mariaaaamariaaaa66 meisengr agirlnamedj LadyLolitaa illecebrous_ Itsmetrishafaith sorryeal makeupmee luvnadaa messycarpxt randontomatoess ShielaArevalo3 BlackandShira
Piday POV
Papasok pa lang ako ng classroom namin ng biglang lumabas si Daniel kaya napaatras ako ng konti. Natigilan din naman ito ng makita niya ako. Halatang naiilang din siya sa akin dahil hindi ito makatingin ng maayos sa akin.
Hindi pa rin ito gumagalaw sa pagkakatayo niya sa pintuan kaya nagbigay ako ng daan. "Dumaan kana para makapasok na ako." Sinadya ko pang tarayan ang pagkakasabi ko nun habang naka krus ang kamay ko.
"Mag-usap tayo." sabi niya bago ako hinalin papaalis sa labas ng room namin.
"Teka ano ba?! Hindi mo ako kailangang hawakin ok? Kaya kung maglakad!" naiinis kung sabi sa kanya hobby ba ng lalaking to ang manghila na lang bigla bigla? Nakakainis kasi eh kahapon pa to konti na lang iisipin kungvnaka drugs siya.
"Ayokong bitawan ang kamay mo baka umalis ka na naman agad." mas humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Pinagtitinginan din kami ng mga estudyante na nadadaanan namin as usual mga chismosang frog ang peg nila.
"Tskk! Kaiwan iwan ka naman talaga dahil sa mga pinagsasabi mong kalokohan." tuluyan kaming naglakad papaliko sa pasilyo kung saan walang masyadong tao. Binuksan niya ang isang pintuan at pinasok niya ako doon.
Napalibot ang tingin ko sa buong silid, napag-alaman ko na nasa music room kami ngayon.
"Dito tayo." hinila niya ako paupo sa upuan ng piano. Nakaharap din siya sa akin kaya naman tinaasan ko siya ng kilay dahil ito na naman yung puso ko kumakabog sa paraan ng pagtitig niya.
"Sige ano bang gusto mong pag-usapan?" pag-susungit ko sa kanya hindi ko din iniwas ang tingin niya sa akin aba ako kaya to si Piday na pinakamaganda sa buong kamaynilaan.
"Tungkol sa atin." diretsyo niyang sabi na ikinatawa ko ng malakas. Hanggang ngayon ba naman nagbibiro pa rin ito akala ko tapos na siya kahapon eh. Una sinabihan niya ako na gusto ko siya well infact hindi naman yun totoo.
"Wait anong tungkol sa atin?" tinuro ko pa ang sarili ko at siya. "Tungkol sa atin talaga? Wala namang tayo, kung yan lang naman ang pag-uusapan natin sorry I'm not interested. May nag mamay-ari na ng puso ko at loyal ako." akmang tatayo ako pero hinila niya lang kamay ko para 'di ako makatayo.
"Kaya nga gusto kong makipag-usap sayo... be my girlfriend. Aminin na natin sa panahon na to hindi na uso ang loyal sa mundo. Hindi nga din natin alam na yung kaibigan mo pa mismo ang magiging karibal mo o aagaw sa taong mahal mo so be my girlfriend." seryosong sabi niya sa akin.
"Sorry ah kung sasabihin ko to pero anong connect nang sinabi mo sa hindi natin alam na pwedeng kaibigan pa natin ang umagaw sa mahal natin sa sinabi mong be my girlfriend?" tanong ko sa kanya.
"You will know but not now, so be my girlfriend." determinado nitong sabi sa akin. Saglit akong natahimik pero nanatili lang akong nakatingin sa kanya na para bang wala itong sinabi.
BINABASA MO ANG
My Yummy Fynn (Piday Bonbon Dela Torre)
Teen FictionSi Piday Bonbon ay lumaki sa mayamang pamilya sa kabila ng maraming nangyari sa kanya dahil may sakit ito sa puso ay nagawa pa rin niyang mabuhay ng matagal. Pagkatapos ng kanyang operasyon ay nakilala nito si Daniel Zuente at sa hindi malamang dahi...