatatlo agad sila ng mommy ko. "Maghahanap na ba ako ng ibang kaibigan dahil nag rereklamo na kayo sa kwento ko?" napailing naman sa akin sila sa akin.
"Wala ka ng mahahanap na kagaya namin ni Chance, Piday." sabi naman ni Giliane habang kumakain ng letche flan sabi niya diet siya noong nakaraan pero ito na anamn siya kumakain.
Letche flan na nga ang kinakain, Letche din ang pagmumukha ng babaeng to. Pasalamat siya at kaibigan ko ito dahil baka nasupalpalan ko na siya ng wala sa oras.
"Maiba tayo kailan pala yung surgery mo?" ipinatong ni Chance ang siko niya sa table habang kumakain ito ng fries na bili namin ni Giliane.
"Next week na pero iniisip ko na mag back out." simpleng ani ko. Ang totoo niyan alam nilang lahat kung bakit ayaw kung magpaheart transplant pero iyon na lang ang paraan para mabuhay ako ngayon dahil hindi na daw kakayanin sa oras na umatake ang sakit ko.
BINABASA MO ANG
My Yummy Fynn (Piday Bonbon Dela Torre)
Teen FictionSi Piday Bonbon ay lumaki sa mayamang pamilya sa kabila ng maraming nangyari sa kanya dahil may sakit ito sa puso ay nagawa pa rin niyang mabuhay ng matagal. Pagkatapos ng kanyang operasyon ay nakilala nito si Daniel Zuente at sa hindi malamang dahi...