Nine

1.2K 95 12
                                    

Unedited



Marahas na itinulak ni Hans si Lucy sa palayo sa kanya. Matalim ang tingin na ipinukol niya dito.


"Ilang beses ka man maghubad sa harapan ko ay hinding-hindi kita para patulan Lucy! Kaya mabuti pa habang may natitira pa akong respeto sa sarili ko para sa isang babaeng kagaya mo, get out of here Lucy! hindi ako papayag na sirain mo kami ni Joanna, mahal ko siya!"



"nakakatawa ka Hans! Nakakaawa ka!" naiiyak na bigkas ni Lucy. Bago pinulot ang damit na nahubad at isang mapagbantang tingin ang ibinigay nito kay Hans bago tuluyang umalis ay nagbitiw ito ng mga kataga sa kanya. "hindi kita patatahimikin!"



Nanlalambot na napaupo si Hans sa sofa at nasabunutan ang sarili, hindi na niya alam ang gagawin kay Lucy, sa mga pangungulit at panggugulo nito sa kanya. Magulo na talaga ang isip niya sa mga ginagawa nito sa kanya, it's really a big mistake na nakipag-commit siya sa pamilya nito, dahil lang sa gusto niyang patunayan sa kanyang ama na kaya niyang tumayo sa sariling paa.


"Damn!"

"Damn!" paulit ulit niyang bigkas.




Samantala...

Abot ang kabog ng didbib ni Joanna ng tumapat siya sa nakasaradong pinto ng kwarto ni Trevor, ilang ulit niyang itinaas ang kamay para kumatok ngunit ilang ulit din niyang ibinaba iyon.



"hayss! Shit! Bakit ba ako kinakabahan?" tanong niya sa sarili.



"you can come in Ms. Guanzon, or you can leave straight away to the airport, taxi is waiting for you outside."bigkas ni Trevor na nagpaiktad sa dalaga. Napataas ang kanyang kilay dala ng inis at hiya. Pinili niya ang maging formal kaya marahan niyang pinihit ang doorknob, agad na sumalubong sa kanya ang lamig ng kwarto kaya nahapit niya ang sarili.


"Im sorryI feel hot kaya itinodo ko ang Aircon."


"are you okey?" nag-aalalang tanong ni Joanna at mabilis na nilapitan ang binata sinalat niya ang noo nito. "Trevor!



" Im fine Joanna, you'll be late in your flight, kaya ko ang sarili ko, just go. "


" shut up! "tugon niya sa binata at agad na lumabas ng kwarto at naghanap ng thermometer at gamot para sa binata.



" Joanna naghihintay si Hans sayo."


"he can wait another day, hindi kaya ng konsensya ko na iwanan ka ng ganito ang sitwasyon, paano kung lumala at mamatay ka."



"mamatay agad ang lupit mo naman, lagnat lang naman ito."



"kahit pa, lift your arms." utos niya dito matapos punasan ng alcohola ang thermometer. "kailan pa ito?"


"ewan ko." tugon nito na nakapikit ang mga mata.


Napatitig si Joanna sa mukha ng binata, kanina lang ay halos isuko na niya ang sarili dito tapos heto siya ngaun nag-aalala para dito,ang kanyang paningin ay dumako sa labi nitong pangahas na ilang ulit niyang hinayaan angkinin ang labi niya. Pakiramdam niya ay uminit ang buo niyang mukha ng bigla itong magmulat ng mata at nagsalubong ang paningin nila,ang mga mata nito ay puno ng hindi niya naipaliwanag na emosyon. Agad niyang binawi ang paningin at hinawakan ang kamay nito at bahagyang iniangat para kunin ang thermometer.



"39.8 kaya mo pa ba?" tanong niya dito.


"yes, Joanna please you'll be late sabi ko naman sayo....


Born To Be Yours (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon