Thirteen

1.2K 102 23
                                        

Unedited...

"Trevor." muling bigkas ni Joanna ng maramdaman ang halik ng binata sa kanyang leeg. "what are you doing?"

"I love you Joanna,paninidigan kita." tugon ni Trevor, habang hinuhubad ang damit niya na ikinalunok ni Joanna.

Ang pagpigil na nasa isip ni Joanna ay kabaliktaran sa sinasabi ng puso niya. Ang pagtulak na balak niyang gawin sa binata ay napalitan ng paghaplos sa pisngi nito, mahal niya ito at mali ang kanyang ginagawa pero paano niya pipigilan ang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Hindi niya namalayan ang paglandas ng luha sa kanyang mga pisngi na nauwi sa paghagulgol at mahigpit na yakap kay Trevor.

"Hey, I'm sorry."

"No, ako ang may kasalanan."

"Joanna,sweatheart Look at me, hindu mo naman kailangan pahirapan ang sarili mo just follow what..."

"Trevor, please ayaw kong magkamali kaya hanggat kaya ko at ito ang tama hindi tayo pwede, please unawain mo naman ako." umiiyak na sabi ni Joanna sa binata. "hindi kita pwedeng mahalin ng lubusan, tama na."

Pakiramdam ni Trevor ay, sinipa siya ng ilang libong beses sa kanyang dibdib ng marinig ang sinabi ng dalaga. Napapikit siya at nanghihinang napasandal sa kinauupuang sofa habang kuyom ang dalawang kamao.

"mahal mo ako pero hindi mo kayang ipaglaban? So that's it, hanggang ganoon na lang?" tanong niya sa dalaga.

"oo! Hanggang doon na lang iyon." matatag na sagot ni Joanna at hinagip ang nahubad na damit at muling isinuot iyon at tinungo ang pinto.

"ang duwag mo naman Joanna!" buong pait niyang sambit. "kasalanan ko ba na mahalin ka kahit pag aari ka na ng pinsan ko."

"Im sorry, duwag na kung duwag ako, hindi ko kayang manakit ng damdamib ng taong labis na nagmamahal sa'kin."

"how about me, hindi mo ba ako sinasaktan ha? Look at me hindi ba ako nasasaktan sa mga sinasabi mo,?"

"Trevor, walang tayo!" mariing sabini Joanna at tiningnan ng matuwid ang binata. "ginagawa ko lang ang tama. We are not for each other sa simula pa lang. Im sorry."

Kasabay ng paglapat ng sumaradong pinto ay ang pagbagsak ng masaganang luha sa pisngi ni Joanna, nangangatog ang kanyang mga tuhod na tila walang lakas ng humakbang, mariin siyang napapikit kasabay ng pagkagat sa kanyang pang ibabang labi ng marinig ang pagbagsak ng mga nababasag na gamit sa loob ng opisinani Trevor.

"Please kaya ko ito!" bulong niya at pinahid ang luha sa magkabilang pis gi at tinungo ang reception. "please nagwawala ang Boss ninyo, can somebody help him nasa opis siya."

"Ma'am, sorry po pero wala po na kahit sino ang nangangahas na umawat kay Sir lalo na po kung nagwawala siya. Pasensya na po kayo."

"sige. Ahm pakiready na lang ng bill namin, mag check out na kami bukas ng kaibigan ko."

"okey po Ma'am."

Mabilis ang hakbang na tinungo ni Joanna ang kwarto nila ni Stephanie, tulog na ang kaibigan kaya naman marahan siyang nahiga sa kabilang kama, pinilit niyang ipikit ang mga mata ngunit sadyang mailap ang antok sa kanya, paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang mga sinabi ni Trevor. Yes, duwag nga siya, iniisip pa lang niya ang mga isusumbat sa kanya ni Hans ay halos sabunutan na niya ang sarili dahil maling-mali ang pag amin niya kay Trevor sa totoo niyang nararamdaman dito.

Kinabukasan kahit walang tulog ay maaga pa rin siyang bumangon, matapos maligo ay lumabas siya at nagtungo sa dalampasigan, alas singko pa lang ng umaga kaya malamig pa ang simoy ng hangin, bitbit ang kanyang flip-flops ay naglakad siya,nayakap niya ang sarili ng humangin ng malakas. Malayo-layo na ang kanyang narating at nagliliwanag na, naupo siya sa may ibabaw ng isang bato at pinanood ang pagsikat ng araw.

Born To Be Yours (On Going)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon