kennixie shelookslikeanAngel saiphrania_ mahalkitakajik Frezella6 lavenderbev fring1992 Heartbreak118 LenieDomingo2 First-born Moon100604 chaeyong08 Jocela14 PsychoticallyYours 5nowinter
Piday POV
"Akin na yan." kinuha ni Light ang bag na nasa balikat ko maging ang bag ni Dyosa ay kinuha din nito.
"Anong nakain mo?" sabay na tanong namin ni Dyosa dahil lagi naming sinasabi sa kanya na bitbitin niya ang mga bag namin pero lagi siyang umaayaw ito din ang kauna-uhanang beses na kinuha niya ang bag namin.
"Wala bawal ko bang alagaan ang mga kambal ko?" nagkatinginan naman kami ni Dyosa dahil sa sinabi nito.
Yumakap siya braso ko at bumulong sa akin. "May nakain ba yan?" umiling naman ako sa sinabi niya.
"Wala siguro eh pare-pareho naman tayo ng kinain kanina eh." napatango ito sa sinabi ko. napatingin ako sa likod ni Light dahil nauuna itong naglalakad sa amin.
"Baka hindi nakainom ng gamot niya. Alam mo na may pagkaabnormal yan." tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya.
"Eh anong tawag mo sa ating dalawa?" natawa naman siya sa sinabi ko.
"Simpre abnormal na maganda." maski ako ay natawa sa sinabi niya. Totoong maganda kaming abnormal.
"I agree—arayy! Bakit ka ba tumigil?!" inis kong singhal dahil bigla na lang itong tumigil sa paglalakad.
"Light pwede ba tayong mag-usap?" tumingin ako kay Dyosa at nakatulala ito sa kung sinong kausap ni Light. Dahil chismosa ako ay tinignan ko din ang kausap nitong babae.
"Wala tayong dapat pag-usapan." hinawakan ni Light ang kamay ko. "Tara na." bago niya ako hilain papaalis ay hinawakan ko na din sa kamay si Dyosa para mahila ko din ito.
"Ok ka lang?" tanong ko kay Light na ngayon ay walang kibong naglalakad. Bakit ba kasi nagpakita pa yung babaeng yun! Humanda siya sa akin mamaya!
"Ok lang ako wag niyo na akong alalahanin malaki na ako." hindi niya binitawan ang kamay ko kaya hindi ko din binitawan ang kamay ni Dyosa ganon kami naglakad hanggang sa makarating kami sa classroom ko.
"Ang babaeng yun!" narinig kung bulong ni Dyosa habang nakakuyom ang isa nitong kamay.
Tumingin naman ako kay Light na nakatingin sa amin. "Hayaan niyo na siya." ani nito.
"Hindi ko yan magagawa." ani ko sa kanya.
"Sa tingin mo kaya kung kontrolin yung sarili ko? Light kilala mo kami." ani naman ni Dyosa na halatang galit. Galit din ako pero hindi ko gustong ipakita yun kay Light. Mahal ko siya at alam ko na naiipit ito sa sitwasyon na meron kami.
Ex-grlfriend niya si Armiya at kapatid niya kami. Napabuntong hininga ako at niyakap ko siya. "Nandito lang kami ni Dyosa pagkailangan mo ng makakausap. Hindi namin maipapangako na wala kaming gagawin sa oras na nilapitan ka niya ulit kaya please ikaw na mismo ang lumayo dahil alam kung nasasaktan ka." sabi ko sa kanya. Kumalas naman ako sa pagkakayakap sa kanya at ginulo ko ang buhok niya. "Alam kung malaki kana pero lahat tayo malaki na. Diba nga triplets tayo." bigla na lang akong tinulak papalayo ni Dyosa at siya naman ang yumakap kay Light.
BINABASA MO ANG
My Yummy Fynn (Piday Bonbon Dela Torre)
Teen FictionSi Piday Bonbon ay lumaki sa mayamang pamilya sa kabila ng maraming nangyari sa kanya dahil may sakit ito sa puso ay nagawa pa rin niyang mabuhay ng matagal. Pagkatapos ng kanyang operasyon ay nakilala nito si Daniel Zuente at sa hindi malamang dahi...