CassiannaCox ElaineJoyConde14 kenchen27 TINBONTO Jadiee_29 ruthcaayao Saphoera_Zin jennygumaru brxxght_moon sexygorgy doctorkwakkwak khythekhym user64582292 simpllyy_meeee
Piday POV
"Sinabi ko na sa inyo ehh! Bigla na lang tumibok yung puso ko ng mabilis dahil sa Daniel na yun!" nakangalumbaba naman silang tumango sa sinabi ko pero nanatili silang walang kibo sa akin.
"Wala man lang ba kayong sasabihin dyan?!" irita kong tanong kila Chance at Giliane na bored na bored sa mga pinagsasabi ko.
"Alam mo normal lang naman na tumibok ng mabilis yung puso mo lalo na kung inlove ka sa kanya." tumawa naman ako ng malakas sa sinabi niya.
"Whahahaha! Teka lang ahh." tinuro ko yung sarili ko. "Ako inlove? Saan doon sa lalaking yun?! No neverr! Kay Fynn lang ako siguro dala lang to ng bago kung puso." pagkukumbinsi ko sa kanila pero mas mukhang kinukumbinsi ko ang sarili ko.
Ito na nga ba ang kinakatakot ko na dumating dahil sa pagpapaheart transplant ko.
"Be realistic Piday, hindi lahat ng expectations natin yun na ang kapalaran natin. So what's the matter kung mainlove ka sa isang taong hindi mo pa nakikilala? That's love and you can't do anything about that. If your inlove that's it!" patabog akong tumayo sa kinauupuan ko.
Bakit ba hindi nila ako maintindihan? Gusto kung pakasalan yung unang nagpatibok ng puso ko pero paano ko yun magagawa kung iba naman yung tinitibok ng puso ko! Hindi naman yun yung unang beses na biglang bumilis ang tibok ng puso ko eh. Sa gym nang nagpapractice sila bigla na lang nag react yung puso ko.
"I don't want to be realistic, Giliane. I want to marry the man I dream, not a totally stranger who suddenly pop up—"
"And what do you think about Fynn? He's also a stranger Piday." natahimik ako sa sinabi ni Chance. May point naman ito kaya hindi ako nakapagsalita.
"Aalis na muna ako." paalam ko sa kanila, dali-dali akong umalis sa room namin.
Gusto ko munang makapag-isip ng maayos. Sa totoo lang nagagalit ako hindi dahil sa sinabi nilang dalawa nagagalit ako sa sarili ko dahil sa mga pagbabago sa akin.
Pumunta ako sa soccer field at doon ako umupo. Dito ako lagi pumupunta lalo na kung gusto kong mapag-isa. Mag sisimula na din ang klase kaya walang katao-tao dito ngayon sa field.
Huminga ako sa damuhan at nakatingin ako ngayon sa ulap. Napaka payapa ng isip ko ng biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Daniel kahapon.
Napabangon ako at ginulo ko ang buhok ko dahil sa frustrasyon. "Bakit ba hindi siya mawala sa isip ko!" sinuntok ko pa ang ulo ko ng ilang beses.
Simula kahapon hindi na maalis sa isip ko ang mukha ni Daniel lalo na ng magkalapit kami kahapon.
Sinampal ko pa ang sarili ko pero napaaray na lang ako sa sakit. "Nababaliw na talaga ako! Ang shunga shunga mo talaga Piday alam mo ng ngang masakit sinampal mo pa sarili mo!" kausap ko sa sarili ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at humiga ulit sa damuhan pero may bagay na nakapatong sa ulo ko.
BINABASA MO ANG
My Yummy Fynn (Piday Bonbon Dela Torre)
Teen FictionSi Piday Bonbon ay lumaki sa mayamang pamilya sa kabila ng maraming nangyari sa kanya dahil may sakit ito sa puso ay nagawa pa rin niyang mabuhay ng matagal. Pagkatapos ng kanyang operasyon ay nakilala nito si Daniel Zuente at sa hindi malamang dahi...