Three

1.6K 111 16
                                        

Unedited

*
*
*
*
Pigil ang hiningang pinihit ni Joanna ang doorknob. Bahala na sabi ng utak niya, kung anuman ang masasaksihan niya siguro ay iyon na talaga ang dapat mangyari. Malaki ang tiwala niya kay Hans at hindi niya matatanggap ng ganun-ganun lang kapag mayroon na hindi kanais-nais siyang makikita sa loob ng opisina nito.

"Hans!"bigkas niya ng mabungaran ang kasintahan na malapad ang ngiti habang hinhintay ang paglapit niya ang isang kamay nito ay may hawak na bouquet at isang kamay ay nakabuka na naghihintay sa paglapit niya.

"Hans."muli niyang bigkas bago sinugod ito ng yakap."I miss you so much."

"I miss you so bad my Love."tugon ni Hans at mas mahigpit na yakap ang ibinigay sa kasintahan."I know what are you thinking and Im sorry for that sinadya ko ang lahat It was our plan."

"Our?"tanong ni Joanna at nag -angat ng paningin sa kasintahan at bahagyan inilayo ang katawan dito.

"Steph and I, pero sana hindi naman ganuon kasama ang pinang-front niya sayo kung bakit wala akong text kahit isa."

Napabungisngis si Joanna sa sinabi ni Hans, kung malalaman lang nito kung gaano ka-brutal ang pinagsasabi ni Stephanie ay baka makatay nito ang kaibigan.

"Nakikita ko sa mga tawa mo na____."

"Love okey lang ikaw kasi dami mong pakulo, pwedw naman invite mo na lang ako since nasa Manila lang ako."

"Hmm because I want it to be special, 'yung tayo lang."tugon nito at nagsalin ng wine sa baso at iniabot sa kanya.

"Hans, kapag may alak,may balak!"tikwas ang kilat na sabi niya sa kasintahan na ikinahalakhak nito, napuno ng saya ang dibdib ng dalaga dahil sa pagtawa ng kasintahan, para silang bumalik noong panahon na nanliligaw pa lang ito, kung paano siya patawanin nito.

"Your so cute Love, matagal na akong may balak, but I realize ang balak ko ay hindi kailanman hihigit sa respeto ko sayo, unless akitin mo ako."tugon nito kasabay ng pagkindat sa kanya na ikinakilig niya ng sobra.

"Haha hoy! Mr Hernandez hindi na kita kailangan akitin pa."

''I know, halika nga payakap naman."

Agad na lumapit si Joanna sa kasintahan at niyakap ito kasabay ng paglapat ng kanilang mga uhaw na labi sa isa't-isa, ang kanilang halikan ay lumalim at naging mapusok, ang kamay ni Hans ay nag umpisang humagod sa kanyang braso at ang halik nito ay bumaba sa kanyang leeg na ikinaiktad niya.

Kung saan kami makarating ay bahala na mahal ko naman siya.''bigkas ng kanyang isip at hinayaan na muling lumalim ang halik ng kasintahan na tinugon niya , ng maalis ni Hans ang suot niyang blazer ay agad siyang napasinghap ng maramdaman ang lamig na nagmumula sa aircon.

"I love you."namumungay ang mga matang bigkas ni Hans.

"I love you too."tugon niya at muling naglapat ang kanilang mga labi, nakalimutan nilang nasa loob sila ng opisina ng binata kaya naman ang pagbukas ng pinto ay hindi nila namalayan.

"Oppsss! Sorry Sir Hans."bigkas ni Lucy na may hawak na ilang folder."hindi ko alam na may bisita ka pala."

Agad na naitulak ni Joanna si Hans palayo sa kanya, iba ang pakiramdam niya sa babaeng ngaun ay nakatayo sa harapan nila,she's sorry but it does'nt look like that she is.

"What do you want Lucy?"

"Napadaan lang ako to gave you this, I need your sign para sa affroval ng paglipat natin sa  mas malaking ware house next month."

Born To Be Yours (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon