Piday POV
"Anong ginagawa mo dyan?" takang tanong ko kay Fynn pero napatayo lang ito bigla mula sa pagkakaupo niya. Napansin ko din na may itinago ito sa likod niya kaya naman takang tumingin ako sa kanya.
"K-kanina kapa ba dito?" kinakabahan nitong tanong sa akin tumaas naman ang isang kilay ko dahil may itinatago ito sa akin. Kung babae man ang tinatago ng lokong to sa akin hahampasin ko talaga siya ng dospordos!
"Hindi! Pero ano yang tinatago mo sa likod mo ha?!" asik ko sa kanya habang tumitingin sa likod niya pero mabilis niyang hinawakan ang balikat ko at itinalikod niya ako sa harapan nito.
"Ahh gusto mo bang mag meryenda? Tara nagugutom na din ako." hinila pa niya ako papasok ng bahay namin dito sa Baryo Kapangitan pero hindi ako nagpatiaanod sa kanya.
"Ano baa! Ipakita mo muna sa akin yang tinatago mo!" marahan kung tinanggal ang pagkakahawak niya sa balikat ko at masama akong tumingin sa kanya. "Kung babae yang tinatago mo sinasabi ko sayo Fynn hindi ka matutuwa sa gagawin ko." mas tumalim pa ang pagkakatingin ko sa kanya pero malambing niya lang akong niyakap.
"Wag ka ngang oa hindi naman babae tinatago ko eh saka isa pa para namang magagawa kung mangaliwa sayo." may ipinakita siya sa aking isang papel pero hindi ko makita kung anong nakasulat dahil nakatalikod ito mula sa akin.
"Sulat ko para sayo pero hindi mo muna pwedeng basahin kasi gusto ko pag wala ako saka mo lang basahin. Pero hindi ngayon ok?" hinawakan niya ang kamay ko at hinila ulit ako palabas ng bahay.
May topak ba tong lalaking to? Pumasok kami sa bahay tapos lumabas ulit kami, pinapagod ata ako ng lokong to eh. "Ano bang problema mo Fynn? Hindi porket yummy ka eh hihila-hilain mo na ako sa kung saan saan buti sana kung sa kwarto mo ako hinila edi sana ako pa mismo ang nagbuhat sayo." nakangisi ko pang sabi sa kanya.
Napasimangot naman sa akin si Fynn dahil sa sinabi ko. "Ayan ka na naman sa kamanyakan mo ahh kababae mong tao mas manyak ka pa sa akin." itinulak pa niya ang noo ko gamit ang hintuturo nito.
Ako naman ang napasimangot dahil sa ginawa niya kailan ba oobra yung mga sinasabi ko sa lalaking to? "Tsk! Pasalamat ka nga kasi ganito ako dahil kung hindi, hindi kita magugustuhan." dumukwang naman ang ulo nito sa palapit sa akin.
Napakurap ako dahil naduduling ako sa lapit ng mukha naming dalawa. "Kahit na hindi ganyan ang ugali mo mamahalin mo pa rin ako," pinisil niya ang pisnge ko. "Pero mas gusto ko yang ganyang mong katauhan pero hindi ibig sabihin nun lagi mo ng bukang bibig yang nga kamanyakan mo sa akin. Wag mo namang ipahalata masyado na patay na patay ka sa akin mamaya mag collapse kana lang dyan bigla ng hindi mo namamalayan." kumindat pa siya sa akin.
Sackastiko naman akong tumawa dahil sa sinabi niya. "Whahahaha! Nakakatawa yun ha?" asik ko sa kanya pero nakangisi ang loko.
"Oo, tumawa ka nga diba?" balik niyang sabi sa akin nagpupuyos naman ako sa inis. Kung pwede lang sana siyang sakalin ginawa ko na pero naalala ko na mahal ko pala ang lalaking nasa harapan ko. Isa pa hindi lang isang ordinaryong lalaki dahil napaka yummy at fafabell ng Fynn ko.
"Ohh ayan ka na naman!" tinakpan niya ang mata ko gamit ang kamay niya. "Pinagnanasahan mo na naman ako, kakasabi ko lang naman sayo na wag kang laging manyak pero sige ka pa rin ng sige." hinayaan ko lang siyang takpan ang mata ko pero ngumuso ako.
"Sige titigil na ako pag hinalikan mo ako." mas ngumuso pa ako pero imbis na malambot na labi ang lumapat sa akin ay nakaramdam ako ng sakit dahil kinurot niya ang labi ko.
"Akala mo magpapauto ako sayo? Neknek mo kilala na kita oyy!" ani niya sa akin.
Nahampas ko tuloy ang balikat niya dahil sa ginawa nito akala ko naman makakalusot pero hindi naman pala, wais din ang kumag na to ah. "Wag mo akong kakausapin ahh!" galit kung sigaw. "Bahalaka sa buhay mo mag wawalk-out ako!" dagdag ko pa pero nag cross arm lang ito.
BINABASA MO ANG
My Yummy Fynn (Piday Bonbon Dela Torre)
Teen FictionSi Piday Bonbon ay lumaki sa mayamang pamilya sa kabila ng maraming nangyari sa kanya dahil may sakit ito sa puso ay nagawa pa rin niyang mabuhay ng matagal. Pagkatapos ng kanyang operasyon ay nakilala nito si Daniel Zuente at sa hindi malamang dahi...