Piday PO'V
Two weeks passed, ang bilis ng oras kailan lang ng malaman ko na si Daniel at si Fynn ay iisa. Sa una hindi pa ko makapaniwala pero habang tumatagal mas nararamdaman ko yung pagmamahal niya.
Sobrang saya ko dahil nakita ko ulit siya. Sana... Sana magtuloy-tuloy na to dahil matagal ko na din tong hinihintay. Matagal ko ng hinintay na maging masaya ulit kasama siya.
We're back here in manila, kahit na gusto pa naming magtagal ay hindi pwe-pwede dahil may trabaho si daddy at kami naman may klase. Hindi din namin napag-usapan ni Fynn kung anong magiging set up namin. Nalaman ko din na naging pass time niya lang ang basketball hanggang sa naging habit na niya.
"Mag-iingat kayo...kung may problema tawagan niyo lang ako. " ani ni daddy sa amin ng makadating na kami sa parking lot.
"Dad 'di na kami bata. " turan ni dyosa kay dad pero ngumiti lang si dad. Alam ko din na nag-aalala siya kay Dyosa dahil hindi na naman maganda ang uwi namin dito. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkaka-ayos ni Sean.
"Wag niyo na po alalahanin si Dyosa, Dad. Ako na po bahala sa kanya." Ngiting ani ko ng makalabas si Dyosa sa kotse.
"Thank you, Piday. Sige na pumasok kana baka mahuli kapa." Tumango na lang ako sa sinabi ni dad.
Nang makalabas ako ng kotse ay nagtungo muna ako sa library para kumuha ng libro na gagamitin ko dahil simula na naman ang sandamakmak na thesis. Ito ang mahirap kadadating mo pa lang sa bakasyon matatambakan na naman ng school papers.
"Aishh! Ba't ba nasa taas pa." Mahinang reklamo ko ng makita ko ang hinahanap ko. Tumingkayad ako para makuha ang librong kukunin ko ng may nakauna sa akin.
"Akin yan—" hindi natapos ang sasabihin ko ng ipatong ng kung sinong kumuha ng libro sa ulo ko. Hindi naman patungan ang ulo ko pero ginawa niyang patungan... Seriously??
"Kinuha ko to para sayo... Hindi para sa akin." Tuluyan ko ng nilingon ang taong nagsabi nun.
"May iba ka pa bang kukunin? Baka matulungan kita." Pag-aalok ni Jayvee sa akin pero ako na ang kusang umalis dahil halata naman na wala pa itong balak umalis sa pwesto niya.
Nag-lakad lang ako na parang walang nangyari. Pero ano ba namang aasahan ko sa lalaking to. Ito na naman siya nangungulit.
"Ohh... Wala man lang bang thank you dyan?" Naglalakad ito patalikod habang nakaharap sa akin. Napairap na lang ako ng wala sa oras.
"Thank you...ok na? Umalis kana sa harapan ko bago pa mandilim ang paningin ko sayo." Naiirita kong pagkakasabi sa kanya.
Umarte naman itong nasaktan habang sapo-sapo ang dibdib nito. "Ouchh... Ang sakit nun ah. Piday, ba't ba napaka sungit mo?" May bahid na ng ngiti ang labi niya na nakakainis tignan.
Ewan ko ba simula ng matamaan niya ako ng bola umiinit ulo ko sa lalaking to. "Ang pangit mo kasi." Yun na lang ang sinabi ko sa kanya bago ko ito nilagpasan.
"Huh??? Sa gwapo kong to tinawag mo akong pangitt?!" Hindi makapaniwalang usal niya.
"Janeee!" Kahit na alam kung bawal sumigaw dito sa library ay ginawa ko pa din. Mas mabuti na to para matakasan ko si Jayvee. Hindi ko kasi kaya yung panglalandi niya sa akin kung nilalandi niya nga ako.
'Feelingera kasi ako.'
Patakbo akong lumapit kay Jane at kumawit sa braso nito. "Ba't ka sumigaw? Baka mapalabas tayo ehh!" Reklamo niya, naging close kami simula nung pinakilala siya sa amin ni mommy na bagong myembro ng pamilya.
![](https://img.wattpad.com/cover/234485936-288-k103279.jpg)
BINABASA MO ANG
My Yummy Fynn (Piday Bonbon Dela Torre)
Fiksi RemajaSi Piday Bonbon ay lumaki sa mayamang pamilya sa kabila ng maraming nangyari sa kanya dahil may sakit ito sa puso ay nagawa pa rin niyang mabuhay ng matagal. Pagkatapos ng kanyang operasyon ay nakilala nito si Daniel Zuente at sa hindi malamang dahi...