Chapter 1

34 3 0
                                    

marylgarcova ameliexio itss_elijuugh Ahfrith hazelda25 GreetTheUnknown _blackberry16 RmRelly12 JirehdeniseMacayanan liras_ JoymaeOrtencio

Piday POV

Isang buwan na ang nakakalipas ng magpaheart transplant ako. Mahirap sa akin ang naging desisyon ko pero mas mahirap sa akin na makitang nasasaktan ang pamilya ko ng dahil sa akin.

Sa takot ko na baka mawala ang nararamdaman ko sa taong hindi ko pa nahahanap ay nasasaktan ko na pala ang pamilya ko.

Kakalabas ko lang sa hospital para sa recovery at pwede na din akong pumasok ngayon pero hindi muna ako masyadong mag-gagalaw.

Sinabihan pa ako ni Dad na pwede pa akong magpahinga ng ilang linggo pero madami na akong kailangang habulin sa school kaya hindi ako pumayag. Wala na din naman silang magagawa dahil yun ang gusto kong gawin. Mababaliw din ako kakaisip sa kwarto ko.

"Kumain ka ng madami." turan sa akin ni Dyosa habang nilalagyan ng pagkain ang pinggan ko.

"Tawagin mo agad ako kung sumama ang pakiramdam mo." ani naman ni Light na ngayon ay nilalagyan ng juice ang baso ko.

Napasimangot naman ako dahil para akong bata kung tratuhin nila sanay naman na ako eh pero minsan nakakainis napaka oa kasi nila minsan.

"Ok na ako, ok? Wag kayong oa ahh hindi bagay sa inyo." umirap pa ako sa kanila pero nakita ko na pinanlakihan ako ng mata ni mommy.

"Sorry po." agad kung sabi at tinikom ko ang bibig ko. Jusme bakit ba kasi ako umirap? Lagot na naman ako nito eh!

"Umayod ka Piday ah hindi ko gusto ang ganyang ugali sa hapagkainan. Kahit sino sa inyo tutusukin ko mga mata niyo pag umirap kayo sa harap ng pagkain." napayuko naman ako dahil sa takot.

Sa aming lahat takot kami kay mommy kasi sa kanya kami nagmana ng ugali at hindi biro yun dahil sa dami na ng ginawa nilang kalokohan sa buhay. Kumbaga mas madami siyang karanasan kaysa sa amin.

"Pipay, hayaan mo na yung bata kumain na lang tayo at baka mahuli pa kayo sa klase. May meeting pa ako kaya kumain na kayo." nagdiwang ang buong sistema ko dahil iniligtas ako ni Daddy. Palihim naman akong sumulyap sa kanya at nakita kong nakatingin sa akin bago siya nag tumbs up sa akin.

"Oo nga baka malate ka sa meeting mo." ani ni mommy na nabaling na ang buong atensyon kay Daddy.

"Pasalamat ka niligtas ka ni Daddy ngayon." bulong ni Kitkat sa tabi ko.

"Bakit pati naman ikaw niligtas ni Daddy noong isang araw." sagot ko sa kanya.

"Wala akong ginawang masama kaya hindi ako iniligtas ni Daddy." maang maangang sabi nito sa akin.

"Talaga lang ah, kaya pala na guidance ka dahil binugbog mo yung isang basketball player. Bakit mo naman yun ginawa?" nakita ko na natigilan ito dahil sa sinabi ko. Napangisi naman ako sa naging reaksyon niya.

"Ohh ba't namulta kana d'yan ha?" nagtaas baba pa ang kilay ko pero agad siyang napatayo sa kinauupuan nito kaya natuon ang buong atensyon namin sa kanya.

"May problema ba?" tanong ni Mommy kay Kitkat.

"Mommy—" natigil ang sasabihin ko ng takpan niya ang bibig ko.

My Yummy Fynn (Piday Bonbon Dela Torre)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon