woenasuccs leyeppeunxi xanniematie ElyzasiAko kathlina17 smilealotbaby winniethepoo08 Bhaninay iyanharuno eloisekarel ShaneTraballo Daralicious04 love16bmbi queeeeenfia therichel Gandaasalways kwistelri daisusuke baynus
Piday POV
Dahil sa nangyari sa akin kahapon ay mas naging oa ang pamilya ko. Nakailang ulit ko na ding sabihin na ok lang ako pero hindi sila nakikinig sa akin.
Sa totoo lang ano bang problema nila? Halos sigawan din ako ni Light ng malaman niya ang nangyari sa akin. Tumakbo daw kasi ako ng mabilis kaya siguro nangyari yun pero kahit na hindi naman sumikip ang dibdib ko ng oras na yun.
Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko na walang dahilan. Tinawag din nila ang personal doctor ko at sinabi niya na normal lang daw iyon. Pero hindi yun sapat para kumalma ang pamilya ko.
At ito na nga lahat sila hinatid ako sa Univesity. Maging si Kitkat na lagi kong kaaway ay nandito ngayon sa tabi ko habang naglalakad patungo sa classroom namin.
Naging instant sikat na naman ako dahil buong pamilya ko ang naghahatid sa akin.
"Mom, Dad kailangan ba talagang ihatid niyo ako hanggang sa classroom ko? Malalate lang kayo sa mga meeting at klase niyo eh!" reklamo ko sa kanilang lahat pero parang wala silang naririnig dahil nagpatuloy lang sila sa paglalakad.
"Ikaw Kitkat umalis kana sabi mo dadaan kapa sa library ehh! Diba may kukunin kang mahalagang libro?" sabi ko kay Kitkat na diretsyo lang ang tingin.
"Mas mahalaga ang kapatid ko kaysa sa libro." tipid niyang sagot sa akin.
"Aww na touch naman ako pero wag kayong oa ah ok naman talaga ako eh." nagpapadyak pa ako habang naglalakad.
"Wag kang maarte dyan Piday kung ayaw mong ihampas ko sayo tong heels ko!" tinaasan pa ako ng kilay ni Dyosa.
"Alagaan mo kasi yung sarili mo para hindi ka namin hinahatid hanggang sa classroom mo." sabat naman ni Light na may nakapamulsa pa.
"Inaalagaan ko nga eh oa lang talaga kayo." bulong ko. Nakatikim naman ako ng pingot kay mommy.
"Arayy mommy!!" angal ko sa kanya dahil ang hahaba ng kuko niya.
"Sino ba kasing ang sabi sayo na tumakbo ka kahapon ha?! Ikaw ang kukurutim kita sa singit dahil sa mga pinag gagawa mo!" nahimas ko naman ang tenga ko ng tanggalin na niya ang pagkakapingot sa akin.
"Ehh kasi naman ehh—sabi ko nga hindi na ako aangal." sabi ko dahil pinanlakihan ako ng mata ni Mommy.
Nakabusangot lang ako hanggang sa makadating na kami sa classroom ko. Inabot sa akin ni mommy ang lunchbox na ginawa niya para sa akin. "Siguraduhin mong kakainin mo lahat yan dahil kung hindi sisisirain ko lahat ng drawings mo!"
![](https://img.wattpad.com/cover/234485936-288-k103279.jpg)
BINABASA MO ANG
My Yummy Fynn (Piday Bonbon Dela Torre)
Fiksi RemajaSi Piday Bonbon ay lumaki sa mayamang pamilya sa kabila ng maraming nangyari sa kanya dahil may sakit ito sa puso ay nagawa pa rin niyang mabuhay ng matagal. Pagkatapos ng kanyang operasyon ay nakilala nito si Daniel Zuente at sa hindi malamang dahi...