Eight

1.4K 102 14
                                    

Unedited



"Im sorry Joanna."



"I understand nakainom ka lang kaya mabuti pang itulog mo na lang 'yan, matutulog na rin ako. Excuse me."




"Joanna.?"





Sambit ni Trevor na nagpahinto sa kanyang paghakbang, gustuhin man niyang lingunin ay natatakot siya. "bakit?" tugon niya hindi lumilingon dito habang abot ang pagkabog ng dibdib niya.





"pwede ka ng umuwi ng Pilipinas bukas ng gabi." mahina ngunit maliwanag ang pagkakasabi nito na sapat lang para marinig ni Joanna.




"are you sure?" gulat na tanong ng dalaga na agad na napalingon sa binata.




"yes, here's your plane ticket. Hans send an email to me na susunod siya dito ayaw kong dito ka niya abutan at pag isipan ka ng hindi maganda."




"totoo ba talaga ito, kala ko ba may kailangan ka pa sa'kin for one week.?"





"I can do it alone, I asked a lot from you kaya naisip ko sumusobra naman na yata ako sa pagiging boss sayo, at ang kalokohan punishment ko is really not connected sa pagiging flight attendant mo, and because of that I am really sorry Joanna."




Hindi makapaniwala si Joanna sa naririnig buhat sa binata, malayong malayo kasi sa mga kalokohan na ginagawa nito ang kaseryosohan ngaun.




" well, apology accepted, salamat talaga. "masaya kong sabi sa kanya at agad kong tinakbo ang kwarto na tinutuluyan ko para ayusin ang mga gamit ko." excited  lang Joanna? "





Mapait na napangiti si Trevor, wala naman dahilan para makaramdam siya ng pait sa kaalaman na aalis na si Joanna, in the first place he has no right to feel that way, at pangalawa girlfriend ito ng pinsan niya, correction fiancée.




" damn you Hans! Malaman ko lang talaga ang totoo dudukutin ko si Joanna at ilalayo sayo!" bulong ni Trevor bago pumasok sa loob ng kanyang kwarto.





Kinabukasan, maagang nagising si Joanna excited siyang lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina para maghanda ng almusal, ngunit agad siyang napahinto ng makitang andun si Trevor, abala itong naghahalo ng kung anong nakasalang sa isang kaserola. Tahimik niyang pinag-masdan ang binata. Malaki ang kaibahan ni Trevor at Hans. Trevor is much taller than Hans, he's more masculine than Hans, he's more snob than Hans and more hot than Hans."What hot?" no way! "saway niya sa sarili na ipinilig ang ulo.



"are you done molesting me with your eye's Miss Guanzon?"tanong ng binata na nagpapula ng kanyang mukha.




Agad tumaas ang kilay ni Joanna sa sinabi ng binata,at para pagtakluban ang pagkakapahiya ay tinawanan niya ang binata.




" assuming kang masyado Mr.Montaño,naalala ko lang si Hans dahil sa tuwing magkasama kami ipinagluluto niya ako ng almusal."pagsisinungaling niya dito.






"hmm, sa pagkakaalam ko si Hans na kilala ko ay walang alam sa kusina, kahit nga sarili niyang kape hindi niya alam gawain, but anyway come have a seat and taste my foods." bigkas nito kasabay ng paghila ng isang upuan at sinenyasan siyang maupo.





Habang naghahain ito ay minamasdan lang niya ang binata na sanay kumilos sa kusina, sino nga ba mag aakala ba ang isang Boss, mayaman ay sanay sa kusina.





Born To Be Yours (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon