Piday POV
"Handa na ba kayo?!" sigaw ni mommy sa amin habang nasa palaro kami dito sa baryo kapangitan. Ito ang unang beses ko na naglaro sa putikan habang naghuhuli ng baboy ito din ang libangan namin ng pamilya ko at ngayong pwede na akong maglaro ay ang goal ko ngayon ay manalo.
"HANDAA NAA!" sigaw naming magkakapatid ang mechanics ng laro ay kung sino ang makakahuli ng baboy ay siya ang panalo at ang talo naman ay may karampatang parusa.
"Lord sana naman manalo na ako." dasal ni Dyosa lagi kasi siyang talo kaya lagi din siyang napaparusahan. "Nanonood pa naman si Sean ngayon kaya kailangan kung manalo." pagdadasal niya.
"Sorry pero ako ang mananalo." confident na sabi ni Light sa amin napataas naman ang kilay ko.
"Wag kang mangarap dahil nandito pa ako." ani ko naman sa kanya na inayos ko pa ang pagkakatali ng buhok ko.
"Madadaya kayong lahat kaya ako ang mananalo dito." singit naman ni Kitkat na nakangisi pa.
"Asa ka!" sabay sabay namin sabi sa kanya. Pumito naman na ang may ari ng palaro kaya nagsihanda na kaming lahat.
"Pagbilang ko ng tatlo huliin niyo na ang baboy ang mga magulang niyo ang bahala sa parusa habang ang mananalo naman ay sa akin kukunin ang premyo."
Naghiyawan naman na din ang mga taong nanonood kaya mas ginanahan ako napalibot din ang tingin ko at nakita ko si Fynn kaya kumaway ako sa kanya.
"I LOVE YOU MY YUMMY FYNN! CHEER MO AKOO AHH!" sigaw ko sa kanya with flying kiss pa yan ah. Kumaway din naman siya sa akin.
"I LOVE YOU TOO GALINGAN MO NANONOOD AKO!" sigaw din niya simpre kinikilig na naman ako dahil sobrang sweet niya.
"Arayy! Light kinagat ata ako ng langgam ang kati!" umarte pa si Dyosa nakinagat ng langgam.
"Wag kang oa Dyosa nasa putikan tayo walang mabubuhay na langgam." pambabara ni Kitkat kaya nabatukan ito ng wala sa oras.
Magrereklamo na sana si Dyosa ng magbilang na ang punong hurado.
"Isa!"
"Dalawa!"
"Tatlo! Huliin niyo na ang baboyy!"
Sa narinig namin ay nagtulakan pa kami simpre tinulak ko si Dyosa at natumba ito sa putikan. Sinunod ko din si Light na itulak.
"PIDAYY!" galit nilang sigaw sa akin pero dumila lang ako sa kanila buti nga sa kanila ito ang unang paglalaro ko dito kaya dapat manalo ako.
"Buti nga yan sa inyo ako ang makakahuli ng baboyyyy—" namalayan ko na lang ang sarili ko na nasa putikan at nauna pa talaga ang mukha ko. Dali-dali akong napatayo at pinalis ko ang putik sa mukha ko.
"KITKATTT!" galit kong sigaw at hinabol ko siya pero mabilis siyang tumakbo kahit na hirap na hirap ako sa paghakbang ng mabilis ay ginawa ko ang lahat para mahabol ito.
"Walang hiya kang bata ka! Ate mo ako tapos sinubsob mo ako sa putikann!" sigaw ko ngayon hindi na baboy ang hinuhuli ko kundi tao na.
"Tinulak lang kita hindi sinubsob wag kang oa!" sigaw niya. Kumuha naman ako ng putik ay binato ko yun sa gawi niya sapol naman ang likod nito kaya dahan-dahan siyang napatingin sa akin.
"Ahh gusto mo ng ganito ahh!" kumuha din siya ng putik at binato niya yun sa akin pero mabilis akong yumuko kaya hindi ako natamaan.
"Blehh! Hindi mo ako natamaan dulingg!" pang-aasar ko kay Kit na ikinainit ng ulo niya.
"Kitt!!" galit na sigaw ni Light pagtingin ko ay natamaan pala ang ulo nito natawa naman ako sa itsura niya pero napatingin ako kay dyosa na bitbit ang biik.
BINABASA MO ANG
My Yummy Fynn (Piday Bonbon Dela Torre)
Roman pour AdolescentsSi Piday Bonbon ay lumaki sa mayamang pamilya sa kabila ng maraming nangyari sa kanya dahil may sakit ito sa puso ay nagawa pa rin niyang mabuhay ng matagal. Pagkatapos ng kanyang operasyon ay nakilala nito si Daniel Zuente at sa hindi malamang dahi...